Chapter 8 =Babies Day Out Part One=

1.8K 26 2
                                    

Stephanie's Point of View

Wednesday ngayon at wala akong pasok dahil sa may special activity ngayon sa school na para lang sa staff at teachers, kaya palabas na ako ngayon sa condo ko dahil sa balak kong mag-swimming sa swimming pool na nasa 5th floor ng building na to at nasa pang 35 floor ako over 50 kaya elevator ang trip ko ngayon.

Pero nung pagbukas ko ng pinto ay (O_O) natumba agad ako sa gulat dahil sa mga taong nasa harap ko ngayon, nandito sila? (O_O) Eh?! Nandito talaga sila! (>.<)

Nakatayo sa harap ko ngayon ang Tita kong galing pa ng Ukraine at hindi ko talaga expect na nandito siya ngayon sa harap ko dahil sabi nya sa pasko pa siya dadating, at karga-karga niya ang 7 months old niyang baby na si Paige at nakacross-arms na nakatingin saakin ang panganay na anak ni Auntie na (T_T) pinsan ko of course, si Chloe Megan Lourden ang nag-iisa yan.

At nasa likod din nila si Drew! (O_O)

"Hi Steffy! ^_^ Namiss kita ah, pero parang hind mo naman ata ako namiss." (O_O) agad akong napa-face palm sa sinabi ni Drew dahil sa nakabuka na talaga yung bisig niya para yakapin ko siya kaya agad-agad akong tumakbo doon tsaka sya pinagyayakap.

"Haha that's enough you two, I have important business here." niyakap ko naman sunod si Tita at si Paige ang cute-cute niya talaga, ang laki na niya ngayon. =)

"Tsk, you flirt like you're the only one here and you smile like you own him." sabi ni Megan sakin kaya sinapak siya ni Auntie, pero tinap ko lang yung ulo niya tsaka ko siya nginitian.

"Hello din Megan." biro ko sakanya pero naparoll-eyes lang siya.

"Auntie? Bakit ka nandito ngayon? Anong nangyari?" tanong ko kay Auntie pagkatapos ko silang lahat papasukin sa loob ng condo ko at si Drew eh andun sa kusina, gutom na daw siya kaya mangangalkal lang muna siya sa ref ko.

"Eh kasi nak, agad akong tinawagan ng Lolo mo kanina na emergency daw dahil sa may auction na gaganapin ang mga Prieto, sa isang lupa at dahil sa may business trip pa ang Lolo mo kaya ako nandito ngayon para umattend sa auction na yun at ng mabili ko ang lupa para sa ating next project." tumango-tango ako kay Auntie, pero naalala ko na, kung bakit dala niya sila Paige at Megan, pwede naman niya silang iwan lang sa Ukraine dahil nandun ang Daddy nila.

"And Steph busy ang asawa ko kaya, please....... pwede bang ikaw muna ang magbabysit kay Paige ngayon?" (O_O) Ako? Ano? Eh?

"Eto kasing si Megan may photoshoot siya bigla sa isang new cosmopolitan project kaya ikaw lang talaga ang maaasahan ko sa ngayon." buong buhay ko si Tita na rin ang halos nagturo saakin ng mga bagay na hindi maituro ni Lolo saakin kaya kahit kailan hindi talaga ako maka-hindi sa Tita ko.

"Su-sure Tita, I'll do it." sabi ko 

"Then it's settled, bye people." (-_-) si Megan yun, bigla ba namang tumakbo palabas ng condo ko, si Megan ay isang teen model kaya kahit 15 years old lang yun ay sikat na rin siya dahil sa maganda ang batang yun, half british rin kasi kaya maganda talaga. Siya ang nag-iisang Meg Lourden ng showbiz industry.

"I'm running late Stephanie, eto na ang lahat ng gamit ni Paige, please take care of her, at ipasyal mo siya sa labas dahil sa dalawang araw na siyang hindi naaarawan, bye *mwuah* take care, love you." hinalikan na ako ni Tita tsaka siya nagmadaling lumabas, naiwan lang akong nakaupo sa sofa namin na nakatingin kay Paige na natutulog, (T_T) kaya ko nga bang buhayin ang isang 7 months old baby sa isang araw?

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon