Prologue

7.8K 96 17
                                    

Prologue

"Bilisan n'yo manganganak na ako!" sigaw ni Mrs. Stella Manila. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan, tipong sinasalo ang baby kasi baka malaglag. Bukakang-bukaka pa siya. Buti na lang at mahaba ang hospital gown na suot niya kaya takip pa rin ang kanyang kababaihan. Todo hihip naman siya.

May adrenaline rush ang mga nurse sa pagtulak sa kanyang emergency bed. Bawat kanto ng kama niya ay may nurse na nagtutulak.

Nakikitulak din ang kanyang mister na si Mr. Gilbert Manila, "Stella, relax lang, malapit na tayo."

"Anong sinasabi mong relax? Kagagawan mo 'tong lalake ka. Damn you!" sigaw ni Mrs. Manila pagkatapos ay humihip ulit.

Tuluyan nang naipasok si Mrs. Manila sa Delivery Room. Kasama niya ang mga nurse. Pero si Mr. Manila ay naiwan sa labas. Napatukod na lang siya sa tuhod niya, hingal na hingal. Sa bilis ba naman ng takbo niya kasabay ang mga nurse, madala lang agad-agad ang asawa niya sa Delivery Room.

"Aaaaahhh!!!" palarat ni Mrs. Manila.

Biglang napatayo tuloy nang deretso si Mr. Manila. "Stella? Are you okay? Anong ginagawa nila sa'yo?" Akmang papasok siya sa Delivery Room.

Humarang kay Mr. Manila ang isang nurse na lumabas galing sa Delivery Room. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat. May kung anong ibinubulong ito sa tainga niya. Marahan siyang itinutulak nito para maupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa gilid. Wala siyang nagawa kahit silipin man lang ang kanyang misis.

"Aaaaahhh!!!" sigaw na naman ni Mrs. Manila.

Tumayo na naman si Mr. Manila. Humaharang ang nurse sa may pintuan ng Delivery Room para hindi siya makapasok sa loob nito. "Sisilipin ko lang ang asawa ko. Hindi ako papasok, promise," pagmamakaawa niya sa nurse.

Umiiling lang ang nurse sa kanya para sabihing hindi pwede. Pabalik-balik, paikut-ikot siyang naglalakad sa may pintuan. Hindi mapakali.

Samantalang sa loob naman, todo iri si Mrs. Manila. Maya't maya siyang humihihip tapos iiri ulit.

"Malapit na. Konting iri pa," sabi ng hot na midwife.

Bumanat na naman ng iri si Mrs. Manila. May tig-isa pang nurse na nakahawak sa magkabila niyang kamay, mapakalma lang siya.

"Ayan na. Isa pa," sabi na naman ng hot na midwife.

"Uwaaaaaahhhh!!!!" Nakalabas na ang baby sa wakas.

Nawalan ng malay si Mrs. Manila. Nakabitaw siya sa pagkakahawak niya sa dalawang nurse.

Karga-karga ng hot na midwife ang baby na duguan pa at mahaba pa ang pusod. Binalutan niya ito ng white cloth. Kung sobrang nakapikit ang mata nito ay siya namang bukang-buka ng bunganga nito kakaiyak.

"Ssssshhh.." Pinatatanahan ng hot na midwife ang baby, hinehele. Napatahan niya nga ito.

Ngumiti ang baby at HIMALANG tumingin at nakikita ang hot na midwife na may karga sa kanya. Nagbigay pa siya ng isang kindat sa midwife.

"Your daughter.. Your daughter is a baby GAY," biglang sabi ng hot na midwife.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon