"Good morning po Ma'am," iyon ang bungad na bati sa akin ng anak ni Tatay Joselito nalaman ko na name niya sa wakas.
The name of his son is Juan, very pinoy.
"Ang formal mo masyado, good morning." Sabi ko rito kaya natawa siya.
"Upo ka," sabi ko ng mapansin na hindi siya umuupo.
Hinintay pa niya na ayain ko siya umupo. Feeling boss ka ata self?
"So... How's your first day so far?" Tanong ko.
"Huh!? Po?" Nagtataka nitong tanong kaya napailing ako.
"Kumusta? Kumusta first day mo?"
"Ayos naman po, maayos naman po ako itrato ng mag ina. Salamat po talaga Ma'am." Sabi nito.
Seriously? Po? Ma'am. Gagi, bata pa po ako.
"Wag ka na mag po at opo o kaya Ma'am kakaloka ka," sabi ko saka siya mahina pinalo sa braso.
Feeling close ka agad self?
"Ay sige," sabi nito kaya natawa kami pareho.
Nagkukuwentuhan lang kami ng magulat ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko.
"Klyde," sabi ko pagkalingon ko sa kaniya.
I'm expecting him na rin talaga, kaya nga rito ko inaya ang isang 'to. No! Mali kayo ng iniisip. It's just I want him to know sino yung mga nakakasama at nakakausap ko.
"Good morning Eng. Samonte," nakangiti na bati ni Juan kaya napangiti ako.
Hinawakan ko ang kamay nito saka siya inaya na sumalo kaso tumanggi siya.
"Are you done?" Seryoso nitong tanong.
"Tawagan na lang kita, ingat sa pag uwi." Nakangiti ko na sabi rito.
Alanganin 'tong napangiti saka nagpaalam na aalis na raw.
"Oh!? Bakit ganyan ka sa akin makatingin." Sabi ko saka siya umupo sa inupuan ni Juan kanina.
Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'to. May text akong na receive galing kay Juan.
From: Juan
Nagalit ata Ma'am pasensiya na po, umalis ako kaso baka may gawin hindi po ako papalag hehehe.
Natawa na lang ako saka napailing.
To: Juan
Nevermind, may monthly period siya hahshshs. Wag ka maingay tayong dalawa lang nakakaalam. :)
Saka ko 'to binalik sa bulsa ng damit na suot ko.
"Anong reaksyon yan?" Tanong ko rito.
"Ewan ko ba, nagseselos ako." Sabi nito kaya natawa ako.
"Bakit ka naman natatawa?" Sabi nito kaya naman natigil ako sa pagtawa.
"Ang cute mo magselos, employee lang yun hindi ka dapat nagseselos." Sabi ko rito.
"Kailangan mo ako plano sagutin?" Tanong nito kaya naman nginitian ko siya saka pinisil ang ilong nito.
"Hmm... saka na kapag deserve mo na talaga ako, atsaka may assurance ka naman na roon din ang punta natin dalawa. Chill, mag kape ka na muna." Sabi ko kaya natawa siya.
We ended up talking while drinking coffee.
"Alam mo ba na gustong gusto ko yung itsura mo kapag naasar ka, like ang cute mo lang tingnan." Sabi nito saka kinurot ang pisnge ko.
Mapayat ako pero I have this chubby cheeks. Tuwang tuwa nga mga kaklase ko sa akin everytime na nabubuwisit ako kasi ang cute ko raw ma buwisit kaya mas bubuwisitin nila ako.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
Dla nastolatkówNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...