Chapter 6 =Sakura Shopping Mall=

1.9K 31 3
                                    

Stephanie's Point of View

"So how's school?" tanong ng Lolo ko saakin kaya napa-whooo ako deep inside dahil akala ko talaga sisigawan niya ako dahil sa nalaman niya yung about sa commotion na ginawa ko sa Engineering Building at isa pa naman akong Business Management, kaya akala ko talaga nalaman niya.

"It's good Dad, everything's fine." sabi ko at nagpatuloy akong kumain.

Naka-isang week na rin ako sa MBU, at nagsurvive naman akong iwasan yung lalaking yun for three days, lagi ko siyang nakikita sa department namin dahil may girlfriend ata siya dun pero umiiwas talaga ako sa kahit anong paraan para hindi niya ako makita. Sabado ngayon at sinundo ako ng Lolo ko sa condo ko dahil sa gusto daw niyang makipagbreakfast sabay ko, pero dinala lang naman niya ako sa mansion namin, wala namang nagbago pero nagtayo pala si Lolo ng dalawang tennis courts sa pinakalikod ng mansion.

Kumakain lang ako ng bacon at hotdog pero nagte-tea lang si Lolo, nasa garden kami malapit sa pool at nakapalibot saamin yung dalawa naming katulong tsaka si Max, si Max ang butler namin at mabait siya dahil kasama na namin siya simula 3 years old pa lang ako.

"Have you join any clubs? Student Council is good for you, and you being a role model is a big part in improving our international investments." hayyyy sabi ko na nga ba, eto ang kailangan niya saakin.

"Next week pa magsisimula Dad ang club auditions and I'll try for any positions." nakayuko kong sabi ko sakanya, Daddy na ang tawag ko sa Lolo ko dahil sa wala na nga akong nakagisnang tatay.

"Don't try Stephanie, do it and make sure that you'll win." malamig na sabi ni Lolo at nagpatuloy siyang inumin ang tea niya habang nagbabasa ng newspaper.

"Of course Dad." ayoko talagang sumali sa Student Council dahil sa minsan people expect so much from you dahil sa mas mayaman ka daw at mas makapangyarihan, kaya dapat daw mas nakakatulong ang mga desisyon na ginagawa mo.

10 o'clock na kaya ipinahatid na ako ni Lolo sa condo ko gamit ang puti naming limousine.

"Lady Stephanie, pinabibigay po ito ng Lolo niyo." Lady? (T_T) Ano to? 13th century? Kinuha ko sa driver namin yung pinabibigay daw ni Lolo na envelope, pero nung binuksan ko ito eh dalawang credit cards lang ang lumabas, ang laki ng envelope pero dalawang maliliit na card lang ang laman.

"Thank you." sabi ko doon sa driver at umalis na siya

"Good morning Lady Stephanie!" (T_T) sabay-sabay na bati ng mga trabahante sa condo, dahil nga sa Lolo ko pa rin ang may-ari ng building na to kaya masyado akong nakakatanggap ng warm welcome sa tuwing pumapasok ako.

"Morning." sabi ko na lang at sumakay na sa elevator

At saktong pagdating ko dun sa condo ko ay nakita ko agad ang pagmumukha ni Reash at Kara na kumakain pa ng popcorn habang nanonood ng movie sa 70 inches kong TV. Alam nila ang password ng condo ko kaya kahit kailan pwede silang makapasok, kaya kung mananakawan man ako sila ang una kong ipapakukulong.

"Reashelle! Pick that up, wag ka ngang parang aso kung kumain." sigaw ko kay Reash dahil sa ang dami niyang kalat na popcorn sa paligid niya.

"Hindi mo naman na kailangang sabihan ako dahil pupulutin ko naman talaga yun Steph, masyado ka lang talagang over sa kalinisan." di ko na siya pinansin at nilinis na lang yung oven ko na pinagputukan nila ng popcorn.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon