Chapter 10

114 4 0
                                    

"Yes," I said seriously. Hindi man lang ako makatingin sa kanilang lahat. Agad akong tumayo. Narinig kong tinatawag nila ako ngunit hindi na ako lumingon sa kanila. Nahihiya ako.

May biglang humatak sa akin kaya napaharap ako sa kaniya. Si Kuya Nico lang pala. Kinabahan ako slight.

"Saan ka punta?" He asked.

"To the moon," biro ko. 

Sinimangutan niya lang ako. "Ang corny mo."

"Sus, diyan ka na nga!"

"Wait!" Pigil niya sa akin. "Uuwi ka na?" He asked. Tumango ako. "Sabay na tayo," sabi niya. Tinaas niya naman ang kamay niya. May hawak siyang susi. 

"Paano sina Ate?!" 

"Baka kay Rayzen na sila sumabay." Aniya. "Let's go," hinatak niya ako. 

Narinig ko pa ang iilang bulungan dito habang nakatingin sila sa aming dalawa. Magkapatid kami, mga leche! Obvious naman sa galaw namin na magkapatid kami tapos kung ano-ano pa pinagsasabi.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe. "Paano mo naging ka-batch si Rayzen?" Biglang tanong ko sa kaniya.

"Dahil magka-age kami?" Sakastikong sabi niya sa akin. Hindi siya tumingin sa akin dahil nagda-drive ito, sa daanan lang siya naka-focus.

"Ano ba?!" Angal ko at niyugyog siya.

"I'm driving, Chelseah! Stop it! Kapag tayo biglang bumunggo!"

Tinigilan ko naman siya. "Bakit nga kasi?!"

"Iyon nga!"

"I mean, bakit mas close sila ni Kuya?" Kunot-noong tanong ko, naiirita na.

"Linawin mo kasi," tumawa pa siya. "Basketball."

"Oh, okay," 'yon lang sinabi ko at nanahimik na. 

"You really like him?" Bigla niyang tanong kaya napalingon ako sa kaniya. Seryoso siya.

"Yes," ngisi ko. Tumango lang siya sa akin at hindi nakasagot. "'Yong mga pinamili ko! Naiwan ko!" 

"Fuck, 'yong sa akin din," sabi ni Kuya nang maalala niya rin. "It's okay, hindi naman nila 'yon pababayaan." Sabi nito. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Nag-clean up na rin ako at nagbihis. Pahiga na sana ako nang may biglang kumatok.

"Pasok!" Sigaw ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ni hindi ako nag-abalang lumingon doon. Humiga ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot. "Ano'ng kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kapatid ko. Sila lang naman ang panay katok sa kwarto ko, wala nang iba.

Narinig ko pa 'tong umubo bago magsalita. "Seah," sabi nito. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko kung sino ang tumawag sa akin. Hindi ko kapatid ang tumawag sa akin. Unti-unti ko itong nilingon.

Si Rayzen. Fuck, nakakahiya! Buti na lang naka-pajama ako. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kaniya na para bang walang nangyari. Nginitian ko siya. Dala-dala niya ang mga pinamili ko.

"Hala, thank you!" Maligayang sabi ko, kunwari hindi awkward. 

Lumapit ako sa kaniya para tingnan ang mga pinamili ko. Kanina ko pa 'to hinihintay. Pero hindi ko expected na si Rayzen ang magdadala nito sa akin. Bumaling naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nililibot ng tingin ang buong silid ko. 

"What's your favorite color? Blue?" Tanong nito nang hindi man lang lumilingon sa akin.

"Yeah, sky blue," simpleng sagot ko.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon