Chapter 1 =The Game I Started=

4.1K 60 9
                                    

Chapter 1

 

 

Third Person’s POV

“Steph naman, sa dami nating pwedeng maupuan bakit sa buhanginan pa? Hindi naman tayo magsa-sunbathing kasi gabi na naman. Ano ba kasi tong pakulo mo ha?” sigaw ni Kara sa dalawang kaibigan nito na nakaupo sa buhangin nga at may dalang bote ng------ softdrinks na may lamang tubig. ^_^ Hahaha

“Pwede ba Kara just for once makisabay ka naman oh! Heto na nga oh! Heto na ang time kung saan free tayo at walang pasok plus walang stress.” Sagot naman ni Steph habang nakasapo ang palad sa noo, kasi hindi siya makapaniwala kung bakit may kaibigan siyang mabait minsan pero mas maarte pa sa bakla

“No comment!” kalma namang sagot ni Reash na isa rin sakanila, pero ang pinaka- bipolar sakanila minsan parang immature pero minsan mature naman, hindi rin nila magets ito eh, paiba-iba kasi pero wala ng pakialamanan kung kaibigan mo talaga kailangan mo na lang sabayan

“Whatever! Magkakampihan pa talaga kayong dalawa. Maglaro na lang kaya tayo ng Truth and Truth?” biglang tanong ni Kara na siyang ikinabago ng mood niya at nag-smirk pa ito

“What? At bakit nawala ang dare dun? Nasaan na?” natatarantang tanong ni Steph sa dalawa

“Hahaha, bessy naman hindi naman talaga nawala ang dare dun eh kasi wala naman talaga dapat.” Sabi ni Kara habang patawa tawa pa ito

“Grrr, wala ka talagang magandang idea diyan noh? You can go back to whining now in case you want to kasi parang hindi ko gusto ang plano mo!” sabi ni Steph

Yung si Reash hindi na nagsalita, patuloy lang niyang nilalagok yung tubig na laman ng softdrink bottle.

“You are such a meanie friend Steph” ^.^ You know that? Pero yung isa diyan, dapat nagpe-pretend kang nalalasing eh bakit nilalagok mo yan? At dahil nilagok mo na yan dapat panagutan mo. Now, pretend to be drunk or else.” Nagpaparinig si Kara kay Reash na ngayon eh ubos na ang tubig na nilagay nila sa softdrink bottle

“diam i tidak peduli apa jua cara” yan lang ang sagot ni Reash sakanya at sa ibang language pa talaga ito

[shut up, I don’t care anyway] –Malaysian-

 

“Diyos ko naman Reashelle oh! Ano na naman bang language yan? Bahala ka jan!” galit na sigaw ni Kara

“Okay tumigil na kayo diyan! Maglaro na nga lang tayo pero Truth or Dare na lang kesa mag-away tayo dito mabuti pang maglaro na lang.” suhestiyon ni Steph sa dalawa kaya napatigil ang mga ito, kasi kahit kalian hindi pa nag-aya si Steph na maglaro ng truth or dare kahit kailan, kasi walangya daw ang larong ito. Kasi ang mga taong naglalaro nito ay ang mga taong umaasa sa lahat o sa madaling salita FEELERS

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon