THE FIESTA.
“Therese Lizares!”
Nawala na ang ngiti ko nang bigla siyang magpakita at mapunta sa kaniya ang atensiyon ng lahat.
“Hoy, hiwalay na sila. Balik na sa Ponsica ang apelyido niya.”
“Ay, oo nga pala! Therese Ponsica!”
Nagpapasalamat na lang ako na agad din siyang na-occupy sa mga kakilala niya sa batch kaya umalis muna ako sa tumpokan para balikan ang table naming magkakaibigan. Hinigit kasi ako ng mga iyon para maki-join sa kanila sandali.
“Akala ko ba hindi pupunta? Bakit biglang nagpakita?” narinig kong tanong ni Hugo kay Ada nang makarating ako sa table namin.
“Akala ko nga rin, e. She already declined the invitation. Siguro napilit ng mga malalapit niyang kaibigan sa batch natin.”
Tinanggap ko ang inabot na Red Horse ni Nicho sa akin at tahimik lang na nagpasalamat sa kaniya. Diniretso kong tungga ang alak. Ewan kung pang-ilang bote ko na sa gabing ito. Siguro naka-isang kaha na ako. Ramdam ko na ang tama pero hindi naman talaga totally lasing. I can think straightly pa naman. Thanks to now and then dancing, nahihimasmasan ako kahit papaano.
Pero simula nang dumating si Therese sa reunion na ito, naging tahimik na ako. Sumasagot naman ako sa mga tanong at pagbati ng iba pero ramdam na ramdam ko ang pagiging tahimik. Parang nanumbalik din sa akin ang mga sinabi ni Tonton kaninang hapon. Parang ngayon lang totally nag-sink in sa utak ko.
He married Therese because of Therence’s dying wish. Pero kailangan ba talagang matupad ang hiling ng isang taong nasa bingit ng kamatayan? Can he just ditch it? Can’t he just make it come true? Patay na rin naman noon si Therence bakit kailangan niya pang tuparin ang hiling niyang iyon?
Papa’s dying wish nga ay ang makita ako before siyang sumakabilang-buhay, but it didn’t happen. Isang taon pa ang nakalipas bago ko tuluyang nalaman ang tungkol sa kaniya. But he was long gone.
Wala namang ibang nangyari no’ng hindi matupad ang wish ni Papa. Kaya bakit kailangang unahin ni Tonton ang nararamdaman ng kaibigan niya kaysa sa akin? Mas matimbang ba talaga siya kaysa sa akin? Akala ko ba mahal niya ako. Bakit ganoon?
Kahit nalaman ko ngayon na tuluyan nang nawalan ng bisa ang kasal nila, it didn’t change the fact na pinakasalan niya pa rin ito at mayroon silang anak.
Maingay ang nasa paligid ko. Abala sa usapan na ilang taon ding hindi nangyari. The music is also booming in the background. Pero parang ang tahimik ng mundo ko habang nakatitig lang sa hawak kong bote ng Red Horse. Para akong nabingi at ang tanging narinig ay ang tumatambol kong puso.
“Ano ba ‘yan, Ada! Bakit ang lungkot ng kanta!”
“Ang sakit naman n’yan!”
Pero parang on cue, nang marinig ang music mula sa background, tuluyang bumagsak ang luha ko. Sunod-sunod na parang ayaw pahinto. Hinayaan ko ang sarili kong lunurin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko sa loob ng limang taon.
Unti-unting nagkakaroon ng kasagutan ang mga tanong ko pero bakit hindi man lang nabago ang nararamdaman ko ngayon? Mas lalo akong nasaktan. Mas lalo akong nabigatan sa intensidad ng mga nalaman.
I was invincible for years. I shielded my feelings from the prying eyes of people, from the prying eyes of the people who are close to me. Ayoko silang mag-aalala. Ayokong tingnan nila ako ng isang nakakaawang tingin dahil iniwan ako ng taong mahal ko. Kaya ayokong sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Tonton. Ayokong isipin nila na lugmok ako dahil lang sa isang taon. Umiiwas ako sa mga pagkakataon kung saan mas lalo akong nalulugmok sa kalungkutan. Nakatulong ang kalungkutan na iyon sa kung anong mayroon ako ngayon. Pero hindi ko matatakbuhan ang isang katotohanan na nilulugmok na ako ng sarili kong kalungkutan. Sa kaiiwas kong harapin ito, mas lalo lang akong hinahatak paibaba.

BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Ficción GeneralZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?