Chapter 12 =Adventure Time With The DJ=

1.6K 25 1
                                    

Steph's Point of View

"Hi Steph."

"Hi Stephanie."

Paulit-ulit na ganyan ang naririnig ko buong araw ngayon, mag-isa akong naglalakad sa hallway habang hawak hawak ang iphone ko sa isang kamay at malikot na gumagalaw ang mga mata ko sa paligid dahil sa mga matang nakatingin saakin.

Wala si Kara at Reashelle ngayon dahil nasa isang marriage interview na naman si Kara dahil sumablay ata yung last which I may say is mabuti na lang at si Reash naman ay sumama sa kapatid niyang may field trip sa England, dahil sa bata pa yun kaya kailangan niyang samahan dahil sa busy ang Mama niya sa trabaho.

I guess hindi pa rin sanay ang lahat ng tao sa school na to na ako ang apo ng may-ari ng school, kaya sobrang naiilang ako sa mga tingin nila.

Naglakad ako papunta sa greenhouse ng MBU, gusto kong mapag-isa.

"You're so funny babe!"

"You're so hot!"

O.O

Napalingon ako sa gilid ko dahil sa may bench doon at nagkatagpo ang mga mata namin ni Dane, he is with three girls at naglalandian sila sa school ko.  -.- Oo, inaangkin ko na ngayon ang school na to.

Napatitig siya sakin pero iniwas ko ang mata ko at naglakad na lang papunta sa green house at umupo sa bench sa harap ng fountain tsaka nilabas yung apple ipad ko tsaka ako naglaro ng tetris.

I guess hindi na ako dapat magulat diba? Dahil babaero naman siya, at misyon niya ang akitin ang lahat ng babae sa buong mundong ito at ang saktan sila.

But he kissed me... yeah

I remembered, lagi na lang akong hinahalikan ng lalaking yun.  How does he do that? How does he do that so good that I always get lost? Arrrggh paki ko ba kasi sa lalaking yun?

Nilabas ko na lang yung mga libro sa bag ko pati na din yung laptop ko since masyadong updated ang MBU kaya pasosyal na lang kami dahil required kang may laptop para makapag-aral ka dito.

"Hey."

O_O

Nagulat ako kasi biglang umupo sa tabi ko si Dane tsaka siya ngumiti at binati ako, pero natulala na naman ako kasi napansin kong may konting dimples siya.

"Mesmerize?"

-.-

Umiwas ako ng tingin....

"Ang kapal mo." sabi ko na lang tsaka pinagpatuloy yung pagta-type ko sa laptop ko at inignore na lang siya, but still I can smell his manly scent, masyado siyang mabango para hindi ko pansinin.

"Alam mo bang bawal ang studyante dito sa green house ngayon dahil sa walang guard na nagbabantay?" -.- seriously?

"Eh alam mo naman bang bawal pumunta ang mga engineering students dito sa building namin para lang makipagtukaan, at alam kong nagka-cutting classes ka lang." natawa siya sa sinabi ko, pero nakatutok pa rin ang mga mata ko sa laptop.

"Iisipin ko na lang na nagseselos ka."

×.× -.- kapal talaga eh noh

"Isipin mo na lang din na hindi kita isusumbong dahil isusumbong talaga kita." sabi ko at lumingon ako sakanya pero >.< wrong timing rin kasi saktong paglingon ko ay ang lapit lapit na nung mukha ko sakanya, naka-smirk lang siya kaya umiwas agad ako ng tingin.

Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon