Chapter 5 =Classroom Trouble=

1.9K 30 1
                                    

Steph's Point of View

"That's all for today, be sure to hand in the essay from last week, class dismissed." agad kong isinara yung laptop ko at hinanap ng mga mata ko ang dalawang gaga na si Kara at Reash pero wala na sila doon sa mga upuan nila, ayaw kasi nilang tumabi saakin dahil daw sa nakakatakot ako simula pa kagabi.

Hindi ko sila masisisi dahil sa, sakanila ko inilabas ang galit ko sa babaerong yun, hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ramdam ko pa rin yung ha-halik niya saakin. (T_T)

"KYAAAAAAAAAAHHH! OH MY GEE!"

"WAAAAAAAAAAAAAH BAKIT NANDITO SIYA!"

"NAKATINGIN SIYA DITO! KYAAAAAH! OH MY GOD!" 

May napansin akong kumpulan sa labas ng pinto ng classroom namin kaya kahit gusto ko ng lumabas at makiusyoso sakanila ay wala na akong power para gawin yun kaya umupo na lang ako dun sa upuan ko at ipinikit ko na yung mga mata ko, wala akong tulog dahil sa lalaking yun.

(T_T) Ang Ingay nila! 

"Hey." tumunghay ako nung may tumulak sa balikat ko

(O_O)

"Ba-bakit ka nandito?!" (O_O) na-nandito siya, si Dane! Pero nagulat ako kasi nakangiti siyang nakatingin saakin at nakapamewang pa. I assume siya yung pinagtitilian kanina sa labas ng room.

"Kanina pa ako naghihintay sa labas pero hindi ka pa rin lumalabas kaya pumasok na lang ako." (O_O) A-ano???! Bakit niya ako hinihintay!?

"Stay away from me, just please, stay away from me." imbis na awayin ko siya ngayon at pagsisigawan ko siya, pero nagmamakaawa na ako sakanya ngayon, ngayon ko lang gustong umiyak, atras lang ako ng atras pero lapit naman siya ng lapit at nakalock pa talaga yung pinto ng room namin kaya wala talagang makakarinig kahit pa magsisisigaw ako, dahil sa soundproof ang lahat ng room na gamit for discussion.

"Diba hinahanap mo ako kahapon? I'm Gabriel Dane Park. at ako na mismo ang lumapit sayo kahit ikaw naman talaga ang naghahanap saakin." (O_O) ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"HINDI KITA HINAHANAP! Inu-inutusan lang ako ng Guard doon sa pa-parking lot ng school na ipahanap ka da-dahil sa ano, dahil sa ba-bawal yung kung saan mo ipinark yung ko-kotse mo. OO YUN NGA, KAYA WAG KANG ASSUMING." arrrrggghhh (-.-)

"Hahahahaha!" O_O napadilat ako kasi tumawa siya, at parang hindi siya yung nakita ko sa una kesa ngayon dahil sa parang ang saya niya at umaabot pa sa mata niya ang mga ngiting yun.

"Eh, hindi ko naman dala kotse ko kahapon eh kasi nagmotor kami ng mga kabarkada ko, but that was still a logical excuse but lame."

(T.T)

(O_O)

(>.<)

Tumakbo na lang ako papunta sa upuan ko at kinuha ko yung laptop at bag ko tsaka ako naglakad papunta sa pintuan, pero bago ko pa mahawakan yung door knob ay nasa harapan ko na agad siya at nakasmirk pa rin siya hanggang ngayon kaya mas lalo akong napipikon.

*pak*

Oo! Sinampal ko na naman ulit siya pero wala na akong pakialam, ayoko na talaga.

"What the hell? Pangalawang beses na yun ah? Anong karapatan mong sampalin ako?" galit na siya, kaya mas lalo akong nanginig, asan na ba kasi yung dalawang bruha.

Tinulak niya ako sa pinto at hinawakan niya yung dalawa kong kamay, kaya pumikit na lang ako kasi baka suntukin niya ako sa sikmura, masyado siyang appealing pero ang sama naman talaga ng ugali niya.

"ANO BANG MERON SAYO HA? AT BAKIT MARAMING NAGKAKAGUSTO SAYO PERO ANG SAMA MO NAMAN TALAGA, I HATE YOU, *sob* I HATE YOU, *sob*." umiyak na ako, at sinusubukan ko ring suntukin siya pero ang higpit ng kapit niya sa mga kamay ko kaya wala talaga akong laban sakanya.

"Ikaw pa lang ang unang sumampal sakin, alam mo ba yun? Hindi naman masakit kasi hindi ka naman marunong sumampal, kaya lang nakakawala talaga ng ego eh, lalo na pag may nakakakita." napatunghay ako dahil nagsimula na siyang magsalita ng malumanay, pinahiran ko yung luha ko.

"Hi-hindi ko naman kasi sinasadya eh!" sigaw ko sakanya, pero unti-unti ng humihina yung agos ng mga luha ko, I can't believe I cried in front of this jerk.

"Ha-ha alam ko yun, kasi kinuha ko yung first kiss mo, gusto ko lang din naman sabihin na first time ko ding makakuha ng first kiss at sayo yun." lumaki agad yung mata ko sa narinig ko galing sakanya, O_O bakit ang lumanay niyang magsalita ngayon, bakit weird ng pakiramdam.

"UM-UMALIS KA NA! HINDI KO NA KAILANGANG MALAMAN YUN. AYOKO NA RING MAKITA KA." tinulak ko siya at binuksan ko agad yung pinto ng room namin tsaka ako tumakbo papunta sa CR, maraming bulung-bulungan akong naririnig at ni isa wala akong marinig na maganda.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon