THE DITCHING.
A few minutes after makarating ni Tonton sa table, inihatid na rin ang iilang order na inatupag niya yata kanina sa counter. Agad ko ring nilantakan ang sisig with rice kasi nagutom ako bigla. Sakto rin kasing hindi pa ako nagdi-dinner. Magdi-dinner na sana ako kanina kaso nga kinontak ako no’ng dalawang bugok.
Mukhang tapos na silang mag-dinner kasi pulutan na lang ang pinapapak nila. Ang lalakas talaga ng apog ng tatlong ito, ang lakas uminom kahit nakasuot pa ng school uniform. Sana naman, ‘no, na umuwi muna sila bago sila nag-aya nang ganito. Mabuti na rin na nakapagbihis na ako. Kung may makakakilala man sa akin ngayon, at kung malasing man, at least hindi ko maipapahiya ang school ko.
Busy kaming apat sa first few minutes na nandito ako. Si Yosef ay maya’t-mayang napapatayo para batiin o puntahan ang mga kakilala niyang nasa area lang. Si Nicho naman ay abala sa cell phone niya, mukhang sinasamba na naman ang girlfriend niya. Si Tonton, ewan kung anong ginagawa. Basta ako, busy ako na kumain ng hapunan. Kaso nakakabitin. Sana naman unli rice. Kulang ‘yong isang rice, e.
“Gusto mo pa ng rice?” biglang tanong ni Tonton.
Nakangisi akong lumingon sa kaniya. “Puwede ba?”
“Sure. Ilan?”
“Isa lang. Hindi naman ako ganoon kasiba para dumalawa.”
Ngumisi siya pero agad din namang tumayo para puntahan ang tindahan kung saan siya nag-order nito.
Maya-maya lang din ay bumalik naman siya agad with one platito of rice.
“Thank you. Libre mo raw ‘to?” tanong ko pa habang inaabot ang rice at inilagay agad sa pinggan ko. Isinantabi ko ang platito at muling lumingon sa kaniya para sa sagot.
“Yep. May gusto ka pa ba?”
“Wala na. Okay na ‘to. Salamat.”
Inatupag ko ulit ang pag-kain at hindi muna namansin.
Patapos na ako sa pag-kain nang bumalik na si Yosef sa table. Mukhang tapos nang batiin ang schoolmates niya yata from the other table.
“Ano? Sure na ba ‘yong sa Sabado?” sabi niya pagkaupo sa puwesto niya.
“Anong mayroon sa Sabado?” tanong ko pa, nginunguya ang huling kutsara ng sisig at rice.
Mabuti sinamahan ng tubig ni Tonton ang pagkuha niya ng extra rice kanina kaya nakainom ako. Kung hindi, Red Horse sana ang naging chaser ko sa kanin at sisig.
“Akyat kami ng Lunay. Sama ka? Uuwi ka naman siguro sa Escalante this weekend, ano?”
“Mm-Hmm. Half day lang kasi ako sa Friday kaya uuwi ako after class.”
“’Yon, sakto. Sama ka.”
“Lunay? ‘Wag n’yo nga akong lokohin. Nag-plano rin kayo rati na umakyat ng Lunay pero hindi naman natuloy. Hanggang sa naging drawing na lang ang lahat.”
“Hindi! Sigurado na ‘to ngayon. Kaming tatlo lang naman ang aakyat,” sabi pa ni Yosef.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo, saka ako nagkibit-balikat.
“Subukan ko.”
“Anong susubukan? Nich, isasama mo talaga ‘tong pinsan mo ha?” sabi pa ni Yosef habang nakaturo sa akin.
“Sama ka na. Nakatayo na ngayon ang bagong krus doon.”
Napalingon ako kay Tonton dahil sa sinabi niya. Medyo nag-isip.
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Fiction généraleZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?