WTWTTS - 4

190 9 0
                                    

THE HOTDOG ON STICK WITH MARSHMALLOW.


Nang magbakasyon ako sa Canada, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob itanong kay Tita Leceria ang totoo kong nararamdaman. Siguro nga kahibangan ko lang ito dahil ang Mama ko ganito. Siguro nga confuse lang ako sa nararamdaman ko. Ano nga ba ang alam ng isang kinse anyos na katulad ko?

Sinubukan kong kalimutan hanggang sa matapos ang mapayapa kong bakasyon sa Canada.

Pero habang tumatagal ang panahon, mas lalo akong naguguluhan sa sarili kong kasarian. Sinubukan kong magkagusto sa isang lalaki pero wala akong ma-tipohan sa mga kakilala ko, sa mga classmates ko, at mas lalo na sa schoolmates ko. At the end of the day, I always end up looking at some beautiful girls. Is this some kind of influence from my boy friends or kusang loob ko talagang nararamdaman ito?

Para akong bugok, nagagandahan ako sa mga babaeng crush din ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa umabot na ako ng grade ten, naguguluhan pa rin ako sa sariling damdamin. I still love boy’s stuffs, boy’s games, boy’s way of living. Pero nali-less lang ang pagiging showy ko sa mga bagay na ganoon kapag nasa bahay na ako kasi since umalis pa-Canada si Mama, dito na ako tumira kina Lolo at Lola. Natatakot kasi akong mapuna ang mga nakahihiligan kong panlalaki. Kahit na naiintindihan ni Lola si Mama, natatakot pa rin akong mapagalitan.

Ang sabi sa akin ni Lola, unti-unti raw na natatanggap ni Lolo ang situwasiyon ni Mama ngayon with Tita Leceria. Unti-unti na raw bumubukas ang isipan niya sa usaping iyon. Lola, being an educator herself, helped Lolo understand Mama’s real identity. At the end of the day kasi, kahit bali-baligtarin nila ang mundo, anak nila si Mama kaya dapat, ano mang kahinatnan niya, tanggapin nila ito. Gaya na lang kung paano nilang natanggap na magiging broken ang family ng kanilang panganay. Kung paano nilang buong-loob na tinanggap ang responsibilidad sa pagpapalaki sa akin, sa pagtaguyod sa amin ni Mama.

“Oks ka lang?”

Tumingala ako para makita ang pagmumukha ng bugok kong pinsan at sinundan ng tingin ang pag-upo niya sa tabi ko.

“Kailan ba ako hindi naging okay?” umiwas na ako ng tingin sa kaniya nang tuluyan siyang nakaupo. Pareho naming tiningnan ang magulo naming pamilya dahil sa first birthday ng bunso nina Nicho na si Medi.

“Um… since birth?”

“Gago!” Umiwas na lang ako ng tingin at pinagtoonan na lang ng pansin ang mga batang magugulo kaysa pansinin ang bugok kong pinsan. “Sinong mga kaibigan n’yo ni Mad ang pupunta rito mamaya?” tanong ko matapos ang ilang sandaling naging tahimik.

“Ate Zetty, Kuya Nicho, family picture daw.”

Tumayo kaming pareho ni Nicho nang tawagin kami ni Madonna. Sabay na rin kaming naglakad papunta sa spot kung saan magaganap ang family picture naming mga Saratobias.

“Barkada yata ni Madonna. Hindi pa kasi sure sina Yosef. Alam mo naman na may party din sa kanila ngayon.”

“Ah, birthday ng Papa nila ‘di ba?”

“Yep. Sige na, ngiti ka na.”

Hinawakan ni Nicho ang balikat ko at humarap kami sa camera’ng nasa harapan. Kasama ang mga Saratobias, minus the presence of Mama, ay nagsama-sama kami sa iisang picture and of course, nasa gitna ang birthday celebrant na si Medi.

“Sina Pax, anong oras pupunta?”

“Mamayang gabi pa siguro. Hihintayin daw muna nila mag-off si Tito Gil.”

Natapos ang picture taking namin ng pamilya at natapos din ang usapan namin ni Nicho. Pumasok ako sa loob ng bahay nila Nicho para i-check ang cell phone kong ch-in-arge ko muna. Doon ako nag-charge malapit sa outlet ng TV, sa may salas.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon