"Sumama ka na kasi sa amin dai," sabi ni Aliah habang hinihila ako.
"Hoy Diane, who told you to feel at home ha? Nandito tayo to convince." Sigaw pa ni Aliah kay Diane na kumakain.
Binitawan ko ang kamay ni Aliah na mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Aliah... I told you already na it's fine. Kapag sinabi ko na okay lang sa akin, okay lang talaga promise." Sabi ko rito.
Ka chat ko sila kanina at niyaya nila ako pero tumanggi ako since alam ko naman na date nila yun. I mean date nila ng jowa nila. I don't want to be their fifth wheel. Duh! Hindi ko yun plano ever since kasi ayoko rin na may third party sa mismong date ko. Ayoko may na o-op.
"Next time na yung atin, I'm planning to find a job. You know we really need money." Sabi ko sa kanila.
I graduated as an architect, while Aliah is an interior designer and Diane is a fashion designer. Both of us are in the field of design.
"Alis na nga Diane, napaka patay gutom mo." Sabi ko saka siya hinila paalis ng kusina.
Narinig ko pa ang pagdighay niya sign na busog na siya.
Wow lang ha? Sinulit talaga.
"You may now go, wag niyo na pag hintayin yung dalawa sa labas. Grabe kayo." Sabi ko sa kanila habang tinutulak palabas.
Naaawa ako roon sa dalawa, I mean doon sa jowa nila. 2 years nanligaw tapos hanggang ngayon pag hihintayin pero sabi nga nila kapag seryoso at mahal ka talaga hihintayin ka.
Edi sana all!
"2 years nga nahintay kami oras pa kaya," sabi ni Diane habang umiinom ng tubig.
Yabang, sana mapagod. Eme
I hope they have the assurance and consistency until the end.
"Satisfied?" Pagtataray ni Aliah kay Diane.
"Ayaw pa kasi kunwari pa na nahihiya, gago kami lang 'to. Choosy ka pa, wala ka naman hiya." Sabi ni Diane kaya sinabunutan siya ni Aliah.
"Alis na kami dai," sabi ni Aliah saka siya nakipagbeso sa akin gano'n din si Diane.
"Don't forget to attend on the 18th birthday of Danica, sa sabado na yun ha? This coming saturday." Pagpapaalala ni Diane sa akin.
Danica is her sister, dalawa lang sila na magkapatid tapos may half brother siya sa side ng papa niya kaso nasa nanay niya ngayon pero dumadalaw rin sa kanila. Close nga nila eh.
"Pupunta kuya mo?" Tanong ko.
Ahead sa amin ang step brother niya ng 2 years.
"Not sure, aayain ko pa lang siya eh. Type mo ba? Sorry dai, loyal yun sa jowa niya." Sabi ni Diane kaya naman inirapan ko siya.
"Gago!" Sabi ko rito.
"Alis na nga tayo, hahaba na naman 'to at matatagalan na naman jusme." Sabi ni Aliah kaya naman hinila na niya si Diane paalis natatawa ako habang nakasunod sa kanila.
"Hey, ingat kayo guys. Ingatan niyo yung girlfriends ko. Jerome and Jomar. Masasapak ko talaga kayo." Pagpapa alala ko sa kanila.
"Don't worry," seryosong sabi ni Jomar.
He's serious type kung hindi mo siya kilala iisipin mo talaga na masungit siya pero once nakasama mo siya naging close mo sobrang jolly type niya. While si Jerome ay may sense of humor kumbaga kung itatanong mo sa akin if totropahin o jojowain ay tropa siya. Masaya siya kasama eh, panay kuwento pa.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
Teen FictionNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...