Chapter 4 =The First Step=

2.1K 43 9
                                    

Stephanie's Point of View

"Wag ka kasing malikot! Ano ba Kara?" 

"Ikaw ang malikot sa ating dalawa Reashelle, kaya umusog ka nga." 

(T.T) Nandito kami ngayong tatlo, nagtatago sa likod ng gate ng Engineering Building ng MBU dahil in five minutes lalabas na daw yung DJ na yun at kailangan ko ng gawin ang step one ng plano nila.

Ang Gumawa ka ng paraan para makipagkilala siya sayo. 

Hindi ko alam kung gagana ba ang plano ko pero sabi naman nila Reash na pwede naman kaming magtrial and error, kagabi ko pa to pinag-isipan at kinakabahan ako kasi talagang wala naman akong karapatang manakit ng ibang tao pero----

"Hoy Steph nandiyan na sya." tinulak na nila ako palabas sa pinagtataguan namin at inayos ko muna yung porma ko. pinagpagan ko pa yung sarili ko ng mabuti dahil sa halamanan kami tumago.

Nakasuot ako ng uniform namin sa MBU pero naka-nerdy glasses ako at nakapatong ang buhok ko na parang bun sa tuktok ng ulo ko at may chopstick pa na design doon kaya nagmukha talaga akong Chinese, nakita ko na silang paparating kasama ang mga kaibigan niya, kaya yumuko ako at dinala ko yung sling bag ko at isinabit ko ito sa kanan kong balikat, magpe-pretend ako na hindi sila nakikita habang naglalakad.

"HAHA Miss ano ba naman yan? Bakit ang tanga-tanga mo?" tumalsik ako sa sahig pero tumayo naman ako agad at narinig kong nagtatawanan na sila ng mga kabarkada niya, pinigilan ko na lang na hindi magalit dahil kailangan ko na tong matapos.

"So-sorry po talaga, pe-pero pwedeng magtanong?" nakayuko pa rin ako pero alam kong nasa mismong harap ako ng DJ na to, amoy na amoy ko ang pabango niyang nakakaakit talaga sa bango.

"Sure naman Miss." sabi ng blonde na lalaki, kaya tumunghay ako O_O pero halos mapaatras ako dahil sa ang lapit na pala ng mukha ko kay Dane at kulang na lang ay magkahalikan kami.

"Hi-hinahanap ko kasi si Gabriel Dane Park." halos mautal ako pero magkatitigan pa rin kami ng DJ na to, ayaw maalis ng mata ko sakanya pati mga paa ko ayaw gumalaw.

"Oy brad, eto ata yung babaeng naghahana------"

(O_O)

*tsup*

"Ayan Miss, nahalikan na kita. Pwede ka ng umalis at tumili, may lakad pa ako." O_O hi-hinalikan niya ako, fi-first kiss ko yun.

*PAK*

Oo sinampal ko siya, walangya siya. Hawak hawak ko yung mga labi ko.

"SINONG MAY SABI SAYO NA GUSTO KO NG HALIK MO AH? ARRRRGGGHHH AT HINDING HINDI AKO TITILI PARA SAYO, YOU ASSHOLE." 

(O_O) Ganyan ang mukha ng mga tao sa paligid, tinanggal ko yung nerdy glasses ko at pati na yung bun sa buhok ko kaya nahulog yung mahabang itim kong buhok.

"Wh-what---" tulala na sabi nung DJ

"You will pay for this." dinuro duro ko talaga siya

At naglakad na ako paalis sakanila at sumakay agad ako sa kotse ni Kara paglabas na paglabas ko ng building nila, (-_-) papatayin ko ang lalaking yun. Ang kapal ng mukha niya para halikan ako.

"Steph?" 

"ANO?!!!" (O_O) nasigawan ko pa tuloy si Reashelle, arrrrgggghhh nakakainis, nakakainis talaga.

"O-okay ka lang ba?" nauutal na tanong ni Kara habang nagda-drive

"PAANO AKO MAGIGING OKAY HA KARA? HA? EH HI-HINALIKAN NI-NIYA AKO!" gusto kong maiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko, nag-cutting na lang kami at tumambay kami sa condo ko, nanonood silang dalawa ng TV habang ako eh nakabaluktot na nakahiga sa sofa at nakayapos sa unan ko.

Bukas na bukas ang mga mata ko ng hinalikan niya ako, ang manyak nung lalaking yun. Magbabayad siya sa pagkuha ng first kiss ko, magbabayad siya.

"AYOKO NAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sinigaw ko na lang bigla

"WHAT? STEPH HINDI PWEDE! PATAY HINDI TALAGA PWEDE STEPH!" naiiyak na sabi ni Kara kaya napabangon ako bigla

"Huh? Bakit hindi pwede?" nagtataka kong tanong

"Basta kailangan mong ituloy to Steph, please lang." si Reash na naman ngayon ang nagsalita.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon