Chapter 13

32 1 0
                                    

Jacob POV

Sa lahat ng nangyari sa amin ni ysabella ay isa lang ang alam ko hindi kailanman ako nagustuhan ni ysabella dahil ang kuya ko ang mahal nya minsan lang ako mag mahal pero ganito pala kasakit ang masaktan ng dahil sa pag ibig at talagang mapagbiro ang tadhana akalain mong kapatid ko pa ang karibal ko . Ano nalang sasabihin nila mama pag nalaman nila ang tungkol sa amin ni ysabella at alam ko masasaktan ko ang kuya ko.

Maaga akong nagising at pumasok sa trabaho para hindi mag landas ang daan namin ni ysabella nasasaktan parin ako sa iisiping mas mahal nya ang kuya ko kasi anu ba naman ako kisa sa kuya ko na responsable hindi babaero katulad ko na walang sineryoso.Pagdating ko sa opisina ko marami pa akong naging trabaho marami akong pinermahan kailangan kung maging matatag para sa pamilya ko at para maipagmalaki rin ako ni ysabella hanggang sa pumasok bigla si kuya jonathan at nakikita ko sa mga mata nya ang galit na galit nyang itsura.

Kuya'
Nang bigla nya akong sinugod at sinuntok sa mukha

Hayop ka bakit mo inahas sa akin ang girlfriend ko'
Sabay suntok nya ulit sa akin at hinayaan ko nalang sya na pagbuntunan ng galit nya may kasalanan din naman ako.

I'm sorry kuya hindi ko naman alam na si ysabella ang girlfriend mo matagal na kaming magka kilala

Hayop ka pagkatapos ng lahat ng magandang pakikitungo ko sayo gagaguhin mo rin pala ako. Kapatid kita jacob alam mong mahal na mahal kita pero mas mahal ko si ysabella at nagagalit ako sa isiping kaya mo akong traidurin pinahiya mo ako sa buong pamilya natin kasi bigla mo nalang kinuha ang babaeng pinakamamahal ko.

Duguan man ang aking labi ay hindi parin ako sumabay sa init ng ulo ni kuya hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kuya ko. Nalilito ako kung mag paparaya nalang ba ako o ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para kay ysabella pero masasaktan ko ang kuya ko.

Kuya mahal ko rin si ysabella I'm sorry '
Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong suntuking sa labi at sipain sa tyan na syang pag tilapon ko dahil sa sakit.

Simula ngayon wag na wag  ka nang  magpapakita sa akin dahil baka kung ano pang magawa ko sayo at kalimutan mo naring may kuya ka .

Lumabas si kuya sa opisina ko at tuluyan na akong napahilamos sa mukha ko. Hahayaan ko na muna si kuya ko alam kung lalamig din ulo nun. Hinayaan ko nalang ang dugo sa labi ko at nagmadaling umalis sa opisina ko pumunta ako sa unit ko dito sa hotel at doon ako uminom ng alak pampa limot ng problema hindi na muna ako magpapakita kay ysabella alam ko mas lalo lang nya akong ipag tabuyan kung makikipag kita ako sa kanya..ang sakit sakit kasi pati si kuya kinakamuhian na ako. Nakatulogan ko na ang alak at ng magising ako gabi na napagdisisyunan kung mag punta sa bar para maaliw ipapark ko na sana ang sasakyan ko ng mahagip ng mata ko ang fiance ng ate rosemarie ko may kasamang babae nakita ko na hinalikan nya ang babae . Sa isiping ginagawa nyang tanga ang kapatid ko ay kaagad na nag init ulo ko bumaba ako ng kotse at bigla ko syang sinugod ng suntok .

Gago ka matagal mo na palang ginagago ang kapatid ko '
Sinuntok ko sya at nang matumba sya ay bigla ko syang tinadyakan sa tyan at biglang tumili ang babae perohindi pinansin ang babae kaya sa galit ko ay sinontok ko sya ng sinuntok hanggang sa hindi ko namalayan na puruhan ko na pala sya mabuti nalang may dumating na guard at bigla nalang nila akong inawat natauhan nalang ako ng makita ko ko ang wala ng malay na itsura ni bryan na puro nalang dugo hindi ko namalayan sa kanya ko na pala na ibunton lahat ng galit ko. Isinugod nila sa hospital si bryan at pinosasan nalang nila ako para madala sa presinto.

Jacob Craig may bisita ka'
Sigaw sa akin ng pulis at pinalabas ako sa silda para puntahan kung sino ang dumalaw sa akin.

Ate rosemarie"

In love With a BillionaireWhere stories live. Discover now