Chapter 4

150 5 1
                                    

"Seryoso ba siya?!" 

Nagmamadali akong umakyat kanina no'ng sinabi niya iyon. Hindi ko alam magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Naririnig ko na dati pa sa kuya ko na magaling mambola si Rayzen. At ang tingin daw si Rayzen sa 'love' ay laro lang! Hindi ko nga alam kung seryoso ba siya sa akin at kung ano'ng mayroon kami. Ano nga ba? 

Masiyado siyang pa-fall or sadyang nahuhulog lang ako sa kaniya? 

At isa pa, ang attitude kasi ni Rayzen ay nakadepende sa nakakasalamuha niya. Based on my observation. At first, he has a really cold personality, especially when he is not close to or dislikes the person. Kapag nagiging komportable naman siya, napapalitan iyon ng kakulitan. Pero kapag kasama naman niya ang mga kaibigan niya ay siya 'yong hindi mo talaga makakausap. Sa akin lang ba siya ganoon? Ang pagiging madaldal at makulit?

Napabuntong-hininga na lang ako sa naisip ko. Nauna umuwi si Lei at Vanice. Si Shin naman ay nagpaiwan dito. 

"Che, pahiram charger," biglang sabi ni Shin. 

"Anong charger?" I asked.

"IPhone," aniya.

"Baka nasa may unanan ko, check mo." Sabi ko habang kumukuha ng damit.

"Wala rito, Che," sabi niya na parang naiirita.

"Aba! Nandiyan lang 'yon! Hanapin mo lang diyan!" Irita ko ring sabi sa kaniya. Hindi naman iyon mawawala basta-basta. Lumapit naman ako roon para hanapin ang charger ngunit wala.

"Ano?" Ngingisi-ngisi siya sa akin.

"Para kang aso, gago," biro ko sa kaniya. Sumama naman ang mukha niya. 

"Wow! Parang hindi best friend, ha!" Angal niya. 

Tinawanan ko siya. "Wait, baka nasa kwarto ni Nico." Hiniram pala ni Kuya iyon, nawala sa loob ko.

"Nico? Lagot ka sa kuya mo 'pag narinig ka!" Tumawa siya.

"Wala naman siya, e." Tawa ko rin. "Bakit kasi dalawa kuya ko! Lagi na lang may pangalan kapag magbabanggit ako," reklamo ko.

"Ask your parents," tatawa-tawa niyang sabi kaya binatukan ko siya. "Sadista ka talaga, 'no? Bilisan mo, lowbat na 'ko!" 

"Maghintay ka, Madame," sarkastikong sabi ko at lumabas ng kwarto ko. 

Papunta na ako sa kwarto ni Kuya Nico nang biglang lumabas ang magto-tropa galing sa kwarto ni Kuya Chase. Tinungo ko naman ang ulo para hindi ko na sila mapansin.

"Che!" Tawag ni Kuya Chase.

"Ano?" Pagtataray ko.

"Bumaba ka na. Dinner," aniya. Tinanguhan ko lang siya. Nakatingin sa akin si Rayzen kaya napalingon ako sa kaniya bago ako tuluyang makatalikod.

Kumatok ako sa kwarto ni Kuya Nico. Pero walang nagbubukas. Wala si Kuya? Tinry ko namang buksan pero hindi iyon naka-lock. Pumasok na lang ako. Charger lang naman kukunin ko. Nahanap ko naman iyon sa tabi ng kama niya. 

"Ayan!" Binato ko kay Shin iyong charger. Napailag siya sa ginawa ko kaya natawa ko. "Tara na, dinner tayo, sabay tayo kina Kuya." Nagmadali naman mag-charge si Shin at kaagad na lumapit sa akin. Gutom na gutom.

Inunahan ako ni Shin bumaba. Ako naman ay dahan-dahan dahil nahihiya ako kay Rayzen!

"Seah, bilisan mo naman!" Narinig kong sigaw ni Kuya Chase. Sa sinabi niyang iyon mas lalo ka pang binagalan. "Seah!" Tawag niya ulit kaya wala akong nagawa kundi bilisan ang pagbaba ko.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon