Author’s Note:
Guyz this chapter is all about sa side story ni Reash, hindi ko pa po siya mapa-publish pero bibigyan ko lang kayo ng a little bit idea sa side story niya ang title po ng story niya is “LOVE ALL: EQUAL” a story about a girl na may maysakit na nakaraan sa pamilya kahit noong bata pa siya, she does’nt even believe in love, then, she plays the game badminton isa siyang professional at well known na player sa school nila at pati na rin sa buong mundo. Naglalaro siya ng badminton na nakaheadset dahil ayaw na ayaw niyang marinig ang mga katagang LOVE ALL sa badminton it means EQUAL. But she misunderstood it, love has never been equal nor had been fair. And this opens the life of Catherine Reashelle Hyeon.
Reash’s POV
“ And now people we are now in the single’s play of this badminton tournament, but they are both representatives of the Philippines.” Yan ang sigaw ng coordinator dito sa America, yup I’m in US ako ang napiling representative sa school naming, kainis kasi mukhang lalaki ang kalaban ko and this is the first time na makakalaban ko ang isang lalaki
“Let us welcome Ms. Catherine Reashelle Hyeon from the *blahblah* University and Aethan Jiandelle Yap from *blahblah* University.” At ayun pumasok na kami actually awkward ang pakiramdam ko sa lalaking to, kanina pa tingin ng tingin at hindi lang basta kadiri nakasmile pa talaga
Andaming tao dito, ang ingay na nga eh, yeah I know sikat ako and so is he, at duh hindi ko maitatanggi na he has this amazing looks. Maputi naman siya but sorry hindi ko siya type, ewan na lang.
“Let’s start” sabi ng announcer, at ayun na toss kami ng coin at then ako ang nanalo at pinili kong ako ang magsimula, hindi ko matatanggi na kinakabahan ako kasi ito ang unang beses na makikipaglaban ako sa isang lalaki at hindi pa ako natatalo ni isang beses pero babae ang kalaban ko nun
“SERVE” pero bago yun ipinasak ko na ang head phones ko sa tenga ko alangan namang sa puso diba, at ayun tinira ko na nga, ang bilis niya at ang liksi
Tira ako ng tira dun pati naman siya hindi pa talaga nahuhulog ang bola ni isang beses, aaminin kong magaling siya kasi kahit ako araw araw naman akong nag-eensayo. At alam kong ang lalaking to may taglay talagang kakaibang galing sa larong badminton.
Halos twenty minutes na ata ang nakalipas pero wala pa ring nakaka-score samin kasi ni isang beses hindi nahulog ang bola kasi kung susubukan niyang i-smash nasalo ko naman agad at nung naisiapn kong i-smash, nasalo niya rin ang galing niya talaga at super bilis rin, pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo, kailangan kong patunayan na hindi lang ako sa women’s badminton magaling, dapat manalo rin ako na lalaki ang kalaban ko.
Titig na titig siya sakin pero nasasalo niya parin ang mga ultimate na tira ko pero naalala ko yung sinabi ni Kara sakin eh, na minsan daw kahinaan ng mga lalaki ang smirk ng mga babae, hindi naman siguro masama diba kung susubukan ko hindi ko naman siya type. Kailangan ko lang makascore, ayokong matalo. Kaya nilobo ko yung tira ng bola papunta sa kanya at tinitigan siya at nag-smirk ng mabilis.
Then, *BANG* tapos hahaha nahulog ang bola hindi niya na kasi natakbo dahil sa smirk ko. Natatawa ako pero syempre hindi ko pinakita binalik ko ang mukha ko sa serious mode pagkatapos na pagkatapos kong mag-smirk. Nakita ko sakanya ang gulat at parang hindi makapaniwala na reaksyon.
At ayun after 123456789 years ako rin ang nanalo ;) hahaha natatawa talaga ako kasi smirk lang ako ng smirk yun pala talaga kahinaan niya. Ngayon Nakaupo na lang ako sa bleachers at nagpupunas ng pawis kakapagod kaya. Pero dapat pala pasalamatan ko yung babaitang ( Kara ) yun dahil gumana ang powers niya, hahaha I should do that more often on boys kahit hindi ko sila gusto.
“Hi, Elle’s the name right?” ANO? O_o
May bigla kasing nagsalita sa tabi ko sa bleachers, at mas lalo akong nagulat kasi tinawag niya ako sa pangalan na matagal ko na ring kinalimutan at pinalitan. Pero nabalik ako sa katinuan nung binigyan niya ako ng mineral water. Na buo sa mukha ko ang galit at nagtatakang mukha.
“ Ahh ano eto mineral water para sayo, at congratulations your really a good player.” Nakasmile niyang sabi pero hindi parin nagbago at mukha ko at nakatingala parin sakanya, pero syempre tinanggap ko yung tubig sayang naman kasi noh after kong tinanggap yun lumakad na ko at tinatawag ako ng kalikasan
“Elle wait, can I ask you something?” aish ano ba ayokong tinatawag ako ng ganun eh, patience is a virtue
“Sorry ah pero, don’t call me Elle, just call me Reash!” nabobored kong sagot sakanya kahit sa loob loob ko super nagagalit na talaga ko eh
“No way { at shit nag-pout pa talaga } gusto ko yun, kasi ako lang ang dapat tumawag sayo sa pangalang yun!” maktol niya na parang batang inagawan ng kendi, yuck ang tanda na niya kaya
“ No because only my father calls me that name, by the way ano ba yung tanong mo, nagmamadali ako.” Bored ko na namang sabi sakanya
“Ay thanks nagtatagalog ka pala, pero ano ulit yung un among sinabi di ko narinig yun eh, ahhhhh, ano bakit ka naghe-headset pag naglalaro?” nahihiya pa niyang tanong, che pakialam niya ba
“Wala kang pakialam at hindi tayo close, geh alis na ko!” at lumakad na ko palayo sakanya, pero bago pa makapasok sa cr narinig ko siyang sumigaw na
“TOMBOY KA ATA ELLE EH!!!” aisshhhhhhhhhhhhhh kainis at ayun habang papasok ako sa cr nagmamaktol kong pasok dun at naririnig ko pa talaga ang tawa niya
BWISIT TALAGA!
BINABASA MO ANG
Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}
RomanceI started editing this story. At yung mga chapters na may equal signs katulad nito [=] ay edited na siya at pwede niyo na siyang basahin. ==== May laro ka na bang sinumulan, na dapat mong panagutan at tapusin? Will a dare make a DJ / CASANOVA fall f...