[Start]
"Mr. Perez, it's a pleasure to meet you," sabi nang isang lalaki sa tabi ko.
"Nice to meet you too, Mr. Contiveros." Bati ko.
Andito kami sa construction site dahil sa ginagawa naming building, si Ruth 'yung nagdesign nang building. 1 year na 'din nang umalis si athena. She didn't contact me, tsaka wala 'din naman ako oras para mag cellphone kailangan matapos kaagad namin 'tong project namin. Maya maya pa ay may tumawag.
Tinignan ko muna 'kung sino. LUKE'S CALLING.
"Bro?" Paunang sagot ko sa kabila.
"P're, darating na 'daw si athena." Aniya. "Tuloy?"
"Oo naman p're tuloy." Usal ko. "Handa niyo na, pupunta na ako diyan."
Nagmadali akong pumunta sa parking lot para makapunta kaagad ako sa bahay namin. Siguradong naghahanda na 'rin sila.
ATHENA'S POV
Hindi ko alam nararamdaman ko magkahalong kaba at excitement, lumapag na 'yung eroplanong sinasakyan namin maya maya pa ay pwede nang lumabas nang eroplano. Pag kalabas namin ay nakita namin ni mom si tito.
"Ate angel, here!" Sigaw ni tito sa amin. Nakita kaagad namin dahil kaunti lang ang tao. Pero parang kulang wala manlang sila nate or si luke, mas lalong kulang dahil wala si tyren. Asan na kaya sila? Nakalimutan na ata nila ako?
Naglakad na kami nila tito papuntang
sasakyan ni tito. Pagka punta namin ay kaagad akong pumwesto sa backseat at isinuot ko 'yung headphone nakinig nalang muna, masyadong stressed sa trabaho. Maya maya pa ay nakarating na kaagad kami. Pag-ka-baba ko ay sinalubong kaagad ako nang asawa ni tito."Hi hija, you are athena?" Tanong niya, hindi pa kase kami nagkita nang asawa ni tito may tatlo silang anak isang lalake at dalawang babae, panganay nila ay lalake. Halos kamukha ni tito 'yung lalaki dahil sa tangos nang ilong niya at maputi ito tapos singkit. 'Yung mga babae naman ay kamukha nang asawa ni tito. Mapungay ang mga mata na may pag-ka-singkit din tapos brown 'yung mata niya. Hindi ganoon katangos ilong nila pero bagay sa kanila, 'yung panganay ay 17 y/o tapos 'yung dalawang babae ay 15, 14 y/o.
"Opo." Ani ko. Pagkatapos noon ay pumasok na kami at nakahanda na nang mga pagkain, madaming pagkain na nakahanda kahit na ilan lang kami dito kase naman mga busy sila tyren. Miss ko na sila pero wala, hindi man lang nila ako naalala. 'Yung pag uwi ko dito.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam muna ako kina tito at mom. Dadalawin ko si tyren, baka nakalimutan niya lang na ngayon ang uwian namin.
Nagdrive ako papuntang subdivision nila tahimik dito as usual, naka sanayan na kase nila dito na hindi maingay sa bagay subdivision naman kase. Pagkarating ko sa bahay nila ay nag doorbell ako.
Ding Dong!
Walang tao? Nakatatlo na akong doorbell pero walang tao, nag doorbell ulit ako. Walang sumagot. Mahirap naman 'kung pumasok kaagad ako diba? Baka mapagkamalan pa akong magna e, itong ganda ko? Never, hindi bagay sakin.
Mayamaya pa ay wala talaga, tinulak ko kaunti 'yung pintuan. Bukas! Nang nalaman 'kung bukas ito ay lumingon lingon muna ako baka may tao or cctv nang nalaman 'kung wala ay dahan dahan akong pumasok. Para tuloy ako netong magna eheee!
