Chapter 18

252 21 5
                                    

Louise

"Ok ka Lang ba talaga Tine? Para ka kasing uod na inasinan eh upo ka kaya." Saway ng kaibigan niya dahil kanina pa siya nakatayo at nagpapadyak-padyak.Ito ba naman kasing si Gab di sumasagot sa mga text niya kaninang umaga pa.
"Ehh si Gab kasi eh, di sumasagot sa mga text ko." Inis na sabi niya.
"Ay si jowa naman pala Girl.Wag kang magalit bess ah may sasabihin ako sayo." pabitin nito.
"Ano?!Sabihin mo na?!."sabi niya.
"Kalma bunganga, ito naman Kung makasigaw eh.So ito na nga, don't get me wrong ah pero parang si Gab yung nakita ko kanina sa isang Cafe dun pa mismo sa pinagtatrabauhan mo, may kausap siyang babae and sweet pa nga Nila sa isa't-isa."Sabi nang kaibigan niya na nagpakunot sa noo niya.
"Baka waitress lang yun." pagtanggi naman nito.
"Gaga ka ba?Waitress Ganon ka sweet?! Naku,naku bantayan mo yang Jowa mo ah baka Kung anong kalokohan na ginagawa nun di mo lang alam."Babala nito sa kanya....

Dahil sa takot niya ay bigla siyang umalis nang walang paalam pero agad naman siyang sinundan nito.
"Huy Tine?!Saan ka pupunta?."tanong nito habang hinahabol siya.
"Sa Cafe, nadoon pa ba sila?. "
"Ewan ko ba, di ko din Alam eh pero sige sa sasamahan kita sabay tayong susugod, ipaglaban si Jowa!!!" Sigaw pa nito nang nakalapit na sa kanya.Kung ibang sitwasyon Lang siguro ay tumawa na siya pero hindi eh, dinaig siya nang kabog ng dibdib niya, natatakot siya na baka totoo ang sinasabi nang kaibigan niya...

Agad siyang bumaba nang Jeep pagkahinto nito sa harap ng Cafe na pinagtatrabauhan niya.Agad siyang pumasok at doon nakita si Gab na nakaupo na parang may inaantay, agad din siyang lumapit dito...
"L-Love??."Ganon nalang ang gulat nito nang makita siya,magsasalita na Sana siya nang may biglang dumating.
"Sorry natagalan ako ah,I fixed something pa kasi."Sabi nang bagong dating, nagulat siya nang mapagtanto kung sino ito.
" B-Bess, siya yung tinutukoy ko na babae. "Pabulong ni Anne sa kanya na Mas lalong nagpalaki sa mata niya.


"M-Ma'am Cheska?"Gulat na sabi niya.
Yes Tama yung pinaghinalaan ng kaibigan niya ay ang kapatid Lang pala ni Gab.
"Oh Tine, nandito kana pala di pa naman ngayon ang shift mo ah." Sabi nito.
"Yes po, sorry po ah pwede ko po ba munang ma excuse ang sarili ko? May kakausapin lang po kasi ako."Sabi niya sabay baling nang tingin kay Anne at hinablot ito.
"Sure,wait ka nalang namin dito ni Gab, Diba?" sabi naman nito sabay tingin Kay Gab kaya agad din niya itong tiningnan.Halata sa mukha nito ang gulat at namumula pa kasi alam mo na nagpipigil nang tawa, Sos sarap pektusan!!!.




Pagkalabas palang nila ay binatukan na niya ang kaibigan.
"Ikaw, tamang hinala ka din eh noh?!."
"Eh bakit ba?Ano bang kasalanan ko?Pinakita ko lang naman sayo yung babae ni Gab mo eh."Pagmamaktol nito habang hinihilot ang batok.
"T*ngina ka Anne!,Ate niya yun ehhh."Parang bata na sabi niya.
"Ano?!!!Pa-paano? Di ko naman alam eh." Halatang nagulat ito sa nalaman.
"Malay ko ba, tanungin mo magulang nila kung bakit may kapatid siya.Alam mo bang nahihiya ako ngayon sa Ate niya."
"Hindi syempre, bakit ba?" sabi naman nang kaibigan sabay irap sa kanya.
"Ate niya ang may-ari nang Cafe Bess."
"Eh ano naman ang problema dun??."
"Wala naman,pero baka Kung ano ang isipin nang Ate niya,natatakot ako."May halong kaba na sabi niya.
" Bakit ka naman natatakot? Diba mahal mo naman Jowa mo? Diba di naman pera ang habol mo sa kanya?"Tanong nito na nagpailing sa kanya.
"Yun naman pala eh, so bakit ka ba natatakot?. You should be happy dahil mahal ka din nang mahal mo."
"Alam ko naman yun, pero baka ayaw nang ate niya sa akin dahil isang hamak na babae na nagtatrabaho lang sa Cafe nila para matustusan ang pang araw-araw lang naman ako."
"Duh, don't downgrade yourself. Kahit ano ka pa or sino ka pa, basta mahal ka nun ipaglalaban ka niya.Trust on your love for each other." Sabi nang kaibigan niya kaya napangiti siya at niyakap ito.
"Salamat Bess."......










Gabriel

"Muntikan kana don Gab ah,hahaha. So tuloy ba ang plano?."
"It's take it or leave it."






--------------
Thank you so much po sa lahat nang patuloy na nagbabasa ng story na'to🤗. Sana patuloy po kayong mag suporta hanggang sa huli. Love you all💖

My Love For You(A MayWard Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon