Chapter 17: Concerned Athena.

2K 30 0
                                    

[Start]

ATHENA'S POV

Ano kayang pinaguusapan nila? Mukhang importante. Dinikit ko yung tenga ko sa pader baka makarinig ako. Gosh! Nagiging tsismosa nanaman ako. Sinuway ako ni nate.

"Hoy Athena. Hayaan muna sila, paguusapan nila yung about sa prevosco....ay yung laro pala nila" ha? Wala namang laro sila bukas or sa susunod na mga araw ah? Prevosco?

"Sinong prevosco?" Nagtataka kung tanong. Eh kase naman kinakabahan ako e.

"May sinabi ba akong ganyan?" Nagmamaang-maangan pa 'tong babaeng 'to.

"Sino nga?!" Nangangati na bibig ko. Gustong gusto ko talaga itanong e. Curiosity kills me.

"Hmmmm....... Sige na nga." Mukhang kinabahan pa siya. Bakit hinde nila sinabi saakin? At bakit naman nila sasabihin sakin e wala nga silang pakealam sakin tsaka trip ko lang sumama kina luke.

"Ano kase... kase grupo 'yan yung leader daw ay si zeus yung bestfriend ni tyren dati" ha? Zeus? Yung nangkidnap sakin? Kinakilabotan ako. Mag bestfriend din sila pero noon pa.

"Bakit sila nagkaaway?" Hinde kona mapigilan sarili ko gusto ko lahat malaman para hinde naman ako mag mukhang tanga.

"Napagkamalan kase ni zeus na hinahalikan daw ni tyren si zoe yung girlfriend niya pero yung totoo naman ay yung zoe talaga yung mapakana" sabi niya habang kumakain nang fries na niluto namin kanina. "At si zeus gumanti din kay tyren. Si tyren may girlfriend kase nung una, hinde nga ako makapaniwala bakit siya nagkagusto doon sa babae e samantalang mas maganda kapa don athena, baka hinde talaga niya tipo yung mga babaeng magaganda diyan kaya doon siya sa buhaghag ang buhok manang kung manamit may suot pang salamin."

Ibig sabihin kaya nagtatalo yung dalawang magkagrupo kase magkaaway yung mga kani-kanilang leader ganon? E, bakit hinde nalang sika mag bati? Pero parang mahirap ata yun.

"Ano nangyari sa girlfriend ni tyren?" At sino kaya ito? Pero bakit ako curios about sa girlfriend niya noong una.

"Nakita niya din na naghahalikan sina ni zeus."

"Gumanti din siya? Ganon?" Nakakapag-taka lang. E, dapat nagexplain si tyren about sa nangyare. Tamo nagka-away tuloy sila bestfriend to mortal enemy ganon?

"Exactly athena-" natigil si nate sa pagsasalita kase lumabas na yung tatlo.

Tumingin ako kay lexus at luke at ngumiti ako sunod kay tyren naman pero sinamaan ko siya nang tingin naka ngisi naman siya tapos parang may iniisip siya kase natulala siya e.

"Ano kayang problema nang nerdy na to" bulong niya pero dahil malakas pandinig ko ay narinig ko ito. Nerdy pala ha?

"Narinig ko 'yun, Doraemon." Pinandilatan ko siya. Kala mo ah.

"Pake mo." At nagwalk out siya. Kala niya lang talaga na magpapatalo ako nagsisimula palang ako. Kala niya ganon ganon nalang porket siya yung nabully saakin noon. Revenge time din kase athena wag ka magpatalo sa unggoy na 'yon este doraemon-slash-pusang robot-slash-badboy.

Tinanong ko si luke kung ano pinag-usapan nila pero ayaw naman niya sabihin.

"Sabihin mona luke, please?" Nagsad-face ako at nag-puppy-eyes baka gumana hihi.

"Wag ka nga ganyan athena kahit magpakyut ka nang todo basta't ayoko, AYOKO." iritado niyang sabi. Bakit andadali nitong magalit? Pagbabatukan ko kayo e.

Umupo sa tabi ko si lexus. Nagaalala ako baka kung ano mang-yari pa kay tyren mali sa kanilang tatlo. Lumabas naman si luke nagpaalam siyang uuwi na daw siya sasama sana ako kaso pinigilan ako ni nate wala daw siyang kasama. E, ano si lexus? Hayop? Bagay? Takot ata siya kay lexus. Sus sisiw lang sila saakin nate kung alam mo lang.

"Hoy bakit kapa kaninang nakatulala diyan?" Sabi ni nate kay lexus napaiwas naman si lexus nang tingin kay nate. Luh anyare kay lexus bigla siyang naging ganyan? May sakit ata siya?

''Oo nga, lex." Nagpanggap akong nagaalala para sabihin niya kase kung hinde ko gagawin, I'm sure hindi niya sasabihin.

"Eh kasi ano..... ano kase.. wala pala nakalimutan ko. Okay lang ako." Napansin ko ding nagblublush si lexus loh? Tinignan ko si nate pero nakatingin lang ito kay lexus. Tinignan ko yung magkahawak nilang kamay. Ah kaya pala.

Iniwas kaagad ni nate yung kamay sa pagkakakapit nilang dalawa halatang na hiya si nate. Si lexus naman ay umiwas nang tingin kay nate.

Tumunog yung cellphone ni lexus kaya hinablot niya ito. "A-ano? Asan ka?" Halatang nag-aalala siya kanino naman? May nang yari bang masama.

"Tara na, Si luke daw" ano si luke? Anong nangyari sa pinsan ko? Nag-aalala na ako.

Pumunta kami sa isang abandonadong bahay nakita namin nakabulagta na si luke sa sahig na dugoan sa may mukaha niya parte, may nakita din akong papel.

Nagsisimula palang kami. Ano kayang iisipin ni tyren kapag nalaman niyang yung kaibigan niyang si lucas ay wala na? Babye lucas

-kashima.

"Lex, tignan mo o." Inabot ko sa kanya yung papel. Sino kaya si lucas at sino naman si kashima? Ano kaya 'tong nangyayari?

"Bullshit" umalis kaagad siya at binuhat si luke sumunod kami at nakita naman namin si tyren paparating saamin.

"Anong nangyari?" Tinulungan niyang buhatin si luke. Ano kasi yung nang yayari bakit ganto?

"Dalhin na muna natin siya sa hospital, nate, athena wag niyong sabihin sa mommy niya ah?" napatango naman kami sa sinabi ni tyren saamin. Bakit kaya?

"Subra kasing mag aalala si tita e." Nalaman niya ata yung iniisip ko.

Umalis na kami sa doon at pumunta kami sa malapit na hospital. Nung una si tyren, ngayon si luke naman, nag aalala ako para kay lexus, baka siya yung sunod nilang ano hin hayst.

[End of the chapter]

MARRY HERWhere stories live. Discover now