"Debut or travel with your friends… or fam?"
Nasa hapag-kainan kami ngayon. Kaming magkakapatid. Malapit na pala birthday ko. Excited ako na hindi. Ewan ko kung bakit. Tiningnan ko ang tatlo kong kapatid na pare-parehas na naghihintay sa isasagot ko.
"Debut," tipid na sagot ko.
"Great! Bukas na bukas magpasukat ka na ng gagamitin mong gown!" Excited na sabi ni Ate, pumapalakpak pa. "Kayo ring dalawa! Sumama kayo sa amin! Shopping!" The fuck? Nasaan na sungit nito?
"I can't," si Kuya Chase.
"Ayaw ko, Ate," si Kuya Nico.
"Ang arte niyo! Sumama kayo!" Pamimilit ni Ate sa dalawang lalaking kapatid ko. "Why? Ngayon nga lang tayo magkakasama. Siblings bonding!" Aniya. Ang dami niya pang pinagsasabi habang kaming tatlo ay nakatunganga lang sa kaniya at irita na sa boses niya. Nanenermon na may halong pamimilit.
"Sumama na kayo," walang ganang sabi ko. Naiirita na ako sa boses ni Ate, kanina pa namimilit.
Narinig ko ang malakas na buntong-hininga nitong dalawang kapatid ko at sabay na tumango.
"Unfair niyo, ha!" Kunwaring nagtatampong sabi ni Ate. Kaming tatlo ay sabay na natawa sa inasta ni Ate.
Maraming usapan at tawanan ang nangyari no'ng gabi na iyon. Kinabukasan ay tanghali nang magising ako. Oversized shirt na lang ang sinuot ko at maong short. White shoes na lang din ang ginamit ko. Bumaba na ako at ang dalawang lalaki pa lang ang naroon.
"Wala pa si Ate, mabagal pa naman kumilos 'yon!" Naiinip na sabi ni Kuya Nico. Pinisil niya ang pisngi ko kaya hinampas ko ang kamay niya. Narinig ko pa ang halaklak niya.
Si Kuya Chase naman ay abala lang sa kaniyang cellphone. Buti pa siya! Lumapit naman ako roon at tumabi sa kaniya. Nilayo niya bigla 'yong phone niya sa akin.
"Chismosa," irap niya.
"Wews, may tinatago ka lang!" Ngumisi ako sa kaniya pero irap na naman ang sinukli niya sa akin. Napakataray talaga kahit kailan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang bumaba na si Ate. Strappy black dress ang suot niya. She look expensive and hot.
"What the fuck? Malamig sa mall ta's ganiyan suot mo?" Kunot-noong sabi ni Kuya Chase kay Ate.
"May cardigan ako!" Inirapan niya si Kuya. Wala talagang makakatalo sa katarayan ni Ate. Bumaling sa akin si Ate. Hinead to foot niya naman ako. "Change your clothes! Katulad sa akin, para parehas tayo," ngisi ni Ate.
"Huwag mo na siyang idamay, ayos lang suot niya, unlike yours." Maarteng sabi ni Kuya Chase.
"Why? Para nga nasa amin attentions ng mga boys!" Tumawa si Ate nang malakas. Nakitawa ako sa kaniya at nag-high five kami. Napailing na lang 'yong dalawa.
"No matter what Seah wears, agaw-pansin siya ng kalalakihan." Si Kuya Chase.
"Stop being lalakero, Ate." Hindi na rin napigilan magsalita ni Kuya Nico.
"You two don't need the boys' attention. We're here, right, Niccolo?" Lumingon ako kay Kuya Nico na tumango sa sinabi ni Kuya. Jealous brothers.
Si Ate ang nagda-drive ngayon. Ako ang nasa shotgun seat at ang dalawa naman ay nagmumukmok sa likod namin. Gusto nilang mag-drive pero ayaw ni Ate. Wala na rin naman silang nagawa, tiklop talaga sila kapag si Ate na ang nagdesisyon.
Lumingon ako sa dalawa nang nakangisi. Nakasimangot sila pareho at panay ang irap. May kung ano-ano pa silang binubulong. Sabay silang napalingon sa akin, tiningnan lang nila ako habang nakasimangot.