Pagkarating ko sa main door nila ay walang tao pa rin. Binuksan ko kaunti ang pintuan at pumasok. Walang kahit na anong araw na tumatama sa loob tanging patak lang nang tubig ang maririnig mong ingay. Wala 'ding bukas na ilaw. Tinawag ko pangalan ni charis at tyren pero walang tao.
Napag-pasiyahan kung lumabas na nang bahay nila, hindi nga nila ako naalala. Papaalis na sana ako nang bahay nila nang may narinig akong kaluskos sa bandang huli.
"Sino 'yan? Lalabas na ako." Sabi ko.
Pagkabukas ko nang pintuan ay may narinig akong sumigaw.
WELCOME HOME!!!!!!!!
WELCOME HOMEEEE SUNSHINE.
Hindi nga nila ako nakalimutan? Na touch ako 'dun ah?
"Kayo! Akala ko nakalimutan niyo na ako?." Malungkot 'kung sabi.
"Pwede ba 'yon?" Si luke.
"Syempre hindi." Si lexus naman.
Lumapit naman sa akin si nate at si pamela at niyakap ako.
"I miss you,"
"I missed you too,"
Nagyakapan kaming tatlo na parang mga batang mga sabik sa yakap na parang walang bukas na. Nilibot ko 'yung paningin ko pero hindi ko nakita si tyren.
"Asan si tyren?"
Ngumuso si luke sa likodan ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko, naamoy ko 'yung pabango niya na siyang paborito 'kung pabango niya kaya noong una palagi ko siyang niyayakap at nilalagay ko mukha ko sa leeg niya kase ang bango bango niya.
Pagkalingon ko ay nakita ko si tyren, nakita ko na naman 'yung lalakeng pinakamamahal ko. Tinignan ko 'yung mga mata nito, masaya ito at may halong excited.
"Hi." Bati niya sa akin.
Niyakap ko siya. "Hello"
"I miss you." Aniya.
"I miss you too."
Nakita ko siyang parang may tinatago sa likodan niya. "Ano iyang tinatago mo?"
"Umm.... ano, athena."
"Hmmm?"
"WILL YOU MARRY ME?" Seryoso ba siya? Hindi ako makapaniwala.
"Are you serious tyren? May halong kaba at saya ang pagkasabi ko.
"I'm serious, I've been wait these day for 11 years, ngayon buo na desesyon ko. I'm serious athena. I LOVE YOU SO MUCH," Seryoso niyang sabi.
"WILL YOU MARRY ME?"
"Ye-yes!!! Yes! Yes Tyren. I will marry you!" He hugged me tight, i hugged him so tight.
"Ayieeeeee!" Nandito pala sila.
"Congrats bro!" Sabi ni luke at lexus kay tyren.
Mayamaya pa ay bumukas 'yung pinto.
"Huli na ba kami?" Tanong ni julien at nang isang lalake.
"Palagi naman kayo huli, kelan pa kayo hindi na huli?" Natatawang sabi ni luke.
"Sorry na trapik,"
"Tapos na mag propose ni tyren." Tumawa si lexus.
May inabot si julien kay tyren, tumingin naman sa akin si tyren at may kung ano siyang kinuha.
"Para 'to sayo." Ipinakita niya sa akin ang isang necklace na gold na may heart sa gitna tapos nakasulat name namin.
TYREN♡ATHENA
"Ang ganda." Parang kuminang 'yung mga mata ko dahil sa nakita kong necklace.
"Mas maganda ka athena." Sinuot niya sa akin ang necklace.
"Wow naman! Nakakainggit ka naman. Lexus bigyan mo rin ako niyan ha?" Tumawa tawa pa siya.
"Oo naman.".
Pagkatapos noon ay nag date pa kami. Pumunta kami kahit saan man namin gustong pumunta. Ang saya saya ko sa araw na 'yon.
I LOVE YOU TYREN PEREZ
[End of the chapter]
YOU ARE READING
MARRY HER
RomanceWARNING: SPG| MATURE CONTENT INSIDE| R-18. Read at your own risk. Start: sep. 22, 2020 End: Oct. 26, 2020