THE APARTMENT VISITOR.
Pinaglaruan ko ang tube na lalagyan ng plates ko at napatulala sa isang tanim rito sa open area ng building. Iniisip ‘yong huli naming usapan ni Ada. It was weeks ago pa talaga. Tapos dahil sa usapang iyon, parang bigla ko ring naalala ang mga tingin ni Tonton kay Ada dati, ‘yong mga tingin niyang naaabutan ko.
Sabi na, duda ako sa balbon na ‘yon, e.
Pero kung si Ada ang gusto niya, bakit si Therence ngayon ang girlfriend niya? Ano ‘yon? Anong klaseng palabas ‘yon? Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ni Tonton ang inis na naramdaman noon ni Ada kay Therence dahil sa Jexter na iyon pero bakit biglang ganoon? Ano, trip lang? Walang hiya. Ang sakit sa ulo. Bakit ko ba iniisip ‘yon?
“Zet, ano? One bot daw sa Ramos?”
Nilingon ko ‘yong kaklase kong nagsabi no’n at tumapik ng balikat ko. Itinuro ko sa kaniya ang tube na hawak ko at masama siyang tiningnan.
“’Wag n’yo ‘kong dinedemonyo, ha? Pass muna, monthsary, e.” Tumayo ako at isinukbit ang tube na hawak ko at ang bag.
Umismid ang mukha ni Hansel sa naging sagot ko. “Ilang taon na, nagsi-celebrate pa rin ng monthsary.”
“Mahal, e,” kibit-balikat na sagot ko.
“Daya talaga nitong si Zetty. Sumama ka na sa amin sa susunod ha.”
“Oo nga.”
“Pang-ilang pass mo na ito.”
“’Wag ka nang mag-pass sa susunod.”
“Oo ba!”
Napa-iling na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko pero sinamahan ko na naman sila sa paglalakad palabas ng building at school.
Nagkahiwalay lang kami dahil iba-ibang jeep ang sasakyan namin. Mas naunang sumakay ‘yong mga kaklase ko kaysa sa akin. Pupunta akong La Salle para roon na hintayin si Therese kasi kakain kami sa labas para i-celebrate ang monthsary namin at gagala na rin after like we always do.
Nag-aabang na ako ng jeep papuntang La Salle nang bigla akong my naalala.
Walang hiya ka talaga, Zettiana. Kahit kailan ang tanga mo talaga.
Napasapo ako sa noo ko at imbes na pumara ng jeep papuntang La Salle, nag-taxi na lang ako para kahit papaano ay bumilis ang pagpunta ko. Kahit na bawas na naman sa allowance ko, pagbibigyan ko muna ang sarili kong mag-taxi kaysa naman ma-late ako. She hates late person pa naman.
Pagkasakay ko sa taxi, agad kong sinabi ang address ng apartment. Ang tanga tanga kasi, Zettiana, e.
Ilang minuto lang din naman ay nakarating na ako sa mismong tapat ng gate. Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko nang kunin ang sukli sa pera ko. Sige lang, tres pesos lang naman siguro ‘yong sukli no’n. Tulong ko na lang kay manong driver ‘yon.
May thirty minutes pa naman ako para maghintay sa kaniya at balikan ang naiwan kong regalo sa kaniya pero gaya ng sabi ko kanina, she hates late person, lalo na kapag ganitong klaseng event.
At, oo, alam kong nasa iisang apartment lang kami, puwedeng-puwede kong iwan ang regalo at saka lang ibigay sa kaniya kapag pareho na kaming nakauwi o doon ko na lang ibigay sa kaniya sa apartment pero espesyal kasi ang araw na ito kaya mas maganda kung iaabot ko sa agad sa kaniya the moment na magkita kami. Ang gusto pa naman no’n ay dapat espesyal talaga ang mga araw na katulad nito.
Pagkarating ko sa tapat ng apartment door namin ay napahinto ako nang makitang may extra’ng sapatos na nasa labas. Nakasanayan kasi namin na dapat naka-paa kami o nakasuot no’ng slippers namin na panloob at dapat iiwan ang mga sapatos, sandals, at kung ano pang sapin sa paa kapag papasok sa loob. And that applies to all visitors.
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
Fiksi UmumZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?