FOUR

548 21 0
                                    

"Hi, can we talk?" Maayos nitong approach sa akin.

I was froze, napatingin lang ako sa kaniya.

Akala ko guni guni ko lang yun pero hindi ko aakalain na totoo nga siya at talaga nagkita kami.

Makikipag usap ba ako?

She's Arian, ex girlfriend ni Klyde at kilala ko siya kasi minsan na siya pinakilala ni Klyde. I know her because of Klyde since we're friends at natural lang na ipakilala niya sa akin yung jowa niya.

Bago ako umalis sa probinsya binilin ko si Klyde kay Arian kasi alam ko naman ayaw sa akin ni Arian dahil masyado kaming close ni Klyde since close ang parents namin both sa hindi ko alam na rason.

Isa na siguro sa rason kaya hindi ako nagpaalam kay Klyde ay dahil na rin sa alam ko pipigilan niya ako at ayoko masira sila ng jowa niya dahil sa akin kaya kahit masakit sa side ni Klyde I choose not to tell him alang alang sa relasyon nila.

"I'm sorry..." Sabi nito sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

She's crying, I don't know why? Hindi ko alam anong dapat ko gawin.

Makalipas ang limang buwan pagkaalis ko sa amin nabalitaan ko na nag break na sila ni Klyde, model si Arian at natural lang na alam nila ang about sa relationship nila kaya roon ko nabalitaan pero never naglabas ng statement si Arian regarding sa break up since it's a private matter.

"Wala ka naman ginawa eh," sabi ko rito habang hinahaplos siya.

Hindi ko alam bakit kailangan pa niya mag sorry sa akin? Sorry kasi selosa siya? I admit na dahil doon kaya rin ako umalis pero hindi naman yun ang main reason eh, family problem kaya kailangan lumipat. At some point naman masaya ako kasi tama yung pinili namin, although may iniwan ako pero masaya naman ako sa ngayon. If hindi na mababalik yun noon between me and Klyde maluwag kung tatanggapin kasalanan ko naman yun kaya magdusa ako.

"Pinilit ko kasi akala ko puwede, nanatili ako sa tabi niya kasi akala ko matutunan niya ako mahalin pero hindi pala. Ang sakit." Sabi nito kaya mas nataranta ako.

What to do? Send help?

"Bakit mo sa akin yan sinasabi?"

"Kasi--" natigil siya sa pagsasalita ng may tumapik sa balikat ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko agad si Aliah at Diane.

"Let's go na ba? Or may kailangan ka pa rito?" Nakangiting tanong ni Aliah.

"I'm with her girls, balak ko sana kausapin. It's fine if I borrow her for a while." Nakangiti na sabi ni Arian.

"Sure, no problem." Sabi ni Aliah saka ka binitawan ang pagkakahawak sa balikat ko.

"Mauuna na kami girl, chika na lang tayo later ha?" Sabi ni Diane saka nila ako bineso.

Kumaway lang ako sa kanila bago sila naglakad palabas.

"How sweet naman," sabi ni Arian dahilan para mapalingon ako sa kanila.

"Sila lang kaibigan mo?" Tanong nito.

"College friend ko sila, masyadong busy yung friend ko noong high school ako kaya sila lang nakakasama ko." Sabi ko rito.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon