Chapter 10 =She's Looking Over=

1.7K 22 2
                                    

Stephanie's Point of View

Naamlipungatan ako nung may tumamang ilaw sa mata ko kaya (O_O) agad akong napabangon at napatingin sa paligid. (O_O) Nakatulog ako??

Nakahiga ako sa tabi ni Seven na nakayakap saakin at sa tabi ko naman ay si Six at si Third ay nasa paanan ko, dahan-dahan akong tumayo para hindi sila magising dahil sobrang himbing ng mga tulog nila, naghilamos ako sa CR sa kwarto ng triplets at (O_O) si PAIGE????!!!! NASAAN SI PAIGE?

Nung paglabas ko galing sa CR wala na si Paige doon kaya dali-dali akong lumabas pero saktong paglabas ko ng pinto ay mukha ni Dane ang nakita ko at ang laki ng ngiti sa mukha niya habang nakatingin saakin.

"Na-nasaan si Paige? San mo siya dinala?" natataranta kong tanong kay Dane at nakahawak pa ako sa kwelyo niya, pero nakita kong suot niya ang uniform ng MBU kaya binitawan ko siya agad dahil sa nagusot ko yung uniform niya, pero nakangiti pa rin siya.

"May babaeng kumuha sakanya kaninang madaling araw, at siya yung artista na bata na nakikita ko sa TV." aaaahhh! Kinuha pala siya ni Megan, at MAY PASOK AKO NGAYON! Pero paano niya nalaman na nandito ako? (T_T) Malamang pinalagyan na naman ako ni Auntie ng tracking device! At bakit si Paige lang ang kinuha nila? at sheeeze SCHOOL???! o_o

"Late na ako, late na ako, late na ako, patay ako sa Lolo ko pati kay Professor Gen." napakitkit tuloy ako sa kuko ko pero nawala ako sa pag-iisip nung narinig ko ang malakas na tawa ng babaerong to at halos mamatay-matay na naman siya sa kakatawa saakin, ganun ba talaga ako nakakatawa? (-_-)

"Pwede kang maligo diyan sa kwarto ng mga kapatid ko tsaka eto ang uniform tsaka bag mo na dinala nung babae kanina, may 25 minutes ka na lang, bilisan mo." nung narinig ko ang 25 minutes ay hinablot ko sakanya yung bag tsaka ako pumasok ulit sa kwarto ng triplets at naligo tsaka nagtooth-brush mabuti na lang dinala talaga lahat ni Megan ang gamit ko.

Agad akong bumaba galing third floor at naghihintay sakin sa baba si Dane na naka-smrik naman pero nilagpasan ko lang siya.

"Te-teka! Saan ka pupunta?" sigaw niya kaya tumigil ako.

"Sa school malamang." sigaw ko pabalik nasa malapit na kasi ako sa pinto 

"Hi-hindi ka sasabay saakin?" (O_O) ako? sasabay sakanya?

"HINDI!" sigaw ko tsaka tumakbo na naman palabas pero paglabas ko ay halos malula ako dahil sa sobrang layo pa pala ang tatakbuhin ko makalabas lang siya mansyon nila. Nakita ko si Dane na nakasakay sa isang puting porsche at nung tinignan ko ang relo ako 3 minutes na lang at malelate na ako, terror pa naman si Prof Gen, talagang kikilitan ako nun pag nalate ako. Kung bakit ba kasi ako nakatulog sa hindi ko naman bahay at di ko man lang namalayan na umaga na. (T_T)

"Sumabay ka na kasi alam mo ba mas------"

"OO NA! PASABAY NA!" pinutol ko na sya at umupo ako sa tabi niya, and as always naka-on na naman ang smirk sa pagmumukha ng lalaking to, pero habang nasa daan kami ay nakita ko sa may rear view mirror na may isang purple na ferrari at isang green na ferrari ang nakasunod saamin kaya tumago ako, sheeeeze makikita ako nila Reash at Kara. (>.<)

"What are you doing?" tanong ni Dane pero huli na siya dahil nakita na ako ni Kara, nasa gitna kami ni Dane at nasa kanan ko si Kara habang nasa kaliwa ko si Reash na ang da-drive ng kotse niya ay si Drew.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon