"Sige na, Ate! Para ka namang others!"
Kanina pa ako nagpapaalam kay Ate na may lakad ako pero ayaw niya akong payagan umalis. Nakahiga lang ako sa sofa at gumugulong-gulong ako.
"Ate, kasama ko naman mga kaibigan ko!" Pagmamakaawa ko pa.
"Napagbigyan na kita," seryosong sabi ni Ate. "Nitong mga nakaraang araw lagi ka na ngang wala rito. Magpahinga ka muna, puro ka gala. Hindi ka ba nagsasawa?"
Hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at kaagad pumunta sa dining room, nakita ko naman si Kuya Nico na kumakain doon.
"Kuya, aalis ako," sabi ko at tumabi sa kaniya. Kinuha ko naman 'yong kutsara niya at nakikain. Pinitik niya ang kamay ko.
"Edi umalis ka," walang pakialam na sabi niya sabay kuha sa kutsara at sumubo ulit.
"Kuya naman! Ayaw nga akong payagan ni Ate!" Dagdag ko pa. Tumayo ako at hinahatak siya. "Sumama ka! Kapag nagkita na kami ng mga kaibigan ko, aalis ka na tapos malaya ka na!" Tumawa lang si Kuya Nico sa akin. "Seryoso ako, hoy!"
"Seriously, Chelseah?" Napatingin ako sa gawi na kung saan may nagsalita. Obvious ba? Kasasabi ko nga lang, e. Nakita ko si Ate na nakataas ang kilay habang naka-cross arm. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag peace sign. "Papuntahin mo na lang sila rito," tumalikod siya at umakyat na.
"Kuya," pangungulit ko pero hindi niya ako pinapansin. "I hate being the youngest child!" Inis na sabi ko at umalis doon.
cnleonar: punta na lang kayo rito nakakainis
cnleonar: overnight ha kahit ilang days
leichavez: di ka ba pinayagan boi
cnleonar: oo tanginamo
vanicera: HAHAHAHAHAHA dasurv.
prettyboydale: ra na huy
hd.villaluz: Hindi ako puwede, next time na lang ako lol
prettyboydale: luh kj m nmn wsg k n sumama kht kelan
itshinaya: on my way
vanicera: wow shin first time mong maaga ah.
rclapuz: Sasama ako pero sandali lang ako, papunta na rin ako.
prettyboydale: ayos ka tol buti nmn nagpramdam k na
Napailing na ako sa kanila at pinatay ang cellphone ko. Niligpit ko na rin 'yong ilang kalat ko rito sa kwarto.
"Manang, dadating mga kaibigan ko, paghanda mo kami pagkain." Sabi ko sa kaniya, tumango siya. "Salamat po!" Umalis ako roon at umupo muna ako sa sofa habang hinihintay sila. Unang dumating si Rowan dahil malapit lang siya sa amin.
"Na-miss kita," sabi ko sa kaniya at ngumisi. "Baliw ka, hindi ka nagpaparamdam sa amin." I heard him chuckled.
"Busy ako," he shrugged.
"Sa girlfriend mo?" Tanong ko pa sa kaniya. Gulat niya naman akong nilingon. "Halata kayo," sabi ko pa at tumawa. Napailing na lang siya.
Nang makumpleto kami ay umakyat na kaagad kami sa kwarto ko. Inaya nila ako mag Call of Duty kaya sumali na ako. Five man kami. Si Vanice ay hindi kasali dahil hindi naman siya nagbabatak.
"Sr main check!" Sigaw ni Dale nang makapatay siya using sniper. "Clutch ko 'to, huwag kayong magulo."
"Dale! 2f!" Shin panicked.
"Bobo, amputa," iritadong sabi ni Rowan nang hindi ma-clutch ni Dale 'yong round na iyon. 4-4 pa naman ang score, talo kami.
"Tang ina ka ba, sinong unang namatay sa atin?! Anong laban ko roon?! Lahat kayo patay tapos iniwan niyo 'ko mag-isa ta's kapag hindi ko na-clutch, magagalit kayo?!" Sunod-sunod na sabi ni Dale habang nakahawak sa dibdib niya.
