WTWTTS - 26

121 5 0
                                    

THE NEW ADVENTURE.


Makalipas ang isang linggo, nandito na kami sa adventure na sinasabi ni Tonton. Dinala niya ako sa Bonista Beach Resort dala-dala ‘yong board for surfing.

Napakamot nga ako sa batok ko no’n nang makita ang boards kasi saan niya gagamitin ‘yon, e, hindi naman malalaki ang alon ng dagat sa city namin. Ang sagot niya lang no’n ay maghintay daw ako kasi malalaman ko rin naman pagkarating sa pupuntahan namin.

Kaya nang makitang low tide ang dagat, mas lalo akong nagtaka. Anong kalokohan ‘to, Tonton Lizares?

Sabay kaming bumaba sa kotse niya. Agad din naman niyang inatupag ang pagkuha ng surfboards at iilang gamit habang ako ay nakatingin lang sa low tide na low tide na dagat.

Kung doon siya mag-s-surfing sa may malalim na part ng dagat, imposible rin kasi hindi naman malalaki ang alon doon. Kalmado pa nga yata ang dagat sa tantiya ko.

“Tonton, bro, welcome!”

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may marinig na binati si Tonton. May isang lalaking balbas sarado ang bumati sa kaniya. Wala siyang damit pang-itaas pero naka-board shorts siya. Tadtad ng iba’t-ibang tattoos ang katawan at braso niya. Nakipag-bro hug siya kay Tonton na malugod namang tinanggap no'ng huli.

“Mabuti nakapunta ka.”

“Oo nga, e. Si Zetty nga pala, Sonette.”

Itinuro ako ni Tonton kaya malawak akong ngumiti nang humarap na ‘yong lalaking iyon sa akin.

“Girlfriend mo?” tanong niya nang i-abot ang kamay ko for shakehands.

Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi, ah. Kaibigan niya lang ako,” agad na pagtanggi ko sa sinabi niya.

“Yeah, hindi. Pinsan siya ni Nicho at siya ‘yong sinasabi kong gustong matuto ng skimboarding.”

“Pinsan ni Nicho?” namanghang tanong niya sa sinabi ni Tonton. “Nicho Vaflor?” Tumango ako sa naging tanong naman niya sa akin. “Nice! Ikaw pala si Zetty Saratobias?”

“Tumpak!” malawak na ngiting sabi ko sa kaniya at dahil sa tuwa, nakipag-manly high five ulit ako sa kaniya. Gusto ko ‘tong lalaking ito, mukhang makakasundo ko ito.

“Nakilala rin kita. Dati naririnig ko lang pangalan mo. Sonette nga pala. Arfien ka ‘di ba?”

“Proud to be,” mayabang pa na sabi ko. "Nice to meet you, Sonette."

Maipagyayabang naman kasi kapag belong kapag nasa Arfien ka. LCC lang sakalam!

“Gusto mo raw matutong mag-skimboard?”

“Oo? Ano nga pala ‘yong skimboarding?”

Mahinang natawa si Sonette nang nakatingin kay Tonton kaya napatingin din tuloy ako kay Tonton na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin.

“Turuan mo na lang, Sonette.”

Mas lalong natawa si Sonette dahil sa parang naiinis na sabi ni Tonton matapos siyang tingnan nito.

“You’re in good hands, Zetty, don’t worry.”

Tumango na lang ako sa sinabi ni Sonette kahit wala naman akong maintindihan. Nagtanong ako kung ano ‘yong skimboarding tapos ganoon ang isasagot sa akin? High ba siya?

Matapos ‘yon ay ipinakilala rin ako ni Sonette sa iba pa nilang kasamahan na nandito. Mix of babae and lalaki ang nandito pero mas marami ang population ng mga lalaki. Pito lang naman silang nandito tapos dumagdag kami ni Tonton kaya siyam na kami. Lahat sila ay naka-board shorts at walang damit pang-itaas. ‘Yong mga babaeng kasama nila ay naka-swimsuit at parang mga girlfriend lang naman no’ng ibang lalaking nandito.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon