THE PUSIT.
Justine, my cousin, confirmed it. He said na nasabi nga sa kaniya ni Sonny ang tungkol sa kasalan. At nasa ibang bansa nga sila ngayon para raw sa kasal.
Ang dami palang alam ng bugok, ngayon pa nagsalita kung saan para na silang mga timang na nag-uusap-usap tungkol sa usaping iyon.
I want them to stop talking about it. I want them to shut their mouths and just move on with a different topic. Ayokong marinig ang tungkol doon. Hindi ko pa kayang i-digest sa utak ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng sistema ko.
“Grabe talaga itong si Tonton, ‘no? Sinulot ang kambal.”
“Isang Lizares ‘yan. What’s new?”
“Nakakagulat lang kasi. Babae pala itong si Therese at pumapatol sa lalaki. Akala ko pa naman tomboy talaga. Mukhang bumigay kay Tonton.”
“Sino ba naman kasing hindi bibigay sa isang Lizares?”
“Ayan si Tonette.”
“Shut up, Kuya!”
Just please… stop!
“Okay ka lang?” tanong ni Nicho sa akin habang abala pa rin sa pag-uusap.
Ngumiti ako sa kaniya at sunod-sunod na tumango. “Oo naman. Bakit naman hindi?”
Inatupag ko ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Magpa-Pasko na, walang room para magmukmok sa balitang narinig. Walang hiyang iyan.
It took them an hour before they changed the topic. Saka lang din sila nag-change ng topic ‘yong malapit na ring magsi-uwian. So, basically, halos tungkol lang sa usaping iyon ang naging usapan nila.
Kanina pang masikip ang dibdib ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Gustong-gusto ko na lang munang umuwi at i-sink in sa utak ko ang nalamang balita.
Kaniya-kaniyang uwi kami after that breakfast. Hindi na rin nawala ang picture taking. Pero walang-wala na talaga ang gana ko. Hindi na mahagilap pa.
Pagkauwi sa bahay, akala ko maso-solo ko na ang sarili ko. Pero hindi pa pala. Naging okupado at abala rin ako para sa preparasyon ng Pasko. May mga handaan kasing naganap, isang Christmas party sa mga tauhan ni Tito Jose. To busy myself, tumulong ako at nakipaghalubilo na rin sa ibang tao.
Buong araw akong naging busy. Pagdating din ng gabi, preparation naman para Noche Buena. Dito rin kasi magpa-Pasko sina Tita Annellia and family. Nakipag-video call kami kay Mama during Noche Buena. Nag-exchange gift din kami. Nagbigayan na rin ng regalo. Lalo na si Lolo at Lola na sobrang galante yata ngayong taon kasi ang daming ibinigay sa aming mga apo nila. May picture-an ding naganap, mawawala pa ba iyon?
Sobrang bongga lang ng gift ko ngayon kasi ang cell phone na ibinigay sa akin ay ‘yong latest release ng iPhone. Sobrang mahal nito at sobrang appreciated ko ang ibinigay nilang ito. Sobrang tuwa ko rin. Sino bang hindi? Ang sabi rin nila ay nag-ambagan daw silang lahat para mabili ang cell phone na ito. Mahal ito. Kung Osmeña ako, ma-a-afford ko ito pero simpleng tao lang kami at hindi namin basta-bastang ma-a-afford ito kaya sobrang nakakatuwang nag-ambagan sina Mama, Lolo, Lola, mga Tito, at Tita ko para lang mabigyan ako ng ganitong klaseng cell phone. Okay na nga sana ako sa android phone lang, e. Kailangan talaga iPhone?
Sabagay, iPhone nga rin pala ‘yong ninakaw na cell phone ko. Sobrang tanga talaga, Zettiana.
Pero pagkabigay sa akin ng iPhone na iyon, sinamahan pa nila ng kaonting sermon. Sana naman daw ay aalagaan ko na ito kasi alam kong mahal daw. Aba, siyempre. Aalagaan ko talaga ito.
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Fiksi UmumZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?