Chapter 2 =The Dare They've Made=

2.8K 46 10
                                    

Chapter 2

 

Her POV

 

I’m Janine Marie Stephanie Montenegro Shin 17 years old, Half Pinay at Half Korean. Ang kwento ng nakakatakot kong Lolo eh, nabuntis daw ng isang Investor ang mommy ko sa Korea nung nagpunta sila doon, kaya nagkaganun pero tinanggap naman daw nila ako. At nung pamilya ng Daddy ko kaya dala ko ngayon ang apelyido niya. At nung ipinanganak ako, the next week kinasal sila Mom at Dad noong Valentine’s Day pa talaga, nag trip sila sa buong Pilipinas gamit ang private yacht ni Lolo. Pero unfortunately lumubog ang yacht, at sinasabi nila na murder daw ang nangyari dahil sa sira sa yacht, at hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung ano ang totoong nangyari kung bakit daw nagkaganun ang nangyari sa bangka. Yan ang kwento nila sakin, pero ako wala akong alam, it was only a week since I was born tapos namatay pa sila.

So ganun ang nangyari sa mga magulang ko. At nandito ako sa mundo na sobrang nakakainis dahil sa Lolo ko, na kung sino na lang ang inirereto sakin para pakasalan ko. Naiwan ako sa Lolo ko na sobrang sungit at sa Auntie ko na may anak rin na nakakasundo ko naman pero sobrang sungit. Pero I think ganito talaga ang buhay kailangan nakakainis para matuto tayong mapikon. -_- Tama ba yun????

At ngayon okay naman ako, kasi yung mga relatives ko sa Korea eh sinusuportahan naman ako financially at pinabibisita naman nila ako dun minsan kaya okay lang sakin. At sa ngayon ang Lolo ko ay mayaman, suportado niya ko dahil sa may naiwan rin namang mana si Mommy sakin. Si Lolo ang may ari ng pinakamalalaking condomiums sa buong mundo which is ang Montenegro King Condominiums ( may King kasi sa taas ng 50 kapalapag eh may King Crown sa taas ng building). Hindi ko mabilang kung ilan na ang condo companies ng Lolo ko. Wala na akong pakialam dun, pero nagbago yun, ng maalala niyang college na ako kaya ayun ipinasok niya ako sa school na pagmamay-ari niya na sikat sa Pilipinas, ang Montenegro Business University or MBU. Matagal na ang school na to since sabi ni Auntie dito din daw sila nag-aral ng Mommy ko. Ang MBU daw ang focus sa business management courses at halos lahat mayayaman pero may mga scholars din naman syempre.

*STEPH! STEPH! STEPH! MAY TAWAG KA! YUUUUHOOO! STEPH! STEPH! MAY TAWAG KA SABI! STEPH! STEPH! STEPH! SINABING MAY TAWAG KA EH.*

-_-

Ringtone po yun ng cellphone ko na si-net ng dalawa kong baliw na kaibigan. Sinagot ko na kasi galit na yung boses nilang dalawa. Pagtingin ko sa caller number si Reash pala.

“Hello?” ako

[“Hey Steph, this is Kara hahaha.”] Tignan mo nga naman, itong babaeng to ang hilig manghiram ng cellphone nang may cellphone adik talaga eh

“Hi, may kailangan ka?” tanong ko, nasa condo kasi ako ngayon kasi Saturday ngayon at Monday na ang start ng klase sa MBU

[“Wala kita na lang tayo dito sa bahay ni Reash as usual. Okay? Okay? Okay? Hey Steph! Okay?”] -_- bakit ba mahilig siya okay na word ngayon

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon