WTWTTS - 8

145 8 0
                                    

THE PAINTING.

“Ay, Zetty, may nag-iwan nga pala nito kanina habang nandoon kayo sa dagat.”

Kararating lang namin at kabababa ng kotse galing sa Northwind Beach Resort nang nilapitan ako ng kapitbahay nina Lolo na si Tita Neneng. Kasama niya ‘yong anak niyang lalaki na may dala-dalang parang plywood ang nipis at kasing laki lang parang normal na picture frame na usually isinasabit sa dingding pero nakabalot. Sinenyasan niya ‘yong anak niya na ibigay sa akin kung ano man ‘yong bitbit nito.

“Kanino po galing, Tita Neneng?” tanong ko pa. Wala naman akong inaasahan na package or something. I don’t even know what this is.

“Ano ‘yan, Ate Zet?” tanong ni Krezian. Mukhang nakiusyoso na rin ang mga pinsan ko.

“Walang sinabing pangalan, e. Ang sabi lang kaibigan mo raw siya. Ipinapabigay lang ‘to.”

“Sa loob mo na lang buksan ‘yan, Zetty. Kailangan n’yo pang magbanlaw at magbihis,” sabi ni Lola kaya hindi namin tuluyang nabuksan kung ano man ‘yon. Pinabuhat na lang ni Lola kay Justine ‘yon at nagpasalamat kami kay Tita Neneng at sa anak niya sa pagdadala no’n.

Kahit na nakabihis na ako ng damit kanina pa lang sa dagat, pinagbanlaw at pinagbihis ulit kami ni Lola para diretso na lang daw kaming matutulog mamaya pagkatapos ng hapunan. Hanggang ngayon talaga, alagang-alaga pa rin kami ni Lola.

Madalian lang akong naligo at nagbihis. Na-curious din kasi ako kung anong laman no’ng pinabigay sa akin nang hindi ko kilalang tao. Kung sino man ‘yon, paniguradong makikilala ko rin naman siya. I also have a hunch na parang picture frame ang pinadala dahil sa size nito.

Pero pagkababa ko pa lang ng hagdan, nakita ko nang pinagkaguluhan na ng mga pinsan ko ‘yong pinaabot ni Tita Neneng kanina. Napakamot na lang ako sa batok ko at napabuntonghininga. Ano pa nga bang magagawa ko? Walang hiya talaga.

“Masiyadong na-excite ang mga pinsan mo para buksan ‘yong regalo,” agad na sabi ni Lola sa akin nang tuluyan akong makarating sa salas. Napabuntonghininga na lang ako at nagkibit-balikat. Ano pa nga bang magagawa ko, e, mga bata lang ‘tong mga pinsan ko?

“Ate Zet, ikaw ‘yong nasa painting. Ikaw ba nag-paint nito?” tanong ni Krezian nang iharap niya sa akin ‘yong nabuksan ng regalo.

What the hell. Unang tingin pa lang sa painting, alam ko na kung kanino galing.

Ito ‘yong painting na ipinakita sa akin ni Therese nang pumunta ako sa bahay nila para um-attend ng seventeenth birthday nila ng kaniyang kakambal. Ito ‘yong hawak ko nang bigla niya akong halikan. Paano ko nga makakalimutan ‘yang painting na ‘yan, e, naging saksi 'yan nang gabing iyon.

Huminga akong malalim at pilit na ngumiti. Nilapitan ko ang painting at ini-angat ito para mapagmasdan ng mabuti.

“Ang ganda ng painting, apo. Ikaw ba gumawa?”

Naputol ang pagkakatitig ko sa painting nang tapikin ni Lola ang balikat ko. Napalingon ako sa kaniya at muling tipid na ngumiti.

“Oo nga, Zetty. Bumalik ka na pala sa pagpipinta?”

Natoon ang atensiyon ko kay Lolo na galing kusina at may hawak pang isang basong tubig.

“Hindi pa po ako nakakabalik sa pagpipinta, La, Lo. Gawa po ‘to ng kaibigan ko, ibinigay lang sa akin,” pagdadahilan ko.

“Ate, may kasamang envelope.”

Kinuha ko ‘yong ini-angat na envelope ni Justine. Hindi ko binuksan. Ayoko lang na may makabasa na iba. Natatakot akong baka malaman ng iba kung ano man ‘yong nakasulat sa sulat na iyon. Itong painting pa nga lang, kinakabahan na ako.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon