Nagising ako nang makaramdam akong may umuuga sa akin.
"Che! Wake up!" Si Shin 'yon.
"Umagang-umaga, Shin! Ano'ng ginagawa mo rito?!" Sita ko sa kaniya.
"What? Hapon na, Madame!" She said sarcastically.
Napatayo ako bigla at tumingin alarm clock ko. Alas-tres na! Masiyado akong pagod kagabi kaya na-late ako ng gising.
"May lakad tayo ngayon!" Kinusot ko naman ang mata ko at inis siyang binalingan. "I came here because hindi ka nagsi-seen sa group chat!"
"Saan punta?"
"Baguio," sagot niya.
"Puta." I whispered. "Kailan ba 'to pinlano?"
"Just now." Sambit niya. Lalo naman akong napamaang. Ngayon nagplano ta's ngayon din balak umalis? "Don't worry! May matutulugan naman tayo roon! Sa condo ni Rowan! Isang araw lang naman!" Nahiga naman ulit ako. "Kumilos ka na, mamaya ay narito na sila!"
"Hindi na kayo napagod," irita kong sabi. Paano ba naman ay lagi na lang gala! Hindi naman ako makatanggi sa kanila!
Bago ako kumilos, I checked my phone first. I saw a lot of messages and mentions galing sa group chat. Kahit saang app yata ay nai-message nila ako. Sabog na sabog notifications ko.
Leighann Chavez: @Seah Leonar baka naman gusto mong gumising diba
Shinaya Angela Javier: baka tulog pa, puntahan ko na lang
Rowan Colt: Mang-iistorbo ka na naman ng tulog, Shin.
Shinaya Angela Javier: nope baka hindi siya makasama duh
aki @daletitw
@seahleonar gising boi, bka yataps k n jan halei @leighann
Replying to @daletitw
tado ampsshin @shinayangela
Replying to @daletitw
pati ba naman ditohd @hendenaci
Replying to @daletitw
Para kang gago, Mateoaki @daletitw
Replying to @hendenaci
wag k makiepal sa twt ko, villaluzHindi ko na tiningnan ang iba. Ang dami pa nilang bardagulan at usapan doon pero hindi ko binasa. Kahit sa Instagram ako sabog na sabog notifications ko pero hindi ko binuksan. Nang matapos akong maligo ay nakita kong nakaupo si Shin sa may maliit na sofa ko rito sa kwarto.
Napatayo siya nang makita niya ako. "Pambahay na damit na lang muna gamitin mo," she said. "For sure, gabi na tayo makararating doon, 'di tayo makakagala." Paliwanag niya kaya tinanguhan ko siya.
Dolphin short naman ang sinuot ko at t-shirt na oversized sa akin, sa kuya ko 'to. Mahilig kasi ako sa oversized na damit. Kaya nga basta kuha na lang ako ng mga damit sa kuya ko at kaya rin lagi silang naiinis sa akin, hindi raw ako sanay magpaalam.
Kinuha ko naman ang bag ko at lumabas na. Sakto namang pagbaba namin ay nasa baba sina Rayzen. Nagkatitigan pa kami bago ako bumalik sa ulirat ko.
"Che!" Kuya called me. "Saan lakad niyo?" Tanong niya bigla. Nilingon ko si Shin at sinenyasan na umuna na sa labas. Tumango siya at mabilis na sumunod sa sinabi ko.
"Baguio," tipid kong sagot. Narinig ko naman ang tawanan nila. Gago?
"Sa suot mo?" Si Jaydie. Pinasadahan ko naman ng tingin ang sarili ko.
"Hindi pa naman kami gagala kaagad!" Sinamaan ko siya ng tingin. "May matutuluyan naman kami, sa condo ni Rowan!" Inirapan ko siya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Roman pour AdolescentsLeonar Siblings Series #1 Start: December 28, 2021 End: