Chapter 8

107 2 4
                                    

"Motor?!" Gulat na sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Marunong pala siyang mag-motor? 

"Yeah, what's wrong?" Nagtataka pa niyang tanong. Siya pa may ganang magtaka, wow!

"Sanay ka ba?" Napatawa naman siya sa tanong ko. The fuck?

"Mapupunta ba 'to rito kung hindi ako sanay," tumawa ulit siya. He's so annoying! I hate him! 

He swung his leg over the motor and patted the seat behind him with a smirk on his face. I just rolled my eyes. Palapit na ako roon at inabutan niya ako ng helmet. Saan kaya 'to galing? Pambabae pa naman 'tong inabot niyang helmet, sa kabit niya siguro 'to! Tapos pasasakayin ako riyan? 'Wag na!

Narinig ko siyang tumawa kaya inis ko siyang binalingan. "Sa pinsan ko 'to… atsaka wala akong kabit," tumawa ulit siya. Happy pill yata ako nito, e? Tawa ba naman nang tawa.

"Mind reader ka ba?" Naiinis kong tanong sa kaniya. Bakit naman niya ako sinagot! Wala naman akong sinasabi!

"What? I heard you—"

I cut him off. "Seryoso ka? Sa isip ko lang dapat 'yon, e!" Napatakip naman ako ng bibig nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko! Bakit ba ako nage-explain sa kaniya!

Ngumisi siya sa akin at sinenyasan niya akong kunin 'yong helmet na hawak niya.

"Ayoko niyan," inis kong sabi. "Wait for me, okay? May kukunin lang ako," tumango naman siya sa sinabi ko.

Pumunta ako sa garahe namin para kunin 'yong helmet ko. May sarili naman akong helmet, ayaw kong magsuot ng hindi naman akin!

Bumalik naman ako roon at nakita ko si Rayzen na nakatingin sa hawak ko. "May sarili ako," sabi ko sa kaniya. Kunot-noong tumango siya sa akin.

I climbed on and my arms around his, ang bilis niya kasi magpatakbo! Para-paraan pa 'tong kupal na 'to! I rested my cheek on his back, breathing in his heavenly scent. Ang bango niya talaga! 

Biglang gumalaw ang kaniyang balikat kaya nilayo ko 'yong mukha ko sa likod niya. Tumawa siguro sa ginawa ko! Kainis naman! Papansin!

Nang makarating kami ay bumaba na kaagad ako. Nakangiti pa rin siya. God! What's wrong with him?

"Thank you," sabi ko sa kaniya. Pinarking naman niya ang sasakyan niya atsaka siya bumaba. 

"Oh, I forgot. I need to buy something," he said. Oh, God! Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na sumama sa kaniya? 

Kumuha ako ng cart para doon ilagay ang mga bibilhin ko. Kinuha niya naman iyong sa akin. "Akin iyan! Kumuha ka ng iyo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na," seryosong sabi nito. Gusto niyang siya ang magtulak! Sige lang, siya naman ang mahihirapan, hindi ako kaya hinayaan ko na siya sa gusto niya. Napangisi naman ako.

Inuna ko naman ang sa akin, hindi ko pa pinapakialaman 'yong nakalista sa papel. Mine first! Huwag lang sana magkulang-kulang ang bibilhin ko dahil panigurado ay sermon ang abot ko kay Manang!

Habang nag-iikot kami ay may nararamdaman ako na parang may nagmamasid sa akin ngunit hinayaan ko na lang. Kumuha pa ako ng mga pagkain na para sa akin. Nasa gilid ko lang si Rayzen kaya dumikit ako sa kaniya. Gulat naman siya sa inasta ko pero hindi ko na iyon pinansin.

Napalingon ako sa gawi kung saan parang may umaaligid sa akin, ginaya naman ako ni Rayzen at tumingin siya roon. Ngunit bago pa lumingon si Rayzen ay nawala na ito sa paningin ko, ang lalaking kanina pa tingin nang tingin sa akin. Siya iyon! Hindi ako p'wede magkamali. Ang lagkit ng tingin niya. Hinayaan ko lang 'yong lalaki at mas lalong dumikit kay Rayzen. Natatakot ako. 

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon