THE CANADA.
It has been days since I saw what’s inside the box Myx gave me the day we first met. Four days to be exact, pero ang bigat sa puso na naramdaman ko noong mapanood ko ang video na nandoon, nand’yan pa rin, pasan-pasan pa rin ng nasasaktan kong puso.
Huminga akong malalim at pa-simpleng inayos ang sarili ko. Baka makita pa ni Mama kanina na masiyadong mabigat ang awra ko ngayon, magtaka pa.
Humigpit na lang ang hawak ko sa cart kung saan nakalagay ang lahat ng maletang dala ko habang nagtutulak at hinanap kung saan banda naghihintay sina Mama sa arrival area.
Ilang tulak at paglalakad pa ang ginawa ko before kong nakita ang extra’ng paghihintay nila sa akin ngayon. Sinamahan nila ng balloons, banner, at flowers ang paghihintay nila. Hindi tuloy ako nahirapang hanapin pa sila kasi kapansin-pansin naman talaga.
“Mamaaaaaaaaaa!” binitiwan ko na ang cart na tulak-tulak ko at binigyan ng isang extra’ng ngiti at pagbati ang extra’ng pa-welcome moment nila sa akin.
They deserve the extras in life and needed to set aside the painful thinking I’ve been alot these past few days.
“Anak kong magandaaaaaaa!” sigaw din pabalik ni Mama at nabitiwan pa ang banner na hawak niya para salubungin ang nakahanda kong yakap.
Noong summer pa ang last naming pagkikita ng personal. Sobrang saya ko lang ngayon na muli ko siyang nakita. And quite happy na dito ako makakapag-celebrate ng twenty-fourth birthday ko.
“Mama!” may panggigigil na sabi ko habang nakayakap pa rin sa isa’t-isa. “Hi, Tita Leceria!” matapos si Mama, si Tita Leceria naman ang sunod kong binati.
“Welcome to Canada, Zetty,” sabi ni Tita Leceria habang tinutugunan ang pagbati ko.
“Ano? Kumusta ang biyahe? Nakakapagod ba?”
“At nakakagutom.”
Natawa si Mama sa naging sagot ko. Totoo naman kasing nakakagutom. Tiniis ko talagang hindi kumain sa eroplano kanina no’ng sinabi sa akin ni Mama na marami silang hinanda pagdating ko.
“Aba’y halika na. Nag-aantay na ang pagkain sa iyo.”
Inalalayan ako nina Mama at Tita Leceria palabas ng airport. Tinulungan na rin nila ako sa mga gamit ko. Akala ko silang dalawa lang ang sumundo sa akin, nagsama pala si Tita Leceria ng isa niyang pamangkin para maging driver at para na rin tumulong sa amin sa pagbubuhat ng gamit. He’s name is Genil.
Mas bata nga lang si Genil sa akin ng dalawang taon. Pero habang nilalagay niya ang mga gamit sa likuran ng kotse, na tinutulungan ko naman, ay hindi ko napigilan ang i-wrinkle ang ilong ko habang nakatingin sa kaniya.
Nakasimangot ang mukha niya nang maabutan niyang ginagawa ko iyon.
“You want to tell me something?” lakas-loob na tanong niya, mukhang may kasamang pagtataray.
Pinigilan ko ang sariling matawa, umayos ng tayo, at umiwas na rin ng tingin.
“Gay?” tanong ko pa.
He snorted a laugh when I asked him that.
“Tita Carmy’s right, you’re really straightforward.”
Natawa na rin tuloy ako dahil sa sinabi niya. “Nice to meet you, Genil Yanson.”
“You too, Zetty Saratobias.”
Winala ko pansamantala sa sistema ko ang pasan-pasan na bagahe sa buhay. Kahit ngayon lang, hindi ko muna inisip si Papa at Tonton. Kasi paniguradong ‘pag naisip ko sila, walang pag-aalinlangan akong iiyak ngayon sa kinatatayuan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224844943-288-k199415.jpg)
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Fiction généraleZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?