[Start]Tinignan ko padin si athena blanko pa din mukha niya wala siyang imik kanina pa.
"Dre anyare kay athena?" Tanong sakin ni lexus na kanina pa umiinom.
"Hinde ko nga din alam dre" kamot ko sa ulo ko.
Hinde ko naman talaga alam kung bat nagkaganon siya ang dali lang mag mood swing.
Nilapitan ko siya. "Okay ka lang?"
"Oo" pero tumulo luha niya.
"Dahil pa din ba kay kyle?" Nag aalala kung tugon. Tumango naman siya at pinunasan niya luha niya.
"Tara na" dag-dag pa niya.
Wala akong inisip na iba, nag enjoy lang kami nakita ko din na nandoon si lexus sa mga babae na naliligo sa swimming pool.
Lumapit ako kina luke sa isang table nakita ko din na nandoon si Stacey bagong girlfriend niya see! Womanizer talaga 'yan.
"Tara, join ka" ani luke, tumango nalang ako at pumunta sa kanila.
Nakailang shot din kami nang napansin kong lasing na si luke sa iniinom naming JACK DANIELS mahilig sa matatapang na inumin tapos hinde nagtatagal.
Nag-paalam na din ako sa kanila na matutulog na ako, tumingin ako kay athena lasing na din siya kaya sinabihan ko nalang si lexus na dito nalang sa bahay sila matulog sa guest rooms dalawa naman 'yon e.
~※~
Nagising ako nang maaga. Nagtungo akong cr nang kwarto ko para mag hilamos.
Nakita kung nasa pintuan ko si athena. "Oh?"
"Pwede mo ba akong ihatid?" Habang hinahawakan niya ulo niya.
"Hangover?"
"I guess"
Nakita ko din na namumutla siya kaya hinawakan ko noo niya. Mainit ito, napaso pa ata ako. Sa init nang noo niya pwede na ako mag luto nang itlog.
"Ganito talaga ako tyren, pag may hangover ako ganito nangyayare sakin"
"Sige na hahatid na kita"
Kainis naman dapat hinde ko nalang siya pinayagang uminom pero mapilit gusto niya daw. Nagsisisi ako na hindi ko siya napigilan. Oa ko mygod.
Pagkababa ko nakita kung natutulog pa din si lexus at luke pagtingin ko sa guest room. Hinayaan ko nalang ito at pumunta na ako sa labas nakita kung nakasandal na si athena sa kotse ko kaya nagmadali akong mag punta. Ako na ang nag bukas nang shotgun seat para hinde siya mapagod.
"Nag-paalam ka sa mommy mo?" Kase kung hinde lagot ka talaga, pati pala ako damay.
"Hinde e" sabi ko na.
"Sige" napabuntong hininga ako.
Habang nagmamaneho ako, tinignan ko siya nakangiti siya habang naka-tutok sa cellphone niya.
"Sino 'yan?"
Tumingin siya sakin "si Zeus"
"ANO SI ZEUS?" nagulat ako sa sinabi niya. Sinong si zeus ba?.
"Oo si zeus, yung chi-neer namin noong competition" naka-ngiti din siya "isa din s'ya sa mga gusto ko matagal na"
YOU ARE READING
MARRY HER
Roman d'amourWARNING: SPG| MATURE CONTENT INSIDE| R-18. Read at your own risk. Start: sep. 22, 2020 End: Oct. 26, 2020