"Stop staring," inis kong sabi. Nagulat siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Ano may sasabihin ka pa ba? Kung wala, aalis na ako." Tumayo ako.
Hinawakan niya ang braso ako. Lumingon ako sa kamay niya. Gulat siyang binitiwan 'yon. Sinenyasan niyang umupo ulit ako kaya padabog akong umupo.
"Do…" hindi niya matuloy.
"Do? What? Say it," naiiritang sabi ko. Kanina pa ako naghihintay.
"Do you still like me?" Tinitigan niya ako.
"No," diretsong sagot ko.
Tipid siyang ngumiti. "I'm so happy for you."
Hindi ako nakapagsalita.
"I'm sorry," he said after the long silence. "Do you still remember our last date?"
I nodded. "Paano ko makakalimutan? Sobrang nasaktan ako noon."
"I'm sorry…" walang katapusang sorry niya. "Sa totoo lang, hindi ko naman ginusto 'yon."
Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Hindi ginusto? Liar.
"You didn't listen when I tried to explain."
Natigilan ako.
"Si Laurea. Hindi ko siya nagustuhan. Never." Seryosong sambit niya. Nakatingin lang ako sa kaniya, nakikinig. "'Yong nakita mo noon, hindi ko 'yon ginusto. Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, hindi ko siya kaagad natulak."
Na-guilty ako bigla. Bakit ba hindi ko siya pinakinggan noon? Galit ako noon. Sobra akong nasaktan. At hindi ko kayang makinig sa sasabihin niya. Dahil ang pakiramdam ko noon ay kasinungalingan lang ang sasabihin niya.
"Hindi ko maintindihan." Natawa ako sa sinabi ko. "'Yong irita mo sa akin noon? Never kang nairita sa akin dati, Jiren."
"Sa mga text ni Laurea ako naiirita, nadamay ka lang. Laurea blackmailed me. Kaya pinilit ko pa ring mag-reply sa kaniya noon." He explained.
"Natatandaan ko pang… natuwa ka, nakatingin ka sa phone mo noon. Paano mo maipapaliwanag 'yon? Irita ka kay Laurea, 'di ba?"
"I saw your picture when I pressed the home button. You know you're my wallpaper, right? Nawala saglit ang pagkairita ko. You look beautiful in that photo… well, lagi ka namang maganda." Nakangiti siyang umiwas ng tingin. "Ang babaeng minahal ko," dagdag niya na nagpatigil sa akin.
I don't know what to say!
"Nadamay ka lang talaga sa irita ko noon. Nakakainis naman kasi talaga siya!" Parang batang sabi niya.
I miss that… the way he talks. The old Jiren.
Mukhang hindi naman siya nagbago. Dahil sa mga tropa niya, ganiyan siya. Sa akin lang siguro. Pero ngayon, natuwa ako sa nakita ko. Hindi na siya 'yong laging badtrip kapag nagkikita kami.
"Talaga? Pero noong nagkita tayo ulit… para kang galit sa akin!"
"Naiirita ako sa blockmates ko noon. Tapos may bigla akong makakabungguan! E, 'di lalo akong nairita!" Kuwento niya. "Then I saw Rk!"
Ngumisi ako nang biglang maalala iyon. "Wala palang taste, huh."
Natigilan siya bigla. "Dala lang 'yon ng irita ko!" Defensive na sagot niya. "Alam mo namang mabilis ako mairita, 'di ba? You used to calm me down… kapag iritado ako. Ikaw lang may kayang pakalmahin ako."
Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Madali pa rin siyang mairita. Iyan talaga ang gusto kong ipabago sa kaniya noon pa man. Kahit 'yong pagiging babaero niya! Mukhang hindi pa rin nagbabago, e? Babaero pa rin.
