TWENTY-SIX

177 9 0
                                    

"Kumain ka muna," sabi ni Klyde sabay lapag ng pagkain sa lamesa.

Nandito ako sa site, naisipan ko na rito ko na lang i-le-lay out yung plano kung ipatayo na bahay para makahingi ako ng opinion.

I been working it for almost one week tapos hindi pa tapos since panay kami gala. After ng pahinga namin ay naging busy na kami at mas nag-focus na sa work dahil hindi namin namalayan na 2 months na kami nagtatrababo, running 3 months na rin na under construction at 3 buwan na lang ang mayroon ako para matapos siya as in tapos na talaga.

At least masaya akong buo na talaga siya, ayos na lang sa loob ang need tapos design na lang ni Aliah. Next time isasama ko siya para makita niya at makagawa siya ng plano niya about dito.

"Next project," sabi nito habang nakaturo sa drawing ko.

"Dream house of mine," sagot ko.

"Will you marry me," sabi nito kaya napatigil ako at seryosong napatingin sa kaniya.

"Nag-po-propose ka agad, hindi pa nga tayo. Baliw ka." Sabi ko saka tinuloy ang ginawa ko.

"Para hindi ka na gumawa ng sariling bahay mo, makakatipid ka pa." Nakangiti nitong sabi kaya napailing ako.

"Sasakalin kita, pinagtitripan mo na naman ako eh. Bastedin na kaya kita para end of the world muna." Nakangiti kung sabi.

"Ay wala naman ganyanan, heto na nga lalayasan na nga kita." Sabi nito saka umalis sa harapan ko.

Tinabi ko muna ang drawing ko saka ako kumain kasi gutom na talaga ako, late na ako nagising kaya hindi na ako nakakain ng almusal. Hindi na rin ako ginising nung dalawa kasi ang akala nila ay hindi ako papasok.

Nabo-boring ako kapag mag isa kaya mas pinipili ko na mag-stay sa site at panoorin sila kasi kinakausap naman nila ako kaya it's fine with me kaysa naman I am being alone.

"Ayaw mo ba tumambay sa office ko?" Tanong ni Klyde.

"Okay na ako rito, at least kung may kailangan sila ay puwede ko na agad ma-provide. You can go if kailangan ka nila. I can handle this with my own don't worry." Sabi ko kaya naman tumango siya.

See? Medyo nakakaya ko basahin yung thoughts niya through facial expression and action.

Ako lang 'to eme.

"Okay ka lang maiwan mag isa rito?" Tila nag aalala nito na tanong.

"Oo, don't worry about me." Sabi ko sa kaniya.

"I'll be back, ihahatid kita pauwi. Bye. I Love you." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.

Nagmadali na 'to maglakad at hindi hinintay ang sagot ko.

I love you Klyde, take care.

"Nobyo mo na ba siya hija?" Tanong ni Tatay Joselito.

"Manliligaw po tay, kain po." Alok ko kasi hindi pa ako tapos kumain.

"Kakatapos ko lang hija, salamat." Nakangiti nitong sabi saka umupo sa lapag.

May 1 hour break sila, may ilan na nakahiga, ang ilan na siguro nasa edad 30+ ay nag-ce-cellphone habang yung iba katulad namin ni Tatay Joselito ay nag uusap.

Panigurado naman ako na na mi-miss na nila pamilya nila kaya hindi ko sila masisi na mangulila sila pero wala naman akong magagawa kasi katulad nila ginagawa ko rin yung part ko as a worker. Ang pinagkaiba ako yung may mas mataas na posisyon na hindi gano'n nahihirapan kaysa sa kanila.

"Tay? May anak po kayong nakapagtapos sa pag aaral?"

"Mayroon sana kaso ginahasa at pinatay siya, pa-graduate na siya ng accountant." Sabi niya na halatang nalulungkot.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon