Almira Jhaztine P. Melencio..
a second year student taking up Bachelor of Business Administration sa isang states University sa kanilang lungsod..Almira was a tame and shy type girl..
Hindi sya maganda at hindi rin naman sya matatawag na panget sa sout na makapal netong salamin..
marahil din siguro dahil hindi naman sya pala ayos katulad ng iilang koliheyala sa kanilang campus na kontodo make up at maiksi kung magsout ng uniporme..Subsub si Almira sa kanyang pag aaral dahil gusto nyang tularan ang kanyang nakakatandang kapatid na kakatapos lang sa pag aaral at ngayun ay kasisimula pa lang ng trabaho..
Masasalamin ang iilang tagiyawat na tumubo sa mukha ni Almira dala ng puyat sa kakasunog ng kilay sa pag aaral..
Medyo nerd syang tignan kung tawagin ngunit di naman sya nabubully sa school dahil mabait at matalino sa klase ang dalaga..Nagpa part time job si Almira sa isang cafe shop bilang kahera malapit sa unibersidad na kanyang pinapasukan..
labag man sa kagustuhan ng kanilang magulang na sya ay magtrabaho ay napilit nya ang mga ito dahil nais ng dalaga ang makatulong sa gastusin ng kanyang pag aaral..Pangalawang linggo mula ng mag umpisa si Almira sa kanyang trabaho..
mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabe ang pasok ni Almira kaya minsan ay ginagabe na syang makauwe sa kanilang baryo na isang oras din ang kanyang binabyahe..Malakas ang ulan ng gabeng yun na pauwe na ang dalaga..
kung kaya ay nagpatila muna si Almira sa loob ng cafe shop.."jusko po..makikipagsiksikan na naman ako neto sa jeep pauwe!"
naiinis na tugon ni Almira sa sarili.."hi! ikaw ba yung bagong staff ng cafe shop?"
nakangiting bati sa kanya ng isang magandang dalaga na sa tantya niya ay matanda ito sa kanya ng bahagya.."opo ate..ako nga po.."
magalang nyang tugon deto.."grabe ka naman maka po..Claire na lang.."
"hello Claire..Almira nga pala.."
nakangiti syang tugon sa dalaga.."ang lakas ng ulan anu?"
pansin ni Claire sa malakas na buhos ng ulan.."oo nga eh..di tuloy ako makauwe..
siksikan pa naman sa jeep pag ganto ang panahon.."Napatingun na nagtataka si Clair sa sinabi ng dalaga...
"baket?san kaba umuuwe?"
"sa baryo pa ako umuuwe Claire.."
"hala!? ang layo naman..tantya ko mga kulang kulang dalawang oras ang byahe magmula dito at papunta dun.."
"tama ka..teka panu mo naman nalaman yun?
nakapunta kana ba sa lugar namen?"
usisa ni Almira.."minsan nung inaya kame ng kakilala ng kaibigan ko at magdamag kameng uminom ng lambanog dun.."
natatawang kwento ni Claire..Pinagmasdan ni Almira ang bagong kakilala..
maganda..maputi..makulureti..at sadyang hindi ibinutones ang bandang itaas ng uniporme neto upang mapansin ang cleavage neto..
at sa hula nya ay mahilig ito sa gimikan.."alam mo mukhang hindi titila ang ulan..
kung gusto mo sa bahay ka na lang magpalipas ng gabe..
siguro naman abot ang signal sa baryo nyo para ipaalam sa inyo na samen ka magpapalipas ng gabe.."
aya ni Claire kay Almira..Nahikayat naman si Almira sa suhesyon ng dalaga..
at sa totoo lang ay gusto na nya talagang makauwe dahil may exam sila bukas at kailangan pa nyang mag aral ng leksyon.."hindi ba nakakahiya sa inyo..?"
pag alinlangan ni Almira.."naku hindi..tara na..kesa maabutan pa tayo ng malalim ng gabe dito..
kasi sa tingin ko matatagalan pa ang pagtila ng ulan..""o-okay sige.."
Pumara ng taxi si Claire upang maghatid sa kanila sa tinutuluyan ng dalaga..
Ilang minuto lang ay narating na nila ang tirahan ni Clair..
Isang di kalahing bahay ngunit maayos naman..
may isang kuwarto at sariling banyo sa loob ng bahay..
kasya lang ito sa isa o pandalawahang tao.."Almira..malinis ang mga ito magpalit kana basang basa yang damet mo baka matutuyan ka at magkasaket..
sa kaliwa ang banyo..magbuhos kana din. "
pag aalala ni Claire kay Almira.."salamat Claire.."
at nagtungo nga si Almira sa tinuro ng dalaga..Pagkalabas ni Almira sa banyo ay naabutan nya si Claire na parang may tinitimpla sa dalawang tasa..
"halika dito Almira magkape muna tayo pampabawas ng lamig.."
Lumapit naman si Almira sa lamesita at nalanghap ang mainet na kape na tinimpla ng dalaga..
Dahan dahan nyang hinigop ang mainet na kape at kahit panu ay nakabawas naman ito sa kanyang lamig na nararamdaman dulot ng malamig na panahon...
"may iba ka pa bang kasama dito?"
tanung di Almira.."baket may nakikita ka bang iba naten kasama dito?"
may takot na bumakas sa mukha ni Claire.."wala naman.."
simple nyang sagot.."kala ko may nakikita kang multo o may third eye kana.."
sabay hawak sa dibdib ni Claire..Natatawa si Almira sa tinuran ni Claire at nakitawa na rin ang dalaga..
"ako lang mag isa dito..pero kung gusto mo dito ka na rin tumira para di kana malayuan sa byahe pauwe sa inyo..maghati na lang tayo sa ilaw at tubig..di naman ganun kalaki ang binabayaran ko eh.."
Napaisip si Almira sa suhesyon ng dalaga at magustuhan nya ito para naman malapit na sya sa kanyang trabaho at sa pinapasukang unubersidad bukod pa doon ay di na sya kailangan pang makipagsiksikan sa jeep..
"parang gusto ko..pero kailangan ko pa din magpaalam sa mga magulang ko.."
"sige..abisuhan mo na lang ako kung papayag sila.."
nakangiti si Claire sa kanya..Magaan ang loob ni Almira kay Claire..
mukhang mabait naman ang dalaga at sa tingin nya ay magkakasundo naman sila..
Napag alaman pa nya na palabiro at kalog pala ang bagong kilala na sa tingin nya ay magiging matalik nya itong kaibigan..Hanggang sa higaan ay walang humpay ang kanilang kwentuhan...
hanggang sa umabot ang kanilang kwentuhan sa isang lalaki na hinahangaan ni Claire..Kinikilig pang nagkukwento si Claire sa lalaking kanyang "crush"kung kanyang inilalarawan..
Ayun sa kwento ni Claire..
bagong salta lang daw ito sa lungsod dahil enhenyero daw ito sa bagong gawang gusali na itinatayo..Isang dayuhan daw ito..
gwapo..mala adonis ang pangangatawan at higit sa lahat ay mamayaman..tuwing umaga daw ito kung magkape sa cafe shop nila at sya lage ang nagseserve dito dahil mabait at friendly daw ang lalaki..
Habang nagkukwento si Claire ay naiintriga naman ni Almira sa lalaking kinukwento ng dalaga..
At ang mas nakakapagtaka ay kung bait biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng binanggit ni Claire ang pangalan ng lalaki na sa pagkakaalam nya ay Kendrick...
BINABASA MO ANG
Almira's 18th Gift
Romansa"So matapang kana ngayun Almira!?" sarkastik na sabi ni Kendrick Nakadama man ng kunting kaba si Almira sa lalaki ngunit nilakasan nya ang loob para komprontahin ito.. "kung galet ka saken sabihin mo para malaman ko! kung may gusto kang gawin ko sab...