[Start]
TYREN'S POV
Natulala nalang si lexus sa sinabi ni jane.
"Bakit? Kailangan 'din kita noon pero ano? Kahit anino mo hinde ko nakita. Ilang araw 'din kita hinintay. Hinintay na sabihin mo sa akin na isang panaginip lang 'yon pero wala kase totoo naman. Pinagmukha mo akong tanga. Pinaasa mo ako sa paraan na subra akong nasaktan sa t'wing kailangan ko nang kausap, mapaglalabasan wala, kase nga wala naman diba?"
"Na sana isang panaginip lang 'yon yung sinabi mo sa akin na you are using me! Kita ko at rinig ko yung mga sinabi mo tapos sasabihin mo saakin let me explain ngayon ano sa tingin mo ha?! 7 months! 7 months mo ako pinaglaruan, ginamit sa kung ano 'yung gusto mo hinde mo manlang na pansin na tao 'din ako hinde ako robot na walang puso! May puso ako! At nasasaktan 'din!"
Pagkatapos nang sinabi noon ni jane kay lexus nawalan ito nang gana. Alam 'kung gusto ni lexus itama 'yung mga mali niya. 'Yung mga kagagohan niya noon. Alam ko 'din na subrang nasaktan si jane sa ginawa ni lexus. Alam ko 'din na sa bawat nang nararamdaman nating sakit ay isa lang itong pagsubok, pagsubok na alam naman natin na makakaya natin. Walang ibibigay ang d'yos sa atin na hinde natin malulutasan. Sabi nga nila 'TIME WILL CURE EVERYTHING' kaya kailangan natin pag-isipan ang lahat diba?
Mahirap lang isipin na halos lahat nang iniisip nila ay laro nalang ang isang pag-ibig na kahit anong gusto nilang sabihin ay magagawa nila. May limitasyon lahat nang kailangan nating gawin kase hinde natin alam na nakakasakit na tayo nang tao. Nakakaapak kana nang tao. Nanggagamit ka nang tao tapos ikaw masaya, siya masaya sa mga kasinungalingan mo. 'Yung sinasabi mo sa kanya ay isa lamang patibung na kapag may na bingwit ay masaya ka.
May araw 'din na dadating lahat nang mga ginawa nating masama ay maibabalik 'yun sa iyo lahat nang mga sakit na pinaramdam mo sa kanya. Lahat nang lungkot ay mararanasan mo 'din kaya think twice before you click sabi nga nila.
Hinde lahat nang panahon ay magiging masaya tayo sa ginagawa natin may darating 'din na maiisip natin na. What if kung hinde ko iyon ginawa? Ang daming what if's na papasok sa isipan mo mahirap mabuhay na puno nang regrets. Ang daming what if's. Tapos maiisip mo na mahal mo talaga 'yung isang tao pero ayaw mo 'to paniwalain sa sarili mo. Pagsisihan mo 'yon mapupuno nang what if's 'yung utak mo. Kumbaga habang hinde pa huli ang lahat sabihin mo kaagad sa kanya.
Isang araw nagkwento 'yung isang tao na nakausap ko sa taxi isa siyang taxi driver na lahat nang tanang buhay niya ay pinagsisihan niya 'yung isang bagay na hindi niya inaakalang mangyayare iyon.
"Alam mo hijo, may isa akong pinakamamahal na babae. Hinde talaga na 'tin mapipigilan ang pag agos nang buhay. Hinde na 'tin alam kung kelan tayo mawawala o 'yung mahal mong tao. Naging padalos-dalos ako sa aking desesyon, desesyon na isang pagkakamali, desesyon na isang pagkakamali mo lahat ay magbabago. Takbo nang buhay mo ay mag iiba. Namatay 'yung babaeng pinakakamahal ko dahil nagpakamatay ito. Umalis ako nang bansa para sa isang trabaho na hinde ko inaasahang mangyayare ang isang bagay na sa isang pagkakamali ko ay nagpabago nang takbo nang buhay ko."
"Handa na ang lahat, handa na ako. Pero hinde ko alam na wala na pala siya pagdating ko sa pilipinas wala akong na tatanggap nang balita tungkol sa kanya. At isang araw may nag kwento sa akin na nagpakamatay 'daw ito nang dahil sa akin. Kase hinde ko naman gusto na magtrabaho sa ibang bansa kaso sa isang hinde pagkakaunawaan sa aming dalawa ay bigla ko nalang siyang iniwan. Isa iyon sa pinakamalaking pagkakamali ko sa tanang buhay ko."
"Kaya 'kung ano 'yung nararamdaman mo sa isang babae. Sabihin mo sa kanya 'yung nararamdaman mo. Kase baka sa susunod na hinde mo masabi ay bigla ka nalang magugulat na may kinakasama na pala ito. Nandito na tayo hijo, wag mo kalimutan 'yung sinabi ko hijo."
YOU ARE READING
MARRY HER
RomanceWARNING: SPG| MATURE CONTENT INSIDE| R-18. Read at your own risk. Start: sep. 22, 2020 End: Oct. 26, 2020