Chapter 6

46 1 0
                                    

Jacob POV

Ng matapos mag inuman sa bahay nila JC ay agad naman kaming nagsi uwian at dahil sa malapit lang naman ang apartment ni miguel sa akin ay sabay nalang kaming umuwi at umuwi narin si brandon sa kanila.

Oh jacob alam ko may ikwekwento kapa sa akin akala mo huh nakalimutan ko na".

Tsss sige na may beer pa ako sa loob mag inuman muna tayo habang nag uusap.

Sige excited na ako malaman na ang kaibigan ko ay anak pala ng isang mayaman hehhe.

Hahah baliw sige upo kalang dyan kukuha lang ako ng pulutan at beer.
Ng makabalik ako kay miguel ay dala ko na ang beer at pulutan kaya nag umpisa na akong mag kwento.

Ayan inom muna tayo pero wag kang magsabi kay brandon baka mag tampo na naman yung gagong yun.

Pare maiba nga paanu ka napunta sa sitwasyong to kung anak ka naman pala ng mayaman?

Marami akong sasabihin sayo pare pero sana atin atin lang to.

Oo naman ikaw pa magsabi kalang mapagkakatiwalaan mo ako. "

Ganito kasi yan, pangatlo ako sa mga anak ni Reynaldo Craig at Elezabeth Craig,  nakapag tapos rin ako ng medisina sa america kasi yun ang gusto ng papa ko kasi nga dahil sa mga negosyo namin kaso wala eh ayaw ko talaga maging doctor ginawa ko ang lahat makatapos lang hindi kasi kami magkasundo ng erpat ko gusto ko sana maging isang engineer kaso ayaw ni papa kaya napilitan akong mag aral ng medicine naging isa ako sa may pinakamataas na grado nagtapos ako bilang suma comlaudi sa batch namin kaso hindi ako kumuha ng board kasi ayaw ko maging doctor.

Wow pare bilib na talaga ako sayo oh pagkatapos nun anong nangyari?

Umuwi ako sa pilipinas na hindi naka kuha ng board ayun nagalit sa akin si papa hanggang sa sinabi kung bubukod na ako kasi kahit may sarili kaming mga hotel's and condominium ay gusto ni papa doon kami lahat sa mansyon uuwi kahit gaanu pa ka layo ang pinagtatrabahuhan.  Kisyo daw anjan namn yung private hilicopter kung sakaling ayaw namin sa traffic. Lahat ng mga kapatid ko takot kay papa ako lang talaga ang sumuway andami naming pinag awayan ni papa pero anjan lang si mama na handa akong ipagtanggol at pagtakpan kay papa. Hanggang sa nasakal na ako sa bahay gusto ni papa hawakan ko ang ibang mga negosyo kasi matalino naman daw ako bakit di ko daw gamitin utak ko. Kasi si jonathan ang kuya ko bilib si papa sa kanya kasi kahit ni minsan hindi nya nagawang sumuway sa lahat ng gusto ni papa.
Ako lang tong gago na anak ayaw kung makilala ako ng mga tao na isa sa mga craig lahat ng photo shoot ng family wala ako kasi ayaw ko. Kaya napag disisyonan ko noon na lumayas sa bahay ni hindi ako tumanggap ng isang kusing kilala papa sinabi ko sa sarili ko na kaya kung buhayin ang sarili ko na walang natatanggap mula sa kanila.
Mapait lang akong tumawa habang nakikipag kwentuhan kay miguel at nakatulong ang alak dahil minsan nakakalimutan ko ang mga problema ko.

Di bale pare andito naman kaming kaibigan mo handang damayan ka sa hirap at ginhawa. "

Salamat pare, ganito ako minsan eh kapag nag iisa naiisip ko sila mama at mga kapatid ko at ayun mapapangiti nalang ako heheh

May sira karin pala eh hehe wag kang mag alala ako lang makaka alam sa tunay mong pagkatao.

Salamat miguel at may pag sasabihan narin ako ng sama ng loob.  Miss ko na sila mama alam ko kasi nag alala na sa akin yun.

Jacob maging matatag kalang pare darating ang araw ma iintindihan karin ng papa mo tiwala lang pare.

Ay naku hindi na ako umaasa kay papa na magka ayos pa kami nun kilala ko sya may isang salita na kung ayaw mo sa kanya umalis ka kasi matigas pa sa bato puso nun. Naiingit nga ako sa ibang ama dyan ang bait kung anong gusto ng anak sinosuportahan di tulad ng papa ko makasarili pera lang ang mahalaga sa kanya.

In love With a BillionaireWhere stories live. Discover now