THE HIKING.
“A-attend naman kayo sa birthday ni Decart Lizares, ‘di ba?” tanong ko pa nang makasakay na kami sa kotseng minamaneho no’ng boyfriend daw ni Therence.
Ebarg talaga mag-boyfriend ‘tong si Therence, iba-iba man pero lahat mayayaman talaga.
“Yep, pero gabi pa kami pupunta since gabi kami in-invite ng mga Lizares,” sagot ni Therence.
What? Ha, teka?
Gusto kong mag-protesta at hindi na sana ako sasama pero… ewan! Ewan talaga! Sana nga bumaba kami before ang lunch time. Malilintikan talaga ako ng mga batang hamog ng simbang gabi.
Umakyat nga kami sa Mt. Lunay. G-in-uide ng kambal ‘yong driver, na boyfriend ni Therence at nakalimutan ko ang pangalan, papunta sa Brgy. Paitan, since doon ang drop-off point ng mga gustong umakyat ng bundok.
Pagkarating namin sa proper sitio ng Brgy. Paitan, iniwan no’ng boyfriend ni Therence ang kotse niya malapit sa covered court ng barangay.
Naglakad kami papunta sa hagdan na magdadala sa amin sa mismong bundok at sa waiting shed kung saan may naghihintay na staff ng barangay para sa log book. Kailangan kasi ‘yon para ma-monitor kung sino-sino ang mga aakyat ng bundok.
Safe namang umakyat sa bundok at hindi naman siya ‘yong tipong may mga masusukal na daan. Unti-unti na kasi itong d-in-evelop ng city government namin kaya may sementadong hagdan na para sa easy access ng bundok. Sabi ni Lolo, may plano talaga ang LGU ng city namin na gawing tourist destination ang bundok. Uunti-untiin lang daw kasi mahirap daw kapag inisang bagsakan ang development. Marami kasing dapat i-consider sa paligid nito.
Pangalawang beses pa lang akong nakakaakyat sa bundok na ito. ‘Yong unang beses ay ‘yong nasa grade eight pa lang ako, sinama lang ako ni Lolo no’n sa hiking activity nila sa Mt. Lunay kasama ang kasamahan niya sa barangay. Bilib nga ako kay Lolo no’n kasi nagawa niya pang maakyat ang mataas na bundok na ito sa edad niya. Although, yeah, nasa fifties pa lang siya no’ng time na ‘yon. He was an athlete daw kasi kaya niya nakakaya ang mga ganoong klaseng activities.
At ngayon ang pangalawang beses. Dapat ang mga kaibigan ko ang kasama ko sa pangalawang beses na aakyat ako rito. Kaso sa tuwing nagpa-plano, palaging nauudlot, hanggang sa hindi na natuloy at tuluyan nang nakalimutan. Naging drawing na lang talaga lahat.
This mountain is a thirty-minute hike. Pero depende sa bilis mo as a hiker. Minsan umaabot ng isang oras pero kung wala namang ibang sagabal, like pahinga or mahabang pahinga, aabot ka agad sa tuktok sa loob lang ng trenta minutos.
Katulad ngayon, mukhang hindi lang isang oras ang hiking hours namin, mukhang aabot pa ng dalawang oras dahil maya’t-maya silang nagpapahinga, nagpi-picture, at kung ano-ano pang alibi para lang makapaghinga at matigil sa pag-akyat nang panandalian.
Mag-a-alas otso na pero nasa gitna pa lang kami. Kasalukuyan silang nakatigil, nakaupo sa sementadong hagdan at umiinom ng tubig, nagpi-picture taking ng paligid, at tahimik.
“First time n’yo bang umakyat dito?” tanong ko kay Therese nang magpahinga kami. Busy ‘yong dalawang kasamahan namin kaya kinausap ko na lang muna si Therese.
“Mm-Hmm. Ikaw ba?” tanong niya rin sa akin habang nilalaro ‘yong ligaw na damo sa gilid ng hagdan.
“Second,” sabi ko sabay pakita ng dalawang daliri ko.
“Sinong kasama mo no’ng una kang umakyat dito?”
“Lolo.”
“Kayong dalawa lang ba?”
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Ficción GeneralZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?