WTWTTS - 14

128 7 0
                                    

THE DEBUTANTE.

Our lives continued. Nagtapos kami ng grade eleven at naging grade twelve na kami. Hindi pa man college pero ramdam na namin ang pressure sa pag-aaral. Hooh! Yawa, maka-pressure ang teachers og subject jud!

Hindi nga pala ako nanalo sa mural painting na sinalihan ko last December for the Kasikas event. Pero maraming nakapansin no’n sa gawa ko kasi naka-display naman 'yon hanggang ngayon sa plaza, pero siyempre, hindi ko dinadala hanggang ulo ko. At saka, hindi pa rin ako sumali sa pinta lawas no’ng Manlambus Festival. Hindi ko pa kaya, kulang pa ang experience ko, kaya nanood na lang ako.

I maintained the shortness of my pixie hair cut. Every month ay pinapa-trim ko ito. And I became known because of that. Zetty the pixie dust. Charot.

Kahit nakaka-pressure ang huling taon namin sa high school, para sa akin ito na ang pinaka-inspiring na year ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naging magkaklase kami ni Therese. Kaklase ko pa naman ‘yong mga bugok kong kaibigan at intact pa naman ang barkada pero nadagdag lang talaga si Therese. At imbes si Yosef ang katabi ko for this school year, si Therese na ngayon.

Napuno lang ako ng kantiyaw ng mga kaibigan ko dahil nalaman na nila kung ano talaga ako. Actually, wala na naman talaga akong pakialam sa tungkol doon. Mas mabuti nga ‘yon para less explanation na at wala nang coming out, coming out dramang magaganap. Okay lang naman daw sa kanila. Pero mayroon talagang hindi pa rin makapaniwala. Bahala na sila sa buhay nila kung hindi nila ako matanggap. Hindi naman ako nabuhay para i-please sila.

We survived months of being together. Without clearly saying how we adore each other. Sa kilos namin inilalabas lahat. Just by being there by her side all the time, and vice versa, means a lot to our growing relationship. Basta’t nagkakaintindihan kami ay okay na sa akin. Wala namang naging problema. I didn’t make big deal of her suitors na hindi pa man nagsasalita tungkol sa panliligaw nila ay agad na niyang tini-turn down kasi nga ako talaga ang pinipili niya. O, 'di ba, Zettiana lang malakas, Zettiana lang pinipili.

“Oh, pumunta ka ha? Subukan mong hindi pumunta, makikita mo talaga ang liwanag.”

Inabot ni Ada ang invitation ng kaniyang debut. Natatawa ko namang tinanggap iyon. “Nagbanta pa talaga.”

She moved forward para bigyan naman ang iba ng invitation. Kasisimula pa lang ng school year at sa susunod na linggo na ang debut ni Ada. Five months in the making daw ito. Kaya expect na bongga kasi bukod sa siya ang panganay na anak, siya rin ang panganay na apo na babae, next to Yosef. Kaya pinagmayabang niya sa akin kanina, sa akin lang naman at hindi na namin sh-in-are sa iba, na Lolo raw niya ‘yong gumastos ng debut. Sinabi ko naman sa kaniya na anong Lolo niya ang gagastos, e, bawas ‘yon sa manang matatanggap niya galing sa Lolo at Lola niya. Ayon, binatukan ako bilang sagot.

So, ‘yon na nga, enggrande nga ang magiging debut ni Ada at kailangan ang formality in terms of dress and appearance pero charot-charot lang daw ‘yon, okay lang daw na naka-pants ako pero dapat formal pa rin. So, nag-suit ako na pangbabae.

“Ang ganda nitong invitation ni Ada pero mas maganda ‘yong invitation ng debut namin ni Therence,” biglang sulpot ni Therese sa tabi ko.

Nilingon ko siya at pinagmasdan lang ang pag-upong ginawa niya sa tabi ko. Hindi na pinatulan ang sinabi niya. Malayo pa naman ‘yong birthday nila ni Therence. Mas mauuna pa nga ‘yong birthday ko kaysa sa kanila.

But I guess, girls my age are so eager and excited about this coming of age era nila, kung saan magta-transition sila into womanhood when they turn eighteen. That’s a heck. Hindi naman totoo ‘yan. As if naman magta-transform talaga ang isang babae kapag naging eighteen na siya. Ano ‘yon? Parang isang iglap lang magiging full-ass grown woman na siya? The heck! Ako nga, mag-i-eighteen na pero parang ganoon pa rin, isip-bata pa rin, wala pa ring pakialam sa appearance, except that I’m more conscious now kasi nga Therese is here.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon