Chapter 41 ( Entertaining Ken Jude Villarosa )

991 11 2
                                    

REASH’S POV

{ Miss author bakit ako pa yung mag-narate at mag entertain kay Ken? }

{ Bwisit ka Reash, sige na. Eh sa bahay mo siya pumasok eh, alangang ako diba? }

{ Aish oo na nakakainis, saying ang laway ko dito }

“Ken may sasabihin sana ako sayo!” sabi ko kay Ken nandito kaming dalawa sa garden table naming sa labas ng bahay

“Oh! Mukhang seryoso ata ngayon ang isang Catherine Reashelle Hyeon? Nag-iba ka na talaga!” natatawa pa niyang sabi eto ang hindi ko gusto sakanya eh nakakainis at ang hangin

“People change JUDE, and don’t you dare again call me Cathie it’s Reash now, binago ko na. At duh hindi ako nagbibiro may sasabihin talaga ako sayo about Steph” naiinis kong sabi sa kanya

“Okay fine spill it out. BUT don’t you dare call me Jude ang baduy it’s Ken.” Naiinis niya ring sabi pero alam niyo ang cute ng lalaking to pero di ko crush to ah kababata ko lang to half brother siya ni Drew magkaiba sila ng tatay, at pag brother ni Drew ibig sabihin kababata naming ni Steph at ni ako malamang

“Ken may boyfriend na si Steph” nakayuko kong sabi sakanya kasi alam kong magagalit siya

“ANO? PAANO? KAILAN PA? HA? BAKIT?” Sunos sunod niyang tanong este sigaw sakin, wag na kayong magtanong

Kasi itong kausap ko ay si Ken Jude Villarosa kapatid actually half brother lang ni Drew Michael Jung, he is pure Filipino, 20 years old at kakauwi lang nito galing America. Kababata siya namin ni Steph. Si Ken ang first crush honestly ni Steph nagsimula nung kingergarter pa ata kami. Nung high school kami crush pareho ni Steph sina Drew at Ken na magkapatid pa talaga pero mas yung kay Ken, kwento niya sakin yan noh. Then, ayun nung high school super close na talagaa nila ni Ken, pero isang araw kumalat na lang sa buong university na nanliligaw na si Ken kay Steph, halos lahat kinikilig, pero alam ko hindi kabilang dun si Drew kasi matagal ko ng alam na may lihim siyang pagtingin kay Steph pero nagparaya siya para sa kapatid niya, ang ewan talaga ng mga tao sa mundo, nagiging baliw sa tuwing nagmamahal.

Hanggang sa isang araw rin, nabalitaan ko na pinagpustahan lang pala ni Ken at yung mga kaibigan niya na paibigin ang best friend niya sakanya. Yan ang narinig ko, hindi ako nagalit kasi alam kong hindi ko naman talaga alam ang lahat, kasi magkaibigan rin naman kami pareho, ayaw kong sirain ang pagkaka-ibigan naming dahil sa lintek na pagmamahal na yan. Sobrang nag-iiyak si Steph nun, kasi dapat pala sa araw na yun niya sasagutin si Ken, hayyy buhay nga naman oh, perwisyo talaga.

At since magkasosyo ang lolo ni Steph at ang mga parents nila Ken, nagalit ang lolo ni Steph at pati rin ang mga magulang ni Ken kaya naisipan itong ipadala sa America at dun na mag-aral. Kahit maysakit kay Steph pinabayaan na lang niya. Kasi sabi ko kung para talaga sila sa isa’t isa edi sila. May kaartehan pa eh.

Kaya noon, nalipat na rink ay Drew ang pagtingin ni Steph, at alam kong masaya si Drew pero hindi pwede kasi nangako siya sa kapatid niya na babantayan niya si Steph yan kasi ang saad ni Ken bago siya umalis, hindi niya pwedeng mahalin si Steph kasi alam niyang babalikan nito si Steph pagdating ng panahon.

Lahat yan hindi alam ni Steph kasi ako lang ang sinabihan ni Drew, pero wag kayong mag-iisip ng masama wala akong gusto ni kahit crush wala ako, magkamatayan pa ang mga daga. Pero mukhang ito na ang tamang panahon para itanong ang lahat kay Ken yung talagang sa kanya nangagaling.

“Wag ka ng over acting diyan, pero seryoso Ken! Ano ba talagang nangyari noon?” tanong ko sa kanya at naging dahilan para magbuntong hininga siya

“Sige ikukwento ko na nga, total kakailanganin ko ang basbas mo pag papakasalan ko na si Steph. Nagawa kong pagpustahan Steph noon dahil sa mga kaibigan ko kasi alam naman nila na mahal ko si Steph, kaya sinubukan nila akong kalabanin na pasagutin siya agad agad at pag hindi isa sa kanila ang manliligaw sa kanya, at yun ay si Drake, na may gusto rin kay Steph, at dahil sa nagseselos ako napilitan kong gawin yung dare nila hindi naman pera ang pustahan dun kundi yung pagkawala lang ni Drake eh.” Hindi na ako nagsalita at nakikinig lang sa kanyang mabuti

“ Kaya ayun habang nasa room kami, nagsisigawan sila ng congrats sakin at sakto siguro ang pagpasok ni Steph sa room at narinig niya ang pinagsasabi nila sa pinagawa nila sakin, kasi dapat mamaya may date kami at nabalitaan ko na sayo na sasagutin na niya ako kaya ingay sila ng ingay dun. Pero Cathie este Reash di ko naman talaga sinasadya yun, mahal ko siya kaya ko yun nagawa, kasi diba si Drake ang ultimate cassanova kahit high school pa tayo. Gusto ko lang talagang protektahan si Steph, Reash please maniwala ka sakin.” Hayyy naniniwala ako sakanya kasi kilala ko naman tong lalaking to kahit arogante nga pero mabait naman konti siguro

“ Yeah Ken, naniniwala ako sayo, pero it’s just too late mahal na mahal ni Steph si Dane, hindi ko alam kung pano ko nga sila paghihiwalayin eh.” Namomomroblema na sabi ko sakanya pero nagulat ako kasi bigla siyang natawa

“ Dapat pala kanina hindi na ko namroblema eh, kasi may on pa naman sila hindi pa naman sila kasal o ano pa dyan. Kaya ko pa silang paghiwalayin kung mag-asawa nga nagdi-divorce eh panu pa kaya ang may boyfriend” oh my ghad

“Ghad Ken you’ve never change, you’re still hard headed!” aish pano na to, dag dag perwisyo na naman

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon