Chapter 38

64 3 6
                                    

"What did Kuya tell you?" I asked as I tilted my head when he opened the door of the car for me.

"Wala naman," he replied and I got in the car.

Bago ko pa lagyan ng seatbelt ang sarili ko, inunahan niya na ako.

I held my breath in surprise. Ang lapit niya sa akin!

"You talked for qui–"

"Shh. 'Wag nang matanong, okay? Amin na lang 'yon," he shushed me. He successfully put on the seatbelt before tilting his head to wink at me.

I pursed my lips and stared at him, still surprised.

Ginulo niya ang ulo ko bago lumayo sa akin at sinarado na ang pinto. Umikot naman siya agad para makaalis na kami.

The whole trip, I was just silent. Napapalingon ako sa kanya, pero agad ko rin namang iniiwas ang tingin ko.

Ngumuso lang ako. I could have put on the seatbelt by myself. 'Di niya naman kailangan magpaka-gentleman.

"W-Where are we going?" I asked in the middle of the trip.

"You'll know!" nakangisi niyang sagot habang nanatiling nasa kalsada ang tingin.

Nanahimik na lang ako. Tinitigan ko siya ng wala sa wisyo.

Ngayon ko lang napansin ang kabuuan niya ngayon. Mas lumaki ang pangangatawan niya kompara no'ng una kaming magkakilala. His hair is still brown. Hindi naman 'yon gano'n ka-brown, but it's noticeable. So he's not coloring his hair, it's all natural.

My eyes went from his hair to his eyes, to his pointy nose, and then his lips. Napakagat ako ng labi at medyo umiling. Bumaba ang tingin ko sa panga niyang umiigting na ngayon kaya napaiwas ako roon at tinignan ang leeg niya. I saw him swallow hard. I noticed it because his adam's apple just moved.

"Stop staring at me. Hindi ako nakaka-focus, Amethyst."

Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. I didn't realize I was staring at him for so long. Namula naman ako dahil sa hiya at pinaglaruan na lang ang mga daliri ko.

I heard him chuckle when I got silent. Tahimik naman na ako, but the atmosphere became awkward for me.

Nang tumigil kami, agad akong nagbuga ng hangin. Mabilis ang naging galaw ko kaya nauna akong bumaba kay Cole.

"Pagbubuksan pa sana kita ng pinto," sabi niya sa akin ng isinara niya ang pinto ng kotse.

Napatingin lang ako sa kanya at kinagat ang labi ko. "You don't need to do things for me, I'm fine..." I said. Pero sa loob loob ko, kinikilig na ako. He's not the cheesy type, but he's trying.

"Gusto ko eh... anyways, tara!" He held my waist as we started walking.

Napatingin ako sa maliit na shop.

Singing bee? 'Yon ang nakaukit sa taas eh.

Nang makapasok kami, napatingin ako sa bumungad sa amin. May tao na nakaupo sa silya sa may counter. Sa likod niya banda ay may hallway.

What's this place?

"Two hours po," sabi ni Cole. Hindi ko napansin kung ano'ng tinanong sa kanya no'ng lalaking nag-t-trabaho rito.

Sinabi no'ng lalaki kung magkano ang bayaran. Kumuha naman ng card si Cole ng hindi ako binibitawan.

"Enjoy, Sir!" the man said after he leads us to the hallway. May mga pinto roon.

"What's this place?" I couldn't help but ask. Mamaya ay may gagawing masama pala siya sa akin dito. Hindi ko masasabi kayna Kuya kung nasaan ako kung sakali.

Courtney Amethyst (Ciervo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon