Chapter 50 ( Wasted )

819 22 21
                                    

A/n: Readers kinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na madami po akong uulitin sa kwentong ito, kasi alam ko kahit kayo eh nakaka-notice na ng errors and everything, alam ko yung iba sa inyo eh alam na hinango ko talaga sa totoong buhay ang BTDHO kaya lang yun nga everything messed up in real life so ngayon ano pang inspirasyon ko eh sira na nga dito I'm really sorry hindi ko na talaga alam ang totoong tama at mali so please bare with me, puntahan niyo yung account ko at sa stories ko makikita niyo dun ang sinumulan kong edited version ng BTDHO thank you po talaga sa inyo. ^_^

- - - - - - - - - -

Reash’s POV

“Hoy”

“Sino to?”

“Si Reash”

“Okay? Bakit ka naman tumawag? May gusto ka na ba sakin ngayon?” -_-

“Wag kang magbiro, seryoso ako, meet me at the Central Park after 1 hour wag kang late papatayin ko si Steph pag-nagkataon.”

“Wha…”

I hung up, tinawagan ko si Dane kasi gusto ko siyang makausap. Kasalanan ko ang lahat ng to, ewan feel ko lang na dapat panagutan ko kung ano man ang mangyayari sa kanila. Kasi ramdam ko na simula’t sapul pa lang na mahuhulog si Steph, naniniwala nga kasi ako na natututunan ang pag-ibig tignan mo nga naman inutusan ko lang ipahiya ang babaerong si Dane eh minahal naman niya. -_-

Hindi ganyan si Dane nung high school pa kami, alam kong hindi ko siya dapat sumbatan dahil alam kong may dahilan siya pero mas okay na ngayon kasi nga andito na si Steph pero anytime soon naman pwede itong mawala sakanya. Baka mabaliw si Dane at magpakamatay, oh ano pa bang magagawa ko

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Eh di ipalibing -_-

Pero anyways, eto nga papunta na ako sa Central Park. Nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Di ko sinagot kasi yung tumatawag eh Lolo ni Steph, hayyy kelan pa ako naging close sa matanda eh Lolo’t Lola ko nga eh inaaway ko eh.

Habang nakatingin sa tawag ng Lolo ni Steph naupo ako sa bench sa park, nakatitig pa rin ako doon sasagutin ko ba o sasagutin ko. Payn hindi ko na nga sasagutin.

“Hoy Reashelle!”

“Ayy putang*na kang kuba ka!!” whooo pesteng Dane to ah late

“Kelan ka pa naging magugulatin ha?” tinanong niya pa

“Your 37 seconds late gagu, at wala ako dito para alalahanin ang pambubully mo sakin noon.” Ako

“Wow ako pa ngayon ang bully, nanligaw lang ako sayo eh binugbog mo na ko.” Siya, wag niyo ng tanungin ayoko ng ungkatin ang nakaraan na panget naman

“Okay payn, pero anyways seryoso ako, may sasabihin lang ako sayo tungkol kay Steph.” Seryosong sabi ko sakanya pero nung nakita kong may dala siyang ube cake eh kinuha ko

“Hoy akin yan, ikaw’ng babae ka!” siya

“Wag ka ng magkaila! Nung nanligaw ka sakin, dinalhan mo rin naman ako ng ube cake ah, yun na ata ang maganda mong ginawa sa buhay ko except sa ligawan part ang panget mo.” Sabi ko sakanya habang kumakain napasabunot na lang siya sa buhok niya

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon