Gabriel Dane's Point of View
"Oh? Saan ka ba talaga pupunta ha bro?" tanong ni Kei saakin, pero deretso lang akong naglalakad at dine-deadma lang yung mga babaeng pilit na nagpapansin saakin habang napapadaan ako sa harap nila.
"May bago ka bang chicks dito? Nabalitaan rin namin na bumisita ka daw dito nung isang araw dahil sa may hinahanap kang babae." sabi naman ni Brian
"Paano mo nalaman?" tanong ko sakanya
"Anong paano namin nalaman? Trending na kaya sa twitter, na hinanap mo daw yung babaeng sumampal sayo. Pero ayos rin yun eh, kasi akala ko ang pangit talaga at isang nerd, yun pala ang sexy hahaha." (-_-) binatukan ng mga kabarkada ko si Brian
Kanina pa kami libot ng libot dito sa Business Management Building ng MBU at hindi ko pa rin makita yung babaeng yun. Oo, hinahanap ko siya, ewan ko nga ba kung bakit pero alam kong hindi para manukot nung utang niya. At dahil sa hindi kami pwedeng pumasok sa mismong building nila dahil sa engineering nga ang kurso namin kaya nandito lang kami sa field.
"Bro." napatingin ako kay Shaun, siya ang seryoso sa barkada at lagi niyang hawak ang cellphone niyang lahat na ata ng impormasyon ay hawak na niya.
"P.E. ang subject nung babaeng hinahanap mo at nasa west tennis court sila." tangina? (-_-) west tennis court? Galing na kami dun kanina ah, kaya nagmadali na lang akong maglakad at nauna na ako sakanila.
Pagdating ko, nakita ko siyang naglalaro ng singles sa tennis kalaban ni Adrian, si Adrian ay MVP sa soccer at siya ang isa sa mga mortal kong kaaway, pero nawala lang yung iniisip ko nung napatingin ako sa babaeng yun habang naglalaro, tawa siya ng tawa at hindi mawala wala ang ngiti sa mukha niya, magaling siya at habang naglalaro siya ay sabay na sumusunod yung mahaba niyang buhok. Nakasuot lang siya ng white skirts na pang-tennis tsaka blue na tank top, at nakasuot din siya ng cap.
"Bro? Ano ba yan? Bakit mo siya tinutunaw?" (T_T) sinapak ko na lang si Brian, ginulat ako, walangya siya.
"Anong tinutunaw ha?" tinaas niya lang yung dalawa niyang kamay tsaka umalis na lang at manglalandi pa ata ng mga babae sa gilid gilid.
Napansin kong natapos na silang maglaro at nanalo siya. (O_O)
Grabe tinalo niya ang lalaki sa tennis? Imposible din siya eh.
"D'you wanna have lunch?" tanong ni Adrian sa babaeng yun, kaya lumapit na ako kasi mukhang 'OO' yata ang isasagot niya sa malanding lalaking yun. Sayang lang ang effort kong hanapin siya sa department niya kung aagawin lang naman pala siya ng lalaking yun.
"Excuse me pare." tinulak ko si Adrian pero mahina lang baka suntukin ako sa mukha, pumangit pa ako.
"Dane?!" ^_^ hindi ko alam pero sa tuwing babanggitin nitong babaeng to ang pangalan ko, ang sarap lang pakinggan eh.
"Oh Dane? Aagawan mo na naman ba ako?" natatawang tanong ni Adrian sakin
"Sa ngayon? Hindi! Kasi nakaplano na to, kaya maiwan ka na namin dito." hinila ko na ang babaeng to tsaka ako na rin ang nagdala ng mga gamit niya.
"Excuse me?!" (O_O) nagulat ako nung kinuha niya yung kamay kong nakahawak sa kamay niya, iba talaga ang babaeng ito, hindi man lang ba siya attracted saakin? Kahit konti?
![](https://img.wattpad.com/cover/3148555-288-k853863.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}
RomanceI started editing this story. At yung mga chapters na may equal signs katulad nito [=] ay edited na siya at pwede niyo na siyang basahin. ==== May laro ka na bang sinumulan, na dapat mong panagutan at tapusin? Will a dare make a DJ / CASANOVA fall f...