Epilogue

129 5 2
                                    

"Ma!" Excited kong sabi kay Mama habang tinuturo ang TV.

12 na 'ko, pero minsan hindi ko maintindihan kung bakit parang bata pa rin ako.

"Oh! Si Lilac ba 'yan?" Nakangiti si Mama at umupo sa tabi ko. Agad naman akong tumango at mas lalong napangisi. Inakbayan naman ako ni Mama at sabay na pinanood si Amethyst.

Ang ganda niya, and galing din kumanta! Ang pangalan niya rin, ang ganda!

"Gusto kong maging singer katulad niya!" Kumikinang ang mga mata ko at tinignan si Mama.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, pero agad din naman napangiti. "Talaga? Sige. Tutal magaling ka rin naman kumanta."

Tumango-tango lang ako habang ginulo ni Mama ang buhok ko.

"Magiging singer ako!" pagmamayabang ko sa mga kaibigan ko. Si Anton, Alex, at Kuya Khael.

"Wow! 'Yan ba 'yong kumakanta-kanta?" Manghang tanong ni Anton.

"Tanga!" Agad siyang binatukan ni Kuya Khael. "Malamang, kaya nga singer, 'di ba?"

Tumawa naman kami dahil sa bangayan nilang dalawa.

"Boys! Dali tingin dito! Smile kayo!"

Agad kaming napalingon sa Yaya ni Alex at agad na ngumiti.

Pagkatapos naming maglaro sa park, umuwi rin naman ako agad.

"Bye, Alex!" paalam ko kay Alex at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay namin. Lagi kaming naglalaro magkasama, at ganoon lagi kahit ilang taon na ang nakalipas.

Agad akong dumeretso sa sala namin para panoorin ulit si Lilac. Galing kaming practice para sa banda, kumakanta na kasi kami. Bumuo kami ng isang banda, pero wala pa kaming pangalan.

"Lilac is having a concert next month on Zamboanga City Arena, get your tickets now!"

Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Mama at Papa.

"Ma!" Kumatok ako. Bumukas naman ang pinto at bumungad sa akin si Papa. "Pa," bati ko at pumasok sa kwarto nila ng walang sabi.

"Ma! Punta tayo sa concert ni Amethyst!" Nakangisi kong sabi.

Nagulat naman siya at umupo ng maayos sa kama nila.

Tumabi si Papa kay Mama at tinignan din ako. Walang pake si Papa sa kung ano'ng gusto ko, suportado nila ako sa lahat. Wala kasi akong kapatid kaya gano'n.

"Oh? Saan?" tanong ni Mama.

"Zamboanga po! Next month!" Halos tumalon na ako sa saya habang sinasabi 'yon sa kanila. Matagal-tagal na rin kasi simula no'ng nag concert si Amethyst, 'tsaka gusto ko rin marinig ang boses niya sa personal.

Ngumuso si Mama at tinignan si Papa. Pinagmasdan ko lang sila habang nakangiti pa rin.

Tumikhim si Papa. "Ayos lang. Kaso hindi ko kayo masasamahan, may business trip ako next month."

Halos mapatalon ako sa saya ng pumayag si Papa kya wala nang nagawa si Mama kung hindi ay pumayag na rin.

"Thank you po!" sabi ko bago lumabas ng kwarto nila.

For the whole month, nahirapan akong matulog sa gabi dahil sa excitement. Nagpaalam na rin ako kayna Alex. Sinabi ko namang babalik lang ako sa susunod na linggo.

"Ma! Dito tayo!" Agad kong kinawayan si Mama nang makita ko ang upuan namin. Ilang oras pa bago ang concert pero andito na kami. Nauna pa nga ako kay Mama na hanapin ang upuan namin eh. VIP pa! Ang swerte ko talaga sa kanila.

Courtney Amethyst (Ciervo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon