Biglang tumunog ang cellphone ko. Saktong 12 o'clock. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na sasagutin ko muna iyon.
"Happy birthday, Che! Mamaya na 'yan! Tropa time muna!" Si Lei.
Nagrereklamo na rin ang iba kong kaibigan dahil sa tumawag na ito.
"Teka lang talaga," sabi ko at lumabas para pumuntang terrace. Nanahimik silang lahat at tumingin sa akin habang palabas ako. Bago ko pa masara ang pinto ay umingay na naman sila.
"Hello," I answered.
[Why are you taking so long? Happy birthday.] His voice was husky.
"Nothing. Bakit ka nga pala napatawag?"
[I want to greet you. I guess I was the first to greet you, huh?]
"You're not," sambit ko.
Hindi kaagad siya nakapagsalita.
"Narito kasi mga kaibigan ko… kaya sila unang nakabati sa akin." Dagdag ko.
"Chelseah! Tara na! Magbo-blow—" ani Henden na kaagad kong pinutol.
"Shut up, Den! Susunod na ako!"
"Bilisan mo! Kanina pa 'yan!" Sabi niya. Hindi pa nga nakakalimang minuto, e!
Pumasok na siya sa kwarto ko at hinayaan ako rito. "Sige na, Rayzen, mukhang antok ka na. Halata sa boses mo. Good night."
[Magbo-blow… w-what?] Mukhang wala ito sa sarili.
"Pinagsasabi mo? Magbo-blow kasi ako ng candle!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon.
[Oh, yeah! Happy birthday again. See you later, good night!] At pinutol niya ang linya.
Bumalik ulit ako sa loob na nakakunot ang noo. Nagtataka pa rin sa tinanong niya. Dirty mind, huh?
Saktong pagpasok ko ay kumanta sila. Si Dale ang may hawak ng cake habang papalapit sa akin.
Nang matapos ang kanta ay sinabihan nila akong mag-wish muna. Nag-wish muna ako atsaka hinipan ang kandila. After ko gawin iyon ay may biglang humawak sa ulo ko at sinubsob ako sa cake. Napapikit ako.
Tang ina, sayang 'yong cake!
"Shin!" Sabay-sabay nilang suway.
"Happy birthday!" Tumatawang sambit nito.
Si Shin at Vanice lang ang naririnig kong tumatawa. Ang iba ay hindi. Kahit ako ay hindi natutuwa sa ginawa ni Shin. Hindi ako makadilat dahil puro cake ito. Lagot sa akin 'tong babaeng 'to after ko maalis itong nasa mukha ko!
May umalalay naman sa akin, hindi ko alam kung sino dahil hindi ko makita!
"Dito, kanan," si Henden pala 'tong umaalalay sa akin. "Maghilamos ka na," sabi nito.
"Paano? Tulungan mo muna ako!" Reklamo ko. Hindi siya nagsalita at tinulungan niya nga ako. "Okay na! Sasabunin ko na lang! Alis na!"
Wala siyang imik at sinunod niya ang gusto ko. Sinabon ko na rin ang mukha ko at binasa rin ang buhok ko. Lagkit ko na. Liligo na lang ako mamaya bago ako matulog!
Paepal kasi 'tong si Shin!
Nagpunas na ako ng mukha at umalis sa CR ko.
Sinalubong ako ni Shin. "Sorry, Che! Happy birthday talaga!"
"Malagkit! Sa 'yo ko kaya gawin iyon?" Sabi ko at sinabunutan siya.
"Ang sama mo naman!" Tawa niya.
"Mas masama ka," ganti ko.

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Novela JuvenilLeonar Siblings Series #1 Start: December 28, 2021 End: