WTWTTS - 11

119 8 0
                                    

THE MOTHER’S ADVICE.

Hanggang sa natapos ang misa at muli ko siyang makita nang kausapin ni Tito Jose si Tito Gab ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Gaya ng dati, hindi pa rin kami nag-uusap na dalawa. Ngumingiti naman ako sa kaniya at pinapansin ko naman siya pero kalmado lang ang every response niya. Walang lumalabas na salita, just non-verbal gesture. Para kasi sa akin, hindi siya approachable o baka takot na ako sa kaniya simula no’ng aksidente kong masuntok ang mukha niya? Baka nga. Nakakatakot kasi 'yong naging reaction niya 'yon. Nakakatakot ang mga taong kalmado.

I’m stuck again with nothing while the adults are talking. Hindi kasi sumama sina Justine at Krezian, kahit na sumama sa amin ang parents nila, sa simbang gabi sa araw na ito kaya ako lang ang batang kasama nina Lolo. Gusto ko mang i-excuse ang self ko sa kanila, hindi ko naman magawa kaya naupo na lang muna ako sa malapit na pew habang hinihintay kung kailan sila matatapos.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng simbahan. Simple lang ang Our Lady of Mt. Carmel Parish Church. Hindi siya ‘yong tipong makaluma ang design gaya ng sa ibang lugar. Simple lang, simbahan lang, pero kahit ganoon, ramdam na ramdam mo pa rin ang holiness nito. Hindi ko alam kung anong taon itinayo ang simbahang ito basta ang alam ko, halos yata ng mga important events sa buhay namin at ng pamilya ko when it comes to religious activities ay dito ginanap sa simbahan na ito. Lolo and Lola said na dito raw sila ikinasal. Dito rin nabinyagan ang mga anak nila. Dito ikinasal ang mga anak nila. Dito rin kami bininyagan. Dito rin ginanap ang misa para sa mga namatay nilang relatives, especially Lolo and Lola's youngest.

Huli kong pinasadahan ng tingin ang altar ng simbahan. Napatitig ako sa krus kung saan nakapako si Papa Jesus. It’s made of hardwood and its color is brown. Pero dahil sa ilaw na nakapalibot sa likuran nito, nakita ko nang mas klaro ang mukha ni Papa Jesus. Naramdaman ko ang kapayapaan sa aking puso nang makita ko ang mukha ni Papa Jesus. Everytime talaga na nakikita ko siya sa krus, it always remind me of His sacrifice to us. And I am forever grateful of that.

“About kanina…”

The heck!

Gulat akong napatingin sa kaliwa ko nang biglang may tumabi sa nanahimik kong pag-upo. Diretso lang ang tingin niya sa altar habang ako ay nanigas na yata dahil sa gulat. Nakakagulat naman kasi talaga! Bakit ba bigla na lang sumusulpot ang isang ‘to?

Napalunok ako at inaalala ang una niyang sinabi. Nang makapagbuntonghininga, umiwas ako ng tingin at ngumisi.

“Anong kanina?”

“What you saw.”

Hindi man lang siya lumingon sa akin. Kami ba talaga ang nag-uusap o nangongompisal siya kay Lord? O tingin niya ako si Lord? Hala, grabe siya.

Pero baka si Lord ang kausap niya, in-assume kong ako talaga? Grabe naman kumausap kay Lord 'to, talagang pinaparinig pa sa katabi.

“Secret ba ‘yon? Sige, hindi ko sasabihin sa iba. Pasensiya ka na, nakita ko pa. At saka wala akong nakita kanina.” Sinubukan kong ngumiti sa kaniya pero kinabahan ako bigla baka kung anong sabihin o gawin niya dahil nga nakita ko ang secret niya. Oo, alam kong isolated area ang comfort rooms ng simbahan pero bakit ba kasi roon siya nanigarilyo? Parang kasalanan ko pa tuloy.

“Zetty, apo, halika na.”

Laking pasasalamat ko kay Lord na tinawag na rin ako ni Lola bago pa man siya makasagot sa sinabi ko. Ngumiti ulit ako sa kaniya at tumayo na para puntahan sina Lolo. Narinig ko ring tinawag siya ng parents niya kaya nang paglapit ko sa family ko, nasa side na siya ng family niya na hanggang ngayon ay sinabayan pa rin ng paglalakad palabas ng simbahan ng family ko. Hanggang ngayon ba hindi pa rin tapos ang pag-uusap nila? Ano ba kasi ‘yang pinag-uusapan nila? Puwede maki-join?

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon