Chapter 9 =Babies Day Out Part Two=

1.8K 29 8
                                    

Dane's Point of View

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

(T.T)

"TUMAHIMIK KAYO NGAYON DIN!" bulyaw ko sa mga kapatid ko na kanina pa iyak-iyak, simula nung lumabas kami ng bahay, nakakainis, P*ta talaga, kelan pa ako naging Tatay?! I'm supposed to have a date today, a very important one. (-_-)

Nagda-drive ako ngayon papunta sa mall dahil sa gusto daw nilang mamasyal ngayon at yung sinasabi kong mga kapatid ay, TATLO! Oo, tatlo sila for pete's sake. They continued sobbing at the back of the car pero hindi na sila sumisigaw ng iyak, ayaw nila saakin dahil sa hindi daw ako katulad ni Zane, gagong kapatid ko si Zane at since may pasok siya ngayon kaya ako ang kailangang magbantay sa mga ugok na to.

Kung hindi ko lang to mga kapatid eh!!!

Imbis na dalhin ko ang Ferrari ko ay kailangan ko pang mag-drive ng van dahil sa may mga bata daw akong sakay. (T_T)

Nagulat na lang ako nung may nakita akong babae na nasa gitna mismo ng daan kaya agad akong napa-preno sa gulat at nagsimula na namang umiyak yung mga kapatid ko pero di ko na sila pinansin dahil sa may dalang sanggol yung babae kaya agad-agad akong lumabas tsaka tinanong siya kung may masakit ba o ano!!?

Pe-pero (O_O) 

"DA-DANE!?" 

(O_O)

Si Steph ang nasa harap ko ngayon at dali-dali niyang pinatahan yung sanggol sa mga bisig niya tsaka niya ito niyakap?! Ma-may anak na siya?

"O-okay ka lang ba?" tumango siya saakin tsaka siya naglakad papunta sa gilid ng daan kung saan may stroller dun at bag, pero inunahan ko na siya dahil hinila ko yung stroller at bag tsaka hinawakan yung isa niyang kamay at pinaupo ko siya sa frontt seat ng kotse ko at nilagay ko yung stroller sa likod.

"Sa-saan mo kami dadalhin? Okay lang ako, ano ba?!" akala ko talaga makakapatay na ako ng tao at siya pa talaga?

Tumigil ako sa isang lugar na open field lang siya pero hindi rin siya park, pero nasa loob pa rin kami ng sasakyan, nakatulog na yung baby na dala niya at tahimik lang din yung mga kapatid ko sa likod.

"Sa-salamat." sabi niya tsaka ako napasandig sa head board ng upuan ko at napangiti ako, hindi ko inakalang makikita ko siya ngayon at sa ganitong paraan pa talaga.

"Bakit ka nakangiti diyan ha?" she's back to her old self now, eto siya nung una ko siyang makilala, masungit at palasigaw pero saakin lang naman.

"Anak mo ba yan?" deretso kong tanong at agad naman siyang napaubo

"Hindo no! Anong akala mo sakin?" ewan ko pero nung sinabi niya yun parang nabunutan agad ako ng tinik sa dibdib.

"Pinsan ko siya at dahil sa iniwan ako ni Drew sa may park kanina, tapos tinangay nung hangin ang panyo ni Paige at nawala ako sa sarili ko dahil sa frustration at nahanap ko na lang yung sarili ko sa gitna ng daan, at yun dumating ka." ewan ko kung sino si Drew, pero tumango lang ako sa kwento niya.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon