Chapter 49 ( The Truth is Milch )

773 8 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Pagkatapos ng nangyari nung isang araw, nang malaman ni Steph na naipagkasundo na siya ng Lolo niya kay Milch. Napaghahalata na ni Dane ang mga weird na kilos niya, pero di na muna pinansin ni Dane iyon sapagkat napag-alaman niyang debut na ni Steph next month.

Pero si Steph palaging malalim na ang iniisip niya nitong mga nakaraang araw.

Nandito siya ngayon sa bahay ni Reash, as always pag may problema siya sa mga kaibigan niya agad ang takbo niya. At si Reash eh iritang irita na dito, matagal na kasi niyang tinitiis ang pagpapanatili ng pagmamahalan KUNO nila Steph at Dane, mahal niya si Steph pero alam niyang hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa, darating talaga ang araw kung saan matatapos at matatapos sila.

“Kara hindi kasi ako makapaniwala na magagawa ni Dad sakin yun, desperadong desperado na siya, hindi niya pwedeng gawin to sakin.” Pagsusumbong ni Steph sa dalawa niyang kaibigan specifically kay Kara

“Eh diba sabi mo, kilala mo naman itong naka-engage sayo, mas okay na yun diba kesa sa iba pa?” si Reash naman ang nagsalita habang higop ng higop sa ever paborito niyang grape juice

“Reash alam kong kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat , pero ayaw kong iwan si Dane, mas okay lang sana kung si Dane ang mang-iiwan sakin pero hindi eh, ayoko siyang nakikitang nasasaktan, nangako ako eh.” Sa loob loob ni Steph alam niyang hindi gusto ni Reash at Kara ang nangyayari sakanya ngayon pero wala silang magawa, kayang damayin ng Lolo ni Stehp ang mga kaibigan niya

“I’m sorry Steph pero may ipagtatapat kami ni Reash sayo, sana maintidihan mo kami.” Dismayadong pahayag ni Kara kay Steph kinakabahan na siya kasi kasalanan nilang dalawa kung bakit ang lahat ng ito ay nangyayari kay Steph ngayon

“Bakit ano ba yun?” makikita mo sa mga mata ni Steph na curious siyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga kaibigan

“Noong bago ka pa namin inutusan siya operation, kinausap kami ng Lolo mo, nagpunta kami ng Batangas, doon kami kinausap ng Lolo, honestly natuwa kami nun kasi diba first time naming makakausap ang Lolo mo ng wala ka. Tapos nagtanong siya kung may kilala ba kaming Park ang apelyido sa school, yan yung tanong ng Lolo mo samin, nagtitigan kami ni Reash nun isa lang ang kakilala namin at si Dane yun, actually dalawa sila may kapatid si Dane, Steph si Zane yun yung kinukwento ko sayo noong high school tayo ng may kababata ako. Pero si Dane ang isinagot namin sa Lolo mo. Pero nagkamali kami Steph” si Kara ang nagsalita, takang taka na si Steph hindi niya magets ang mga pinagsasabi ni Kara, hanggang sa dumugtong si Reash at nagsalita

“Steph, si Milch pala ang dapat na gagawan mo ng operation it’s not Dane pala all along, heto yung mga nakuha naming impormasyon tungkol kay Milch, nakalagay diyan na his name is Milch Jeehk Kendler Park, isa siya sa pinakasikat sa school nila isa siyang ultimate Casanova, marami na siyang napaiyak until last, last, last month she met this girl named Alriyana Mendoza, naging sila pero walang masyadong nakakaalam, kasi natatakot daw si Milch na malaman ng mga magulang niya ang totoo, he is 18 years old, nag-ddj siya sa club, dancer, and also a singer model rin siya ng bench. At magpinsan sila ni Dane magkapatid ang mga daddy nila, at kakauwi niya lang galing States last year, maling impormasyon ang nakuha namin ni Kara, at mali rin ang impormasyon ang nakuha ng Lolo mo Steph.” Si Reash na ang nagsalita ngayon

“Inutusan kami ng Lolo mo na paglapitin kayo ni Dane that was supposed to be Milch, at pag hindi namin nagawa yun, aatras ang Lolo mo sa pagme-merge ng kumpanya namin, mahalaga sa mga magulang namin ni Reash ang kanilang mga negosyo, wala na nga silang time samin dahil sa negosyo nayan eh,  ang Lolo mo kasi ang nag-iisang pinakasikat na investor sa mga kumpanya ng parents namin, Steph sorry patawarin mo kami.” Si Kara ay umiyak na talaga habang hawak hawak ang mga kamay ni Steph, si Steph parang nabato lang siya sa kinauupuan niya

“Tumawag siya saamin kagabi na, magaling daw ang ginawa namin kasi magkakilala na kayo ni Milch, pero si Dane na at ikaw ngayon. Yung sinasabi naming price mo na 4 million, tag-two million kami ni Reash dun pero gusto na lang naming ibigay sayo pag natanggap namin galing sa Lolo mo, sa Lolo mo nanggaling ang pera, last week pa namin nalaman na nagkamali kami, kaya halos wala kaming imik sayo. Heto isasauli na naming yung pera but please Steph sana pagdating ng panahon mapatawad mo kami.” Si Kara na naman muli ang nagsalita at iniabot ni Reash ang checke kay Steph na nagkakahalaga ng apat na million

Mahirap na sa kanilang tatlo ang nangyaring pag-amin ngayon, si Steph ay nakaupo lamang habang umiiyak, si kara rin at si Reash.

Nagulat si Reash kasi itinulak ni Steph pabalik sakanya yung checke habang umiiyak parin.

“Wag na *huk* thank you, masaya ako kasi nasabi niyo ito sakin *huk* I just can’t believe na magagawa niyo to sakin” iyak ni Steph

Hindi rin naman niya magawang magalit sa mga kaibigan niya dahil sa oras na nagsimula niyang gawin ang misyon, palagi naman silang andyan sa tabi niya upang gabayan siya upang tulungan  siya kung may problema siya. Mabait ang Lolo niya pero napagtanto niya ang sinabi ni Reash na lahat ng tao nagbabago.  Kaya kahit gusto na niyang magalit sa dalawa hindi niya magawa kasi nandyan sila sa mga oras na kailangan niya sila.

“Steph!” sabay na sabi nila Kara at Reash, di narin kasi nila maisip kung bakit at kung ano nagawa nila sa kaibigan nila

“I’m okay, I’m sorry but can I slap the both of you?” hindi na nagulat silang dalawa si Kara at Reash, palagi kasing ganito ang tanong ni Steph pag may kaaway siya, at pagkatapos nun magbabati na sila

Tumango ang dalawa at agad sinampal silang dalawa ni Steph

*pak* kay Kara

*pak* Kay Reash

Pagkatapos silang sampalin ni Steph, agad itong yumakap sa kanila, at nag-iiyak na sila, mababaw mang isipin.

Hindi lahat ng bagay sa mundo matibay, may mga madali rin masira.

Pero ang pagkakaibigan nila kahit masaktan man andyan parin sila.

“I’ve always believe that the Truth will never set you free, it will only make you weak and worthless, but for you right now I’m going to believe that the truth will set you free, follow your heart and your mind also it won’t work without it.” Payo ni Reash kay Steph and the three of them smiled

-------------------

Author's Note:

Hi Readers I'm so sorry kasi nagtiyatiyaga kayo sakin na pagong mag update sa stories kakarating ko lang rin dito sa Canada eh nahihirapan akong mag-adjust kasi dalagang Pilipina nga ako, hehehe pero sorry talaga sana makapaghintay pa kayo ng konti. =) salamat po

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon