WTWTTS - 20

150 5 0
                                    

THE FRUIT SALAD AND THE CHOCOLATE BAR.

Basically, tulala lang ako sa buong paglilibot namin sa cemetery. Parang pinandigan ko talaga ang pagiging kaluluwang naglilibot sa loob ng sementeryo.

May mga kakilala kaming nakita pero hindi namin masiyadong nakita ang mga Osmeña rito sa loob ng private cemetery ng city. Wala naman kasi silang close relative na namatay na puwedeng tambayan dito. Nagsindi lang sila ng kandila pero paniguradong nandoon silang lahat ngayon sa Osmeña mansion, doon nagtipon-tipon.

Nakita rin namin ang iilang miyembro ng mga batang hamog ng simbang gabi. Usapan lang naman ang ginawa namin at kaonting picture-an. Walang-wala na ako sa mood. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero nawawalan talaga ako ng gana. I’m lucky enough na dahil sa dami namin ngayon sa circle namin, hindi pa nila napapansin ang pagkawala ng gana ko sa lahat.

Gusto kong maging attentive sa conversation ng grupo pero lumilipad ang utak ko papunta kay Therese. Alam na alam ko sa sarili kong mahal ko talaga si Therese kasi hindi ako mag-iisip nang ganito. Hindi ako magiging distracted nang ganito kung hindi. Hindi ako makakaramdam ng ganitong klaseng sakit kung hindi. Hindi ako makakaramdam ng doubts and fears kung hindi.

I took the risk and conquered the judgmental eyes of other people just to be with her. Pinili kong hindi pakinggan ang pangungutyang ginagawa nila behind my back just to be with her. Kasi alam ko sa sarili kong mas mananaig pa rin ang pagmamahal gaya kina Mama at Tita Leceria. Love wins, sabi nga nila.

Pero valid ba ang pagmamahal kapag ganito ang kasarian mo? Dapat bang lalaki at babae lang ang magmahalan habang-buhay? Valid ba itong nararamdaman ko sa kaniya? Hindi ko na alam kung ano-ano na itong naiisip ko. Am I still sane enough to face the everyday?

Sa kalagitnaan ng pagkakatulala ko, may naramdaman akong kalabit mula sa kaliwang side ng balikat ko. Wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon kaya dahan-dahan kong nilingon kung sinong shokoy itong may malakas na apog na kalabitin ako.

“Aaaaaaaaah-hmppppp.”

Walang hiya sa lahat ng walang hiya sa buong mundo! Bakit may aswang sa harapan ko!

Mariin kong pinigilan ang bibig ko sa pagsigaw ng malakas kahit na nakasigaw na ako ng malakas kanina. My heart’s racing now, as if being chased by some kind of demons, and sunod-sunod ang pagtaas-baba ng balikat ko, sinusubukang habulin ang mabilis kong paghinga. Mariin ko ring ipinikit ang mata ko para lang maiwas ako sa nilalang na iyon. Lumapit na ako kay Nicho para itago ang sarili ko. Alam kong nakaagaw ng pansin ang pagsigaw na ginawa ko kanina kaya mas lalo akong nahiya ngayon.

Pero mas nakakakaba ang nakita ko kanina nang paglingon ko sa kumalabit sa akin ay nakakita ako ng pigura ng aswang. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko pa rin ang gulat at takot na pinagsama. Narinig ko ang tawanan nilang lahat. Pero mas lalo ko lang isinuksok ang sarili ko kay Nicho nang nasa ganoon pa ring posisyon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko masabayan ang tawa nilang lahat. Mas nangingibabaw sa akin ang kaba at gulat talaga.

“Hoy, gago, anong nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Nicho nang bigla akong yumakap sa kaniya at mahinang umiyak.

Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak talaga ako. Halo-halo na kasi ‘yong emosyon ko, hindi ko na alam kung anong paiiralin ko.

“Hoy, Zetty, bakit ka umiiyak?”

“Hala ka, Tonton, umiiyak na si Zetty.”

“Shit, I’m sorry.”

“Zet, okay ka lang?”

“Gago, anong ginawa mo kay Zetty, Newton?”

“Sorry talaga.”

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon