WTWTTS - 43

194 5 0
                                    

THE ALUMNI HOMECOMING.

“Our annulment was granted a month ago.”

“Anong pakialam ko?”

“I just thought you want to know.”

“Para ano pa? Para saan pa?” lumingon ako sa kaniya sa huling pagkakataon at lakas-loob na binuksan na nang tuluyan ang doorknob.

Luckily, the open space here in the second floor is now currently jampacked with people kaya wala masiyadong nakapansin sa dire-diretsong lakad ko. Except na lang sa iilang staff ni Mayor. Sinabi ko na lang na kailangan kong umalis para um-attend sa reunion ng batch namin na saktong ngayong araw din.

“Zetty!”

Pero bago pa man ako tuluyang makapunta kung saan naka-park ang kotseng gamit ko, napigilan na ako ng isang tawag ng pangalan ko. Mahigpit kong hinawakan ang susi ng kotse at lumingon sa kaniya nang nakangiti na.

“K-kiara…”

She also smile at me pero hindi ito nakaabot sa kaniyang mata. She was known for that smile of her, ‘yong palaging umaabot sa mata. ‘Yon ‘yong mga tipo ni Einny, e, kaya siguro siya ang pinakasalan.

“Have you two talked?”

“Wala na kaming kailangang pag-usapan, Kiara. I’m sorry, but I really need to go. My batchmates are expecting me.”

Muli akong ngumiti sa kaniya at tuluyan na siyang tinalikuran. Pumasok ako sa kotse at na-pressure agad na paandarin ito at humarurot nang makitang nakatingin pa rin sa kotse ko si Kiara. Mas lalo lang tumaas din ang pressure nang makita ko na si Tonton na palabas na ng entrance ng city hall.

Mabilis akong umalis, papunta sa direksiyon ng venue ng reunion namin pero bago pa man ako tuluyang makarating, lumiko na ako para pumunta sa ibang lugar.

Pero hindi ko alam kung saan ako papunta kaya nag-pull over ako sa isang tabi at ibinaon ang mukha ko sa steering wheel.

Hanggang ngayon, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Gusto kong kumalma pero kapag naaalala ko ang nangyari kanina, muli na namang tumitibok ng mabilis ang puso kong salawahan.

Damn it, salawahan, my ass.

“Putakte ka naman kasi, Zettiana! Akala ko ba gusto mong makipag-usap sa kaniya?” sigaw ko sa sarili ko habang nakabaon pa rin ang mukha sa steering wheel.

Hanggang ang frustrations ko sa sarili ay unti-unting nailabas sa pamamagitan ng luha.

Oo, gusto kong makipag-usap sa kaniya pero hindi sa ganitong paraan! Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya.

I stayed there for a couple of minutes, until my heart’s content with my calmness. Nakahinto ang kotse sa gilid ng daan, nakaupo lang ako sa driver’s side, nakahawak sa steering wheel, at nakatitig lang sa gauge na nasa harapan ko. Tumigil na sa pagtulo ang luha ko at kahit papaano ay kumakalma na ako.

Muli kong binalikan ang sinabi niya kanina.

Therese and him broke up? Annulled na? Why?

Ang tanga mo, Zettiana! Kung nag-stay ka lang, edi malalaman mo kung bakit sila naghiwalay! Sobrang tanga! Sukdulan ang pagiging tanga!

Pero tanga ba ako kung iniisip ko lang ang sarili ko? Na kaya mas pinili kong umalis para isalba ang sarili ko sa kung anong sakit man ang muling matanggap ko mula sa kaniya? Tanga pa ba ako?

Humigpit ang hawak ko sa manibela nang magsimulang manggilid ang luha ko.

In these past years, he taught me how to take a risk. Risk on experiencing new adventures. Risk on tasting new adventures. Risk on being happy without thinking what other’s might say. Risk on being you. I learned to risk everything I could risk because of him.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon